Chapter 5-2

24 0 0
                                    

"Nakakaasar ka kasi Louisse bakit kasi ninominate mo ko?"

"Ikaw nga jan ninominate mo ko sa Vice president"

"Hindi ka naman nanalo"

"Sabi mo kasi iboto ka kaya ginawa ko lang at sinunod lang kita"

Nandito kami sa mall, bibili ng mga gamit na gagamitin sa pag design ng classroom.

"Para mapabilis tayo ganito gawin natin" nako po ano naman kaya ang naisip nito?

"Louisse tutal ikaw ang may pasimuno nito ikaw ang bumili ng cartolina" sasagot pa sana si Louisse "oh oh oh wag ka na maingay wag ka na kumontra baka pagalitan pa tayo"

Ano 'to library?

"Ikaw naman Jane ang bumili ng mga colored paper... Mikee bumili ka ng mga abobot yung malalaki ah.. at ikaw Nadine since hindi nanalo ang manok mo, gunting, paste at kung ano ano pa sa tingin mo ang magagamit eh bilhin mo na din" humarap sa akin si Alyssa "At ikaw ex president"

"Ex president? Hindi pa nga ko nagiging pres- - -"

"Ah basta ex president ka wag na madaming sasabihin basta ex president ka... ikaw ang bumili ng styrofoam"

"At ikaw secretary anong gagawin mo?" Jane

"Wala. Hihintayin ko kayo dito"

"Ano? ang duga mo, sinamahan ka na nga namin bumili then uutusan mo kami? Hindi ako papayag dapat patalsikin ka sa pwesto"

"Drama girl"

"Sama sama na kasi tayo, unahin natin bilhin yung mga gunting" sabi ko

"Nako sama sama.. gusto mo lang atang kasama si carl eh"

"Ah ewan sayo"

Matapos ang ilang oras nabili nanamin yung dapat bilhin. Kumain muna kami bago umuwi.

****

Nakadikit sa ding ding yung mga cartolina at nandun yung mga names ng mga officers. Yung mga birthday namin nakalagay din. Pati yung para sa mga top ten meron na din nakalagay kaso wala pa naman nakadikit na mga names. Yung bintana nilagyan din ng design. Ultimo yung blackboard may design sa gilid.

Onti onti nagiging close ko na yung iba ko pang classmate pati na rin yung nasa St. Luke na section kilala ko na din.

Nakakasama ko na din silang gumala.

Every month kasi dito sa school na 'to ay may event. Kaso bago yung event na yun kailangan muna namin mag exam. Ang periodical exam.

Syempre kailangan mag review, hiwalay kasi ang boys at girls pag exam eh. So ang onti lang namin.

"Goodluck sa exam Elle, perfekin mo ah" sabi ni Francis

Nasa kabilang room lang kasi sila, hindi pa naman kasi magiistart yung exam.

"Buti pa si Elle may goodluck" aly

"Iba talaga pag mahal ooppss" louisse

"Tigil nga kayo iggoodluck din naman kayo ni Francis nauna lang ako kasi malapit ako sa pinto" sa dulo kasi kami nakapwesto. Syempre exam eh.

"Hindi rin"

"Oh kita muna.. malapit pala sa pinto ah"

"Ewan ko sayo Alyssa"

Number one pa lang ang hirap na. ano ba naman 'to? Kung ano pa yung hindi ko nireview ayun pa yung lumabas sa exam.

***

"Last day na ng exam gala tayo ah" Nadine

Last day na nga at next week eh may event hindi ko nga lang alam kung ano. So petiks next week yey!

"Nasan na ba yan si nosaj?"

"Kasama si nephets, nag cr"

"Kamusta exam?" tanong ni Francis

"Nako ayan nanaman ang couple"

"Couple? Kayo ba?"

"Nako Carl mahina ka tsk tsk"

"Ano ka ba Alyssa pauso mo eh no.. hindi kami Carl wag ka maniniwala jan"

"Buti naman kung ganun.. tara na iwan na natin sila Jason at Stephen"

Bakit bigla naman naging masungit ang isang yon?

Japan?

***

High School Relationships that last FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon