Ang Tipanan 1.0

228 7 0
                                    

Linggo ng umaga at mahimbing na natutulog si Aubrey ng bigla itong pinutol ng maingay niyang call ringtone.

Gumulong si Aubrey at inilagay ang unan sa magkabilang tenga nito para di marinig ang ringtone. Tumigil sandali ang tawag pero ilang segundo ang lumipas ay tumunog ulit ito.

"TONYOOO!!!" Galit na ungol ni Aubrey saka sinagot ang phone. "MAPAPATAY TLGA KITANG BAKLA KA!!!"

"Bakla?" Tanong ng boses na agad nagpamulat ng mata ni Aubrey.

"B-B-BIANCA?!" Napabangon si Aubrey dahil sa gulat at agad siyang tumikhim. "Hi! Good morning, napatawag ka?"

Napatawa si Bianca sa kabilang linya. "Good morning Bree. I'm calling to remind you about our date."

"Date?" Nanlaki ang mga mata ni Aubrey dahil nawala ito sa isipan niya.

"Yeah, I'm actually excited to what were gonna do this day." Nakangiti pang sambit ni Bianca.

Napakamot nlang ng ulo si Aubrey. "Ha ha ha oo nman... maganda tlga ang naplano ko para sa date natin. Halos di nga ako makatulog dahil sa excitement ko eh. Hahahaha..."

Napansin ni Bianca ang pag-aalinlangan ng huli kaya mas lalo lumaki ang ngisi nito. "Okay! I'll be there in 10 alright? Bye!"

"Bye, see you." At naputol na ang linya. Agad napatayo si Aubrey mula sa kanyang kama saka pumasok ng cr para maligo.

Matapos maligo ay dumiretso siya sa closet saka binuksan ito para mapili ang mga damit na dapat niyang suotin. Tumingin muna siya sa digital clock niya na nasa gilid ng kama na may nakalagay na 8:10 am.

Mahaba pa ang oras! Lets go Aubrey!
Agad na nanghalungkat ng mga damit si Aubrey. Naglabas siya ng mga sundress, crop tops, button ups, off shoulders, pants, shorts at skirts saka pinagpilian.

Tiningnan ni Aubrey ang mga damit na napili saka napangiti. Maganda ang mga naiisip niyang pagterno ng mga damit na tyak ay comportable din siya.

"Okay Bree, dapat bagayin mo ang damit mo sa kung ano man ang gagawin niyo ngayon. Hhmmm tama tama." Patango tango pa nito sa sinabi.

"Teka, ano nga ba ang gagawin namin?" At doon na nanlaki ang mga mata ng dalaga.

--------------------

Dumating ng eksaktong alas 10 ng umaga si Bianca sa bahay ng mga Mendoza. She wore a pink loose v-neck tank top tucked in a black fit jeans and topped with her light washed denim jacket. Nilugay niya lang ang natural na kulay itim nitong buhok na may mga big curls sa dulo.

Kumatok na si Bianca sa pintuan. Ilang mga segundo lang ay narinig niya na ang mga yabag ng paa na patungo sa pintuan. Ngumiti muna si Bianca ng mapansing unti-unti na itong nabuksan.

Ngunit agad din itong napalitan ng namamanghang mga titig dahil nakasuot si Aubrey ng maroon roll up sleeveless crop top, na nagpapakita ng makinis nitong balat. Ang high waisted jeans, na nagpapahaba ng mga legs niyo at nakamessy bun pa ang buhok nito, na nagpalunok sa huli.

"Hi Bianca!" Masiglang bati ni Aubrey saka bineso ang huli. "Pasok ka."

Nagtaka man ay tumango nlang din si Bianca. "Uhm, okay."

Nang makapasok sila ay agad hinawakan ni Aubrey ang kamay ng huli saka hinila papasok sa kitchen. Napangiti na lamang si Bianca dahil ramdam niya ang pagiging comportable nila sa isat isa.

"Here, upo ka." Pinaupo ni Aubrey si Bianca sa isang stool.

Nasa harap ni Bianca ngayon ang samot saring ingredients sa pag-gawa ng tinapay. Agad siyang napatingin kay Aubrey na tila nagtatanong pa.

It's Okay, It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon