Ang Paglalapit

197 9 0
                                    

Nakangiting naglalakad si Aubrey patungo sa isang magandang babae na kasalukuyang nakasimangot sa kanyang cellphone habang nakasandal sa pulang sasakyan nito.

"Wag ka magalit sa cellphone mo, baka magtampo yan oh." Nakangiting tudyo ni Aubrey.

Iniangat ni Bianca ang ulo at agad nawala ang kunot sa kanyang noo at napalitan ng isang matamis na ngiti. "Hey Bree." Saka siya bumeso dito.

"Hi." Pilit nmang pinakalma ni Aubrey ang mga alagang paru-paro sa tiyan.

Tinago na ni Bianca ang kanyang phone. "Its ok na magtampo silang lahat sakin, wag lang ikaw." Sabay kindat dito.

Aubrey suck in her lips para mapigilan ang pagsigaw niya dahil sa nararamdamang kilig. Napatawa nman si Bianca dahil sa kacute-an ng huli.

"Breathe Bree, breathe." Sabay hagod ni Bianca sa braso ng huli habang tumatawa padin.

"B-b-baliw! Tara na nga! Naghihintay na ang mga bata!" Kunwaring galit na tono nito sabay palo sa kamay ng huli.

Napataas nman ang kilay ni Bianca at sumilip ang malokong ngiti nito. "When you say it like that, para tuloy tayong may mga anak."

"S-S-SIRA KA TLGA LAUREL!" Napasigaw na si Aubrey sabay palo sa braso ng huli na nagpatawa muli sa kanya. "Umalis na tayo!!!"

Inawat na ni Bianca ang pamamalo ng huli saka tumango. "Okay, okay." Binuksan na niya ang pintuan. "After you."

Napangiti ng kuntento si Aubrey. Agad niyang hinalikan ang pisngi ng huli na ikinagulat nman nito. "Thank you." At siya na nagsara ng sariling pintuan saka sumigaw sa loob.

Naningkit nman ang mga mata ni Bianca dahil narinig niya parin ang tili ni Aubrey mula sa loob. Napailing nlang siya at pumasok na din sa loob ng sasakyan na may ngiti sa labi.

--------------------

Kasalukuyang binabaybay ni Bianca ang daan pauwi na sa bahay ng mga Mendoza. Nakaupo na sa likod sina Sofia at Allie na mukhang may mga sariling mundo kung makapagusap.

"Ate Bree?" Tawag ni Sofia na hinarap nman ng huli.

Ngumiti si Aubrey. "Yes, Sofia?"

Sofia pouted. "You know, my ate Bianca promised me ice cream a long time ago and yet, she still hasnt fulfilled that promise yet."

Magsasalita na sana si Aubrey ng inunahan siya ng huli. "Dont drag Aubrey here Sof. And I told you dba, I'm busy." Paliwanag nito habang tinitingnan ang kapatid sa rear view mirror.

Sofia smirked. "But you're not busy now. We could just stop by the mall you know and bring Allie and Ate Bree with us."

Umaliwalas nman agad ang mukha ni Allie. "YAAAAY! ICE CREEEAAAAM!"

Napatampal nlang ng noo si Aubrey. "Allie, hindi--"

"No?" Putol ni Sofia saka nagpout pa lalo. Ang mga matay kumikislap na tila iiyak na ilang segundo nlang.

"--Hindi pwedeng sumigaw sa loob ng sasakyan. Tsaka behave na kayong dalawa jan dahil kakain na tayo ng ice cream okay?" Malambing na paliwanag ni Aubrey sa mga bata.

"YES!" Sabay na sabi ng dalawa at nag-apir pa. "Ice cream ice cream!"

Napangiti nman si Aubrey sa kakulitan ng dalawa saka niya tiningnan si Bianca na napailing pa pero nakangiti din. "Ok lang ba yun, Bianca?"

Tumingin ang huli sa kanya saka umiling ulit. "My little sister played you well." At napatawa ito.

Kalahating oras lamang ang lumipas at nakarating na sa mall ang apat. Agad nilang tinungo ang isang kilalang ice cream shop saka nagorder.

It's Okay, It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon