"Migs, do you have to ride with me everytime we go to school?" Tanong ni Bianca habang nagmamaneho.
"Well, like I told you, it helps the girls keep off." Sabi ni Miguel sabay taas baba ng kilay nito.
Bianca rolled her eyes. "Yeah right, tamad ka lang tlga."
"Precisely!" Napatawa nlang si Bianca sa kalokohan ng huli. "Nakakapagod kaya maghanap ng parking."
"Well, the lot beside my usual spot is always empty. Di ko nga alam bakit eh." Nagmamanehong nakangiti si Bianca habang papasok ng gate.
Napansin ni Miguel ang pagiging masayahin ni Bianca ngayong umaga. Kadalasan kasi, moody ang kapatid niya lalo na't sumama pa siya. Nagtataka man ay pinabayaan nlang niya yun.
Nang makapark na si Bianca sa nakasanayang parking lot ay bumaba na ang magkapatid. Magpapaalam na sana si Miguel ng biglang mapansin ang pag-aliwalas ng mukha nito habang nakatingin sa isang partikular na direksyon.
Agad na sinundan ni Miguel ang paningin ng kapatid at nakita ang isang magandang babae na masayang nakikipagusap sa kanyang mga kasama.
"Eh-em!" Pekeng tawag pansin ni Miguel dito saka ngumiti ng maloko.
Nagbawi ng tingin si Bianca saka sinamaan ang huli ng tingin. "What?"
Tumaas baba ang kilay ni Miguel. "Maganda ba ang view?"
Napatikhim si Bianca saka nilock ang kanyang sasakyan. "Ewan ko sayo." Saka niya iniwan si Miguel.
Napatawa nman ng malakas si Miguel at hinabol ang kapatid. "Yiheee!!! Sino kaya ang babaeng nagpapangiti sa kapatid ko?"
Napatigil si Bianca sa paglalakad at sinamaan ulit ng tingin ang huli. "Dont you dare talk to her."
Napangisi si Miguel. "I dont even need to talk to her if I wanted to know about her, little sis."
"You--" hindi na natuloy ni Bianca ang sasabihin dahil mabilis na tumakbo palayo si Miguel habang kumakaway pa.
Inis na tumalikod si Bianca at agad na hinanap ang kaninang nahagilap na babae. Agad niya itong nakita na naglalakad sa likuran ng kanyang mga kaibigan.
Ng makalapit siya sa huli ay mabilis niya itong hinablot at tinakpan ang bibig. Nagulat si Aubrey pero agad ding kumalma ng maamoy ang pamilyar na bango ng babae. Saka niya narinig ang bulong nito.
"Shhh. Its me, Bianca." Tumango si Aubrey at agad silang tumakas mula sa kanyang mga kaibigan ng hindi napapansin.
Pumasok ang dalawa sa pinaka malapit na cr at agad na nilock ni Bianca ang pinto nito. "Aubrey listen to me."
Napaatras si Aubrey dahil ramdam niya ang panic mula sa huli. "Bakit? Anong problema?"
Hinawakan ni Bianca ang magkabilang balikat ng huli. "If anyone, and I meant anyone, asks you about who you are or what your name is just dont answer them okay?"
Napakunot ang noo nito. "Bakit nman eh pangalan ko lang nman pala--"
"Just dont!" Napasikip ang hawak ni Bianca sa balikat ng huli. "Okay?"
Tumango nlang si Aubrey. "Okay."
Napahinga ng maluwang si Bianca at napangiti ng namasdan na ng mabuti ang huli. Nakatali ngayon ang kulay brown na buhok ng dalaga kaya mas napansin ang sexy na collarbone nito.
Napangiti ang dalaga na nagpapasingkit ng kanyang mga mata."Good morning, Bree."
Namula man si Aubrey at napatawa. "Kung ganito ka parati bumati ng good morning, baka atakehin na ako sa puso niyan."
BINABASA MO ANG
It's Okay, It's Love
Teen FictionDalawang dalaga na magkaiba ang paraan ng pamumuhay. Ang isa ay kontento sa masaya at simpleng buhay ng kanyang pamilya. Ang isa naman ay nagsusumikap na patunayan pa ang sarili sa pamilya. Magkaiba man, di ito naging hadlang sa pagiging komportabl...