Chapter 5-4

20 0 0
                                    

Lumabas ako ng school at nakita ko pa dun sila Alyssa, na nakain ng tuhog "Nasan si Carl?" bigla naman silang nagsmile

"Bakit? Nag away ba kayo?"

"Nasaan sya?"

"Umuwi na"

Umuwi na agad? Sure akong nasa kanya ang susi

"Oy Elle san ka pupunta....oy teka lang"

Panu tumakbo ako. pupunta ako kila Carl kailangan kong makuha yung bag ko dahil may report ako bukas. Lagot ako pag hindi ako nagreport.

Nang makarating ako sa bahay nila Carl "Si Carl po?" sabi ko kay Tita

"Hindi pa nauwi"

ANOOOO?

"Ah ganun po ba? Osige una na po ako" aalis na sana ako kaso hinawakan ni Tita yung braso ko

"Elle sandali lang... may nasasabi ba sayo si Carl na problema nya?"

"Ah wala naman po bakit po?"

"Etong nakaraang araw kasi nag iba sya, parang may problema.. simula nung Friday.. diba nanalo naman sya?"

"Opo..yaan nyo po tatanungin ko po kung anong problema nya"

"Sige salamat"

Ano bang problema nya? Bakit pati bag ko dinadamay nya?

Bumalik ako sa school at wala nadun sila Alyssa. Pumunta ako sa room kaso naka lock at nandun pa din yung gamit ko. Paano na yan? Report ko bukas.

Ang baho naman..

Kaya pala dito pa ko nagdrama malapit sa cr ng boys

Biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Carl

"ANO KA BA? BAKIT MO NILOCK YUNG ROOM? ALAM MO BANG NANDUN PA YUNG GAMIT KO.. KUNG MAY PROBLEMA KA SABIHIN MO HINDI YUNG PATI GAMIT KO DINAMADAY MO. AKIN NA YUNG SUSI"

Nakatingin lang sya sa akin. Basang basa kasi ako ng pawis. Paano ba naman ikaw kaya ang tumakbo. Madalang kasi ang tricycle dito.

"ANO BA? YUNG SUSI AKIN NA.. MAY REPORT PA KO BUKAS PAG AKO HINDI NAKAPAG REPORT LAGOT KA SAKIN"

Inabot naman nya sa akin yung susi "Agahan mo ang pasok bukas" at bigla naman syang tumalikod

Bakit ko naman aagahan? Bahala sya jan

Nakuha ko naman yung bag ko at pag labas ko ng school nandun pa si Carl at nagulat ako kasi naninigarilyo sya

Lumapit ako sakanya at kinuha ko yung yosi nya "Gago ka ba? Bakit ka naninigarilyo? Alam mo namang masama yan eh siraulo ka talaga"

"Bakit ka ba nangingialam? Ano ba kita? Wala kang pake kung ano ang gagawin ko"

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko"

"Ako? anong ginawa ko sayo?"

"Galit ako"

"Bakit? Sabi ko naman diba na meron akong eraser" nanghihiram kasi sya kanina sa mga classmate ko eh wala naman silang eraser, inaabot ko sakanya pero hindi nya ko pinapansin.

"Ewan ko sayo... umuwi ka na, diba may report ka pa?"

Hindi ko na sya sinagot, naglakad na lang ako.

"Teka Lang Elle" habol nya pero hindi ako nalingon "Elle oy sabay na tayo"

Sasabay din pala, dami pang arte

***

High School Relationships that last FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon