Ang Pagkakatulad

308 9 6
                                    

Dalawang araw na ang lumipas nung gabi nagsama sina Aubrey at Bianca sa CinnaMen, pero hanggang ngayon ay nakatatak parin ang mga pangyayaring iyon sa utak niya.

"Ay oh, anjan nnman yung mga ngiti ni Aubrey mga teh." Tukso ni Tonyo dito.

"Yiiheee!" Tukso din ni Jazz. "Gurl, sino ba tlga nagpapangiti sayo ng ganyan ha?"

Nagkunwaring bumusangot nman agad si Aubrey. "Anong ngiti ngiti pinagsasabi niyo jan. Nakabusangot kaya ako oh."

"Ay nako bestie. Kahit bumusangot ka pa jan buong araw, di parin mawawala yang kumukislap kislap jan sa mga nata mo noh." Pahayag ni Mifa na di nman inaasahan ng buong barkada.

"Wow Mifs, ikaw ba tlga yan?" Di makapaniwalang sabi ni Tonyo.

"Teh, nakahithit ka ba. Pahingi nman nyan oh." Sabi nman ni Jazz na nagpatawa sa kanila.

"Oo. Wag ka lang maingay gurl, baka matokhang tayo eh. Hihihi!" Hagikgik nman ni Mifa.

Napailing nlang si Aubrey sa kalokohan ng barkada niya. Pasimpleng sinilip ulit nito ang kadalasang upuan ng mga Laurel, at hanggang ngayon ay wala paring Bianca na nakaupo roon.

Asan na siya? May sakit kaya siya? Bakit dalawang araw ko na siyang di nakikita. Dalawang araw ko ng di nakikita iyong maganda niyang mga ngiti.

"Huy gurl, anuna, tara na. Klase na natin." Tawag sa kanya ng kaibigan.

Dun niya napansin na nakatayo na silang lahat at ready ng umalis. Dali dali nmang tumayo si Aubrey at dinala ang kanyang bag. Pero di niya parin nakaligtaan na sumilip sa table nila.

--------------------

Natapos na ang klase nina Aubrey kaya pauwi na ngayon ang magbabarkada. Bago umalis ay inihatid muna ng tatlo si Aubrey sa bus stop na nasa tabi ng gate ng school. Magkapareho kasi ang jeep na sasakyan ng tatlo sa kabilang kanto.

Nung magisa nlang si Aubrey ay bigla siyang nakatanggap ng text mula sa mommy niya.

Anak, pwede bang sunduin mo muna si Allie sa school niya ngayon? Traffic kasi at medjo malayo pa kami eh. Thanks anak.

Ok my. Otw na po.

Otw? Ano yan nak, one two wee? - Dad

Ewan ko sayo dad. Corny mo. Hmph!

Napatawa ito saka nilock ni Aubrey ang phone at inilagay sa bag. Lumabas nman siya konte mula sa waiting shed para pumara nlang ng taxi. Kakatapos lang kasi ng klase ni Allie at ayaw na ayaw nitong naghihintay ng matagal.

*PIIIIIIP

"ANAK NG TOKWA!" Napasigaw si Aubrey dahil hindi nman siya lumagpas sa sidewalk na kinatatayuan niya pero bigla nlang bumusina iyong sasakyan.

Tiningnan ni Aubrey ng masama ang sasakyang nagmamarunong na akala ata ay pagmamayari ang buong Tierra Del Buen. "HOY SINO KA! BUMABA KA JAN NG MAGKAALAMAN TAYO! ANO AH!" Sigaw ni Aubrey sabay hampas nito sa hood ng kulay itim na sasakyan.

Bigla nman umabante ang sasakyan kaya mabilis na umatras si Aubrey sabay tili nito at napunta siya sa tabi ng sasakyan.

"ABA'T SINUSUBUKAN MO TLGA AKO AH!" Inis na turan nito sabay turo sa driver. Kinatok niya pa ito at wala siyang pake kung gaano pa kagara ang sasakyan ng salarin.

Dahan dahan nmang bumaba ang front seat window at unti unting pinakita nito ang hinayupak na driver ng sasakyan.

Unang nakita ni Aubrey ang kulay itim na buhok nito na nakahigh-ponytail pa ata. Ah so babae pala. Tapos ay sumunod nman ang perpektong arko ng kilay nito at unti unting sumilay ang pamilyar na kulay kape na chinitang mga mata.

It's Okay, It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon