"Wooooooow!!!" Manghang napabulong na lamang si Allie habang nakatingala sa malaking pintuan sa harapan niya.
Habang si Aubrey nman ay nakatingala at manghang mangha din. Alam kong mayaman tlga ang mga Laurel, kahit noon pa, pero di ko inakalang GANITO sila kayaman.
Pagpasok nila mula sa gate ng Laurel Estate ay agad mapapansin ang mga kumukutikutitap na puting string lights kung saan napapalibutan nito ang mga vertical grass wall panels na nagbibigay liwanag sa mahabang daanan.
Nang malapit na nila maabot ang dulo ng kalsada ay agad bumungad sa kanila ang malaking fountain na may makukulay pang mga ilaw na lumiliwanag mula sa ilalim nito.
"Good evening Mr and Mrs Mendoza." Sabi ng matandang lalake na nakatuxedo. "Ms Aubrey, Ms Allie." Nakangiti pang bati nito.
"Lalo ka atang bumabata Gilbert ah." Tumawa si Mike sabay suntok pa ng balikat ng matanda.
Nanlaki nman ang mata ni Aubrey dahil sa sobrang causal ng ama nito sa doorman ng pamilyang Laurel. At mas lalo siyang namangha ng biglang tumawa ang sinasabing Gilbert nito.
"Sir Mike, di ka parin nagbabago." Binuksan na nito ang malaking pintuan. "Pumasok na po kayo. Nasa living room po si Sir Lorenzo."
"Salamat, Gilbert." Tumango si Mike dito saka pumasok. Sumunod nadin ang iba pang myembro ng pamilya.
Ilang hakbang lang ay narating na nila ang living room at agad na nakita si Lorenzo na nakaupo sa isa sa mga sofa habang may binabasa pang mga papeles. Sa tabi nman nito ay si Samantha na nakacross arms at nakabusangot pang nakatingin sa kanyang ama.
"SOFIE!" Agad na tawag ni Allie sa kanyang kaibigan.
Napataas nman ang ulo ng mag-ama at agad na nakita ang mga bisita. Ang kaninang nakasimangot na mukha ni Sofia ay agad napalitan ng isang malaking ngiti.
"ALLIE!" Tumalon si Sofia mula sa kinauupuan at binuksan ang magkabilang braso nito.
Tumakbo nman agad si Allie sa direksyon ng kaibigan saka yumakap ng mahigpit dito. Nagtawanan nman ang dalawang bata habang magkayakap pa.
"Mendoza!" Agad na tumayo si Lorenzo at nilapitan ang kaibigan.
"Laurel!" Nakangiting tinanggap ni Mike ang kamay ng kaibigan saka sila nag'bro hug' sabi pa ng isip ni Aubrey. Napangiwi nman ang dalaga dito. Bumeso din siya kay Anne.
"Mabuti at napaunlakan niyo ang imbitasyon ko." Pormal pang sabi ni Lorenzo.
Hinampas ni Mike ang batok ng Gov. "Tigilan mo ko sa pagiging pormal mo Laurel ah. Di pwede sakin yan."
Napatawa ng payak si Lorenzo. "Oo nga pala. Walang hiya ka parin pare."
Nanlaki nman ang mata ni Aubrey sa sinabi ng Gov. Agad nmang pinutol ni Anne ang tawanan ng dalawang lalake. "Tumigil na kayo jan. Baka marinig pa kayo ng mga bata."
Agad nman naalala ng dalawa ang bunsong anak nila at tarantang tiningnan sila. Napahinga nman sila ng maluwang ng makitang nagbubulungan at hagikhikan ang dalawang bata na parang may sariling mga mundo na.
Inilipat nman ni Lorenzo ang tingin sa dalaga. "Eto na ba si Aubrey? Ang laki mo na hija!"
Lumapit nman si Aubrey dito saka nagmano. "Good evening po Gov."
Napatawa nman si Lorenzo. "Gov? Dont call me that. Call me Tito okay?"
Nahihiyang tumango na lamang si Aubrey. "O-okay po Tito."
"Tito Mike!" Agaw pansin ng malalim na boses mula sa itaas.
Napaangat ang tingin ng lahat at nakita si Miguel. Nakamaroon sweatshirt ito na pinaresan ng gray shorts at tsinelas. Agad na bumaba ang binata at binati ang mga bisita.
BINABASA MO ANG
It's Okay, It's Love
Genç KurguDalawang dalaga na magkaiba ang paraan ng pamumuhay. Ang isa ay kontento sa masaya at simpleng buhay ng kanyang pamilya. Ang isa naman ay nagsusumikap na patunayan pa ang sarili sa pamilya. Magkaiba man, di ito naging hadlang sa pagiging komportabl...