Chapter 2

36 0 0
                                    

ayokong bumangon

ayokong pumasok

gusto kong matulog ng matulog

"nak yung baon mo oh"

kinuha ko yung baon ko "alis na ko ma"

hindi maganda ang first day ko pero ok lang first day lang naman , meron pa namang second third at madami pa.

ahhmm teka san nga ba ulit yun dito?

sht nakalimutan ko papunta sa room

dapat pala naglagay ako ng palatandaan, sa susunod makapaglagay nga. Napapagkamalan akong baliw eh.

late na ko hindi ko pa din mahanap yung room ko. argh naiiyak na ko. feeling ko ang eng eng ko.

hindi ko na alam ang gagawin ko. bakit kasi dito ako pinasok? Kasalanan ko din ‘to. Kung nakinig lang ako edi sana dun ako sa maliit na school nag-aral. Ang laki nito para sa akin feeling ko hindi ako bagay dito.

Lahat ng kaklase ko magkakakilala kasi naman simula nursery, yung iba magkaklase na talaga hanggang makatapos ng elementary sila sila pa din samantalang ako loner.

Sa wakas nakarating na ako sa classroom, ang kaso nahihiya akong pumasok kasi nagtuturo na yung teacher.

Buti na lang sa cr ako napadpad at meron dun grupo ng mga girls na sa tingin ko naman e mababait. At nagtanung ako sakanila kung saan yung St. Anthony akala ko nga pagtatawanan nila ako. hindi katulad nung asungot na napagtanungan ko at ang matindi e kaklase ko pa na ubod ng yabang. Ay ewan!

Ok so nandito ako sa tapat ng classroom naghihintay na matapos yung teacher na magturo.

“Wait… diba ikaw yung nagtanong kanina samin?”

“Ah oo ako yun hehe”

Parang abno lang yung tawa ko

“May hinihintay ka ba?”

“yung teacher”

“si mam? Bakit?”

Ang dami naman nilang tanong.

“eh kasi late ako kasi hindi ko pa kabisado ‘tong school na ‘to kung san san ako napunta kanina hanggang sa makapunta ako sa cr at nakita ko kayo at ayun”

Actually limang babae ang nasa harap ko. Lahat sila parehong niiihi? O pulbo pulbo lang yung iba?

“I think sya yung kinukwento ni Carl kahapon”

“sa tingin ko nga din sya. Pakilala tayo?”

“pakilala tayo?”

“sige pakilala tayo”

“hahahahaha”

“bakit ka natawa?”

“nakakatawa kasi kayo eh parang wonder pets hahahaha”

Totoo naman para silang wonder pets. Favorite ko yun

“si ming ming hahaha - - - ok joke lang naman” nakakatakot kasi yung mga tingin nila, para silang mangangain ng tao

“alam mo bang classmate mo kami”

0__0

High School Relationships that last FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon