Chapter 7-4
Nandito kami ngayon sa Mall. Bibili ng pangregalo. Christmas party na kasi namin bukas eh.
“Ano kaya pwedeng ibigay kay Rose?” tanong ni Nadine
“Edi rose” sagot naman ni Louisse
Nagsabihan na kami kung sino ang nabunot namin. Syempre hindi ko sinabi kung sino talaga ang nabunot ko. Pero hindi pa rin kuntento si Alyssa, ayaw nya kasi maniwala na hindi ko sya nabunot. Ipakita ko daw yung papel. At buti nalang nandun si Carl, ibinigay nya sakin yung papel na nabunot nya. So ang alam ni Alyssa si Cris ang nabunot ko.
“Sa blue magic tayo” Jason
So punta naman kami ng blue magic
Ano pa nga ba?
Ang pambansang regalo!
“Sana hindi teddy bear ang makuha ko” sabi ni Alyssa
So ayaw nya pala ng teddy bear. Ang hirap naman! Kung tanungin ko na lang kaya sya?
“Pansin ko lang Alyssa, kanina ka pa ayaw ng ayaw para bang ikaw yung bibigyan namin”
Oo nga kanina pa kasi sya comment ng comment na ayaw nya sa tuwing papasok kami sa isang store
“Para alam nung isa jan Din”
“Sino ba Ly?”
“Ah basta MJ”
“So uso pala ang paiklian ng name ngayon?”
“Yep Son.. hindi na uso yung babaliktarin yung name. kajejehan lang yun”
“Ganun? So pano naman yung name ko?”
“Hmmm Stephen…hmmm.. ahmm.. “
“Alam ko na”
“Go Son the floor is yours”
“Edi Pen”
“Tol pang babae naman yan”
“Eh kasi pang unisex yung name mo”
“Hahaha”
“Gago”
“Tigil tigil na yan. Tara na sa ibang store.. ano bang bibilhin nyo? Ell? Ikaw Isse?”
Pumunta naman kami sa damitan
Ang cute nung nakita kong damit. Kaso yung price hindi cute eh. Monster yung price
“Kyaaaaah! Ang cute nito”
“Ly seriously kung makatili ah”
Tinignan ko yung tinilian ni Ly
Jusko po mapapatili ka nga talaga sa price
Hanggang 100 pesos lang pero ito triple triple. Gigil ako!
***
“Ell hindi ka pa nakakabili.. si Cris lang naman yang bibigyan mo” lahat kasi sila nakabili na. paano ba ‘to?
“Oo nga eh ang hirap kasi pumili. Hindi ko naman alam ang gusto ni Cris”
“Damit na lang kasi ang ibigay mo….. suggest lang naman” sabay ngiti ng malapad ni Ly
“Maghiwa-hiwalay na tayo… para makabili tayo ng regalo para sa exchange gift natin”
Meron din kasi kaming sariling exchange gift. Walang bunutan basta lahat bibigyan mo. Pero hindi kasali ang mga boys.
Si Carl ang kasama ko. Makulit kasi ‘tong isang ‘to. Sabi ko ako na lang ang mapilit tska hindi nya daw kabisado ‘tong mall. Palusot bulok eh
Hinid ko na rin masyadong nakakausap si Francis simula nung bumili kami ng pancit canton. Ewan ko, hindi nya kasi ako kinakausap eh.
“Ano bang ibibigay mo kay Alyssa?”
“Yung damit na tinilian nya kanina”
***
BINABASA MO ANG
High School Relationships that last FOREVER
Teen Fiction[ONGOING] Forever nga ba? o Poreber-poreberan lang? "Walang forever, bigas meron" --- Start: April 2014 End: ...