Ang Unang Sulyap

1K 25 0
                                    

Kakadating lang ni Mifa sa gate ng university nila at pangiti-ngiti pa siya. Huminga siya ng malalim at sakto nmang may dumaan na jeep sa likod niya. Napa-ubo tuloy ito. 

"Pwe! Ano ba yan! Pollusyooon!" Reklamo nito at patuloy sa pagubo. 

"Yan kasi may paemote-emote pa." Sabi ng boses na babae sa tabi niya. 

Pagtingin niya dito ay agad siyang bumungisngis at sumigaw ng "BESTIIIEEEEEE!!!!" Sabay yakap dito. 

Gumanti nman ng yakap si Aubrey at nagtatatalon ang dalawa habang tumatawa dahil sa muling pagkikita nila. Miss na miss nila ang isat isa dahil di sila nagkita noong summer break.

"HOY MGA BAKLA ISAMA NIYO NMAN AKO DYAN!!!" Sigaw ng isang binabaeng boses. 

Napatingin ang dalawang dalaga sa kilalang boses at tinawag ito. "TONYOOOO!!!" 

"AY CHAKA! SINABING TONYA EH!" Sigaw na ganti nito pero tumakbo parin para yakapin ang dalawa.

"HUHUHUHAHAHA" Yan lang ang maririnig sa kanilang napakahigpit na group hug. Nagmumuka tuloy silang unggoy na nakawala sa zoo. Pinagtitinginan nman sila ng mga kapwa estudyanteng papasok din sa unibersidad. 

Di na kinaya ng guard ang ingay na ginagawa ng tatlo kaya nilapitan niya na ito. "Ah mga bata, estudyante ba kayo dito?"

Naghiwalay ang magbabarkada sabay tango. "Opo manong guard. Mga first year po kami." 

"Aaah kaya nman pala." Tumango nman ang guard. "Kung ganun eh pumasok na kayo at baka nagsimula na ang klase niyo."

"Okay manong!" Masiglang sigaw ni Tonyo at Mifa sabay takbo papasok sa malaking gate. 

Natawa nlang si Aubrey sa excitement ng kanyang mga kaibigan. Tumingala siya at nakita ang pangalan ng kanyang eskwelahan. "St. Contardo University" napangiti siya. "My college adventure begins!" 

"BWAHAHAHA!!!" Tawa sa kanya ng dalawang kaibigan niya. "GURL MUNTANGA JAN! HALIKA NA!" Sigaw ni Tonyo dahil di pa nakakabawi sa pagtawa si Mifa.

Medjo namula nman sa hiya si Aubrey kaya nagmadali nadin siyang pumasok sa loob. 

Sa di kalayuan ay bumaba nman sa kakapark lang na red BMW 3 Gran Turismo ang magkapatid na sina Miguel at Bianca Laurel.

"Bangks, wait for me later dismisal ah. Wag mo kong iwan." Sabi ni Migs habang isinusukbit ang kanyang backpack.

Napakunot nman ang noo ng kapatid. "Diba sabi ko wag mo akong tawagin sa pangalang yan." Pagtataray nito.

Napatawa nman ang nakakatandang kapatid nito. "Ang aga aga pa bangks nagtataray ka nnman." 

"Eh ano nman." Nilock na ni Bianca ang sasakyan at naunang naglakad patungo sa lobby ng unibersidad. 

"Tingnan mo to, pag kami lang ang taray taray. Pero pag sa ibang tao, ang bait bait." Pabulong na reklamo ni Miguel.

Lumingon sandali si Bianca sa kanya. "May sinasabi ka Migs?" 

Nabigla man ay agad nman siyang hinabol ni Miguel at inakbayan. "Walaaaa, sorry na po Ms. Bianca" pacute pa nito.

Bago pa makasagot ay agad silang nabulabog ng malakas na hiyawan ng mga babae mula sa di kalayuan. 

"Oh shit! Sila nnman!" Napatampal nlang Si Miguel ng kanyang noo.

Lumabas nman ang pilyang ngiti ni Bianca at tinulak ang kuya niya palayo. Agad nman di maipinta ang mukha nito. "Oh no no no, Biancs dont you dare!" 

Lalo nmang lumaki ang ngiti ng dalaga sabay kindat. "Bye, Migs." Tumalikod ito at agad na umalis. "See you later."

Tatakbo na sana palayo si Miguel ng marinig ang isa nnmang malakas na sigaw ng mga kababaihan. "PAPA IGGUEEEEE!!!"

It's Okay, It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon