Chapter 9

12 0 0
                                    

Pagkapasok ko binati ko agad sila “Congrats pala sainyo”

Nakatingin lang sila sa akin, ano ba naman yan? Lumabas na lang ako ng room, hindi ko feel pumasok ngayon. Saan naman ako pupunta?

Tambay na lang ako dito sa building ng elementary. Wala lang gusto ko lang

May nakita akong naiyak na bata, syempre lumapit ako ang sama ko naman kung tititigan ko lang sya diba.

“Bata bakit ka naiyak?”

Tumingin sya sakin at lalo pa syang umiyak. Aba! Badtrip na nga ako ngayon lalo pa kong babadtripin ng batang  ‘to

Nakita kong hawak nya yung tiyan nya. Mukhang alam ko na…

.

.

.

Syempre tinulungan ko sya hindi naman ako ganung kasama no. tska may nakikita akong tao sakanya. Pero imposible naman.

Pagkatapos nyang maglabas ng sama ng loob, tinanong ko kung saan ang room nya. Kaso ayaw daw nyang pumasok. Pareho pala kaming tamad. Haha!

Niyaya ko syang kumain, akala ko tatanggi aba matindi hindi tumanggi para syang si Carl. Enggk! No Carl today.

Araw araw na lang ata akong may inililibre. Pansin ko lang naman

“Masarap ba? Ano pang gusto mo?” tanong ko. Bumili kami ng spaghetti, tig isa kami tska juice. Bawal pa ang soft drinks kasi maaga pa lang kaya. Duh!

Mali ata ang tanong ko. Dapat pala busog ka na?

Kasi naman gusto pa daw nya ng burger. Oh diba ang takaw lang.

Tinanong ko yung name nya hindi sumasagot.

May pagka eng eng din ako eh no.

Thanks sa ID. Haha

Foodtrip kung foodtrip kami. Ang gaan ng loob ko sa batang ‘to.

“Yasmine”

lumingon ako sa likod

“Kuya”

Magkapatid sila? Kaya pala pamilyar yung apilyido ni Yasmine.

“Anong ginagawa mo dito? At bakit ka kumakain? Diba may klase ka pa. kanina pa kita hinahanap”

“Carl huwag mo namang sigawan yung bata. Kita mong natatakot na oh”

Yumapos sakin si Yasmine “Ate” naiiyak na sya. Parang ako lang, kinokontra yung luha

“Yasmine wag kana umiyak okay.. yaan mo na yang monster mong kuya… kain na tayo ulit”

“Ano ba Elle wag mo ngang turuan ‘tong kapatid ko na magcutting” lahat ng dugo ko napunta sa ulo ko

“Anong sabi mo?..”

“..alam mo ba kung bakit kami nandito? Alam mo ba kung bakit sya umiiyak kanina? Alam mo ba kung bakit hindi sya nakapasok sa klase nya?”

“Hindi ko alam okay. Kung may problema ka wag mong idadamay ang kapatid ko sa pag hindi mo pagpasok sa klase”

“Hindi ko dinadamay yung kapatid mo - -“

“Anong hindi? E anong ginagawa nyo dito? Nag aaral? Sa canteen?”

Tumayo ako at iniligpit yung pagkain.

“Yasmine sa recess mo na ulit kainin ‘to ah.. lika na hatid nakita sa classroom mo”  lalakad na sana kami nang

“Ako na maghahatid sakanya… pumasok ka na”

Madali naman akong kausap “Bye Yasmine” sabi ko

Pero papasok?

No way

Bahala sya.

***

High School Relationships that last FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon