Sa caf ulit napagdesisyunan na kumain ng magbabarkada kasi tinatamad daw maglakad ni Mifa. Lihim nman napangiti si Aubrey dahil nagbabakasakali siyang makita muli si Bianca.
Pagpasok nila ay di pa puno ang caf. Umupo sila doon sa usual na table nila kung saan malayang namamasdan niya ang mesa nina Bianca. Napansin niyang andyan na sina Miguel at Vince sa table ngunit wala pa ang taong hinihintay niya.
Baka di pa tapos yung meeting niya. Sabi ng isip niya saka napabuntong-hininga.
Nagpasabay na lamang ng pagkain si Aubrey sa mga kaibigan para mabantayan ang mga bag nito at pati narin ang pagdating ni Bianca. Nagmumukha tuloy siyang stalker ngayon. Ay teh, obsessed lang ganern?
Sasagot sana siya sa pakealamera niyang utak ng bigla na dumating ang taong hinihintay niya. Lumapit si Bianca sa kuya nito sabay beso. Saka siya umupo sa tabi ni Vince at bumeso din dito.
Tila kumirot nman ang dibdib ni Aubrey nun kaya agad na umiwas ito ng tingin. Di man niya sabihin at aminin ay may konteng paghangang nararamdaman na ito para sa dalaga dahilan para masaktan siya sa nakikita. Teka, crush lang nman to dba? Mawawala din nman to... dba? Pangungumbinsi nito sa sarili.
Nakarating na ang mga kaibigan niya at nagsimula na silang kumain. Anjan parin yung kwentuhan at asaran ng magbabarkada kaya di naging mahirap ang pagiwas ng tingin ni Aubrey sa hinahangaang babae.
"Ayiiieee! Ang sweet sweet tlga ni papa Vince!" Kinikilig na sabi ni Jazz. "Ang swerte ni ate Bianca sa bf niya!"
Agad na napatingin nman si Aubrey sa upuan ng pinagchichismisan nila. Nakita niyang sinusubuan ni Vince si Bianca ng cake. Todo ngiti pa ang lalake at halata nmang natutuwa din si Bianca dahil dito.
Nakita lahat ni Aubrey yun kaya nman agad siyang nag-iwas ng tingin sabay hawak sa naninikip na dibdib. Tila kumikirot, nasasaktan.
Tumutol nman si Mifa. "Hindi kaya. Si Kuya Vince ang swerte sa kanila noh, nakabingwit siya ng Laurel."
Napasangayon nman dun si Jazz at tumahimik sandali ang table nila. Kaya nman rinig na rinig din nila ang sunod na tanong ni Tonyo.
"Guys sa tingin niyo ba ay nagawa na nila yun?" Takang tanong nito.
Takang napatingin nman silang tatlo sa kaibigan. "Ang alin?" Si Aubrey na nagtanong.
Ngumiti nman ng wagas si Tonyo. "Yung ano, yung alam niyo na yun eh!" Sabay palo pa nito sa mga kaibigan.
"Aaaah sex." Causal na sabi ni Mifa kaya nakatanggap tuloy siya ng malulutong na sapak mula sa mga kaibigan.
"Yun nga, sabi nga nitong si Mifa na ang ate ay si Dore at may nakakabatang kapatid na sina Sola at Tido." Asar pa ni Tonyo sa kaibigan na agad din nmang pinalo ang huli.
Ngunit nakangisi parin si Tonyo sa kanyang tinanong. "Pero seryoso, what chu think mga bakla?"
"Hhhmmm, siguro." Sabi ni Jazz. "Sa ganda ba nman ni ate Bianca dba, pano makakapagpigil si Kuya Vince nyan. Hihihi!"
Tahimik lang na nakikinig si Aubrey sa kanilang usapan pero ang dibdib niya ay masyado ng masikip, masakit at halos di na siya makahinga ng maayos.
Gustohin niya mang isipin na hindi pa nangyayari 'yun' ay parang salungat nman ito sa inaakto ng dalawa ngayon. Lumapit si Vince sa mukha ni Bianca saka pinahid ang dumi sa gilid ng labi nito na mas lalong nagpasikip ng dibdib ni Aubrey.
Lalo siyang nakumbinsi sa sinabi nina Tonyo ng maalala niya ang ginawa ni Bianca nung inihatid siya nito sa bahay nila dahil tila sanay na ito sa mga ganoong bagay. Napabuntong hininga na lamang si Aubrey dahil dito.
BINABASA MO ANG
It's Okay, It's Love
Teen FictionDalawang dalaga na magkaiba ang paraan ng pamumuhay. Ang isa ay kontento sa masaya at simpleng buhay ng kanyang pamilya. Ang isa naman ay nagsusumikap na patunayan pa ang sarili sa pamilya. Magkaiba man, di ito naging hadlang sa pagiging komportabl...