Ang Pagkikita

233 8 0
                                    

"Hmm🎶 hmm🎶 hmm🎶" Humuhuni si Miguel sa loob ng sasakyan.

"Migs...." irritadong sita ni Bianca.

"Whaaaat?" Nakangiti nitong tanong.

Saglit na tumingin si Bianca sa katabi. "Stop that, its annoying."

"Okay." Tumigil si Miguel, pero ilang segundo lang ang lumipas ay humuni ulit ito.

Napakunot ang noo ni Bianca. "Okaaaay spill it. Bakit ka ba masaya ngayon ah?"

Napangisi nman si Miguel saka hinarap ang kapatid. "Well, remember when I told you that I may know things even though I dont need to search for it?"

Napalaki ang mata ni Bianca. "No no no! Migs diba sabi ko dont!"

"But I did." Napangiti si Miguel. "So, her name is Aubrey Mendoza."

"Stop." Bianca rolled her eyes.

Miguel giggled. "She is the daughter of the owner of your favorite cake shop. And I am not surprised if you both first met there."

"Whatever." Napabuntong hininga si Bianca. "And yes, I first met her there but I dont think its her first to meet me. She even knows my name."

Napalaki ang mata ni Migs. "Maybe she's your stalker?!"

"Shut up! She's not like that." Bianca rolled her eyes.

Kumunot ang noo ni Miguel. "And how sure are you?"

"I trust her." Sabi ni Bianca sabay tingin ng diretso sa mata ng kapatid.

Napabuntong hininga si Miguel. "If you trust her so much, then why wont you let me meet her?"

Napailing si Bianca. "Migs, she's just a friend. You dont have to worry about it so much."

"If she's just a friend, why wont you let me befriend her too?" Sabay taas baba ng kilay ni Miguel.

Napailing nlang si Bianca. "Do you really wanna meet her?"

"Of course, I should know my little sister's friend." Sabi ni Miguel sabay napangiti.

"Will you promise that you'll behave?" Seryosong tanong nito.

"I am behave!" Agad na sagot ni Miguel.

Tumango na lamang si Bianca dahil mukhang di na siya makakatangi sa nakakatandang kapatid. Pagkatapos magpark ni Bianca ay lumabas na sila
sa sasakyan saka naghiwalay na ng daan papunta sa kani-kanilang klase.

--------------------

Napagusapan ng magkapatid na sa labas nlang ng University magkita para hindi nman maoverwhelm si Aubrey. At kasalukuyan na ngang nasa labas na ng resto ang dalawa.

"Hey, its okay. Gusto lang makipagkaibigan ni Migs sayo." Ngumiti pa si Bianca dito dahil napansin niyang tahimik ang huli.

Napangiti din nman si Aubrey. "Yeah pero di ko parin maiwasang kabahan kasi Kuya mo siya. He's your family."

Mas lumaki ang ngiti ni Bianca na nagpasingkit lalo ng mata nito. Hinawakan na lamang niya ang kamay ng huli saka sila pumasok sa loob ng resto.

Nang makalapit na sila sa mesa ay napansin ni Bianca ang isa pang lalaki na nakangiti at kumakaway pa sa kanila. Napahigpit nman ang hawak ni Aubrey sa kamay ng huli.

"Its okay Bree. He is just my friend. Remember that." Bulong ni Bianca dito. Tanging tango lamang ang sagot ng nito.

"You came, have a seat ladies." Pagimbita ni Miguel dito.

It's Okay, It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon