Tahimik na nakaupo si Aubrey sa front seat ng sasakyan ni Bianca habang nakahalukipkip ang mag braso at nakasimangot pa.
"Bree..." malambing na tawag ng huli.
"Hmph!" Tampong sagot nito saka tumingin sa labas ng bintana.
Napabuntong hininga na lamang si Bianca. "I promise, hindi ka magagalit after mo makita kung saan kita dadalhin."
Hinarap nman siya ni Aubrey. "Kasalanan mo to eh. Kung hindi mo lang sana ako dinistract edi hindi sana nasunog yung niluto nating cinnamon rolls!"
Bianca giggled pero tumigil din agad ng makitang di natutuwa ang huli. "Okay, its my fault. Pero male-late na kasi tayo eh."
Tumingin sa rear mirror si Bianca saka napangiti sa nakitang kulay asul na box. "Tsaka may dala nman tayong cinnamon from your shop kaya okay na yan."
Matalim na tiningnan ni Aubrey ang huli. "Saan mo ba kasi ako dadalhin ha?"
"Basta." Kinuha ni Bianca ang kamay ng nito at ng mapansing hindi niya ito binawi ay pinaglakip niya ito. "Just trust me, okay?" Nakangiti tanong nito.
Napabuntong hininga si Aubrey saka ngumiti din. "Okay."
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa gate ng university nila. Mas lalong kumunot ang noo ni Aubrey ng dumiretso sila sa guard house at ibinaba pa nito ang bintana.
"Mang Ben!" Masiglang bati ni Bianca.
Ngumiti din ang guard dito. "Ms Bianca ikaw pala. Dating gawi?"
Tumago si Bianca dito. "Opo, thank you."
Tumango din ang guardya saka naglakad palayo para buksan ang gate. Pumasok na si Bianca at naghorn sa kumakaway na Mang Ben.
"Dating gawi?" Tanong ni Aubrey.
Napangiti si Bianca. "Yeah, I always go here when I needed a place to think. We were actually there na last time."
Napataas ang kilay ni Aubrey pero di nlang niya kinulit pa ang huli. Nagpark si Bianca malapit sa field. Kinuha na nila ang mga gamit sa likod saka naglakad ng magkawak ang kamay.
Habang naglalakad sila ay napansin ni Aubrey ang malaking puno na tinambayan niya noong nagwalk out siya noong nagaya ng lunch sina Miguel at Vince.
Napangiti si Aubrey saka tumingin sa gawi ni Bianca na nakangiti na din. Tumango siya dito. "I actually wanna bring you here kaso it seems like, you're feet just did its job and brought you to my special place."
"Ang corny mo!" Binitawan na ni Aubrey ang kamay ng huli saka tumakbo papunta sa puno habang tumatawa pa.
Bianca smiled and whispered. "Just like how you steppend into my life."
-------------------
"Mmm-mmm-mm!" Ungol ni Bianca habang kumakain ng cinnamon rolls. "These are the best!"
Napaikot nlang ng mata niya si Aubrey. "Mas masarap yung cinnamon rolls ko kesa jan."
Napangisi si Bianca saka kinindatan ang huli. "No doubt about that."
"Sira!" Napangiti si Aubrey ng makita ang dumi sa gilid ng labi ni Bianca. Iniangat niya ang daliri saka pinahid ang dumi dito.
Ngumiti din si Bianca. "Thanks." Saka bumalik sa pagkain.
"Bianca, laro tayo." Magiliw na aya ni Aubrey.
Tumango nman ang huli. "Sure. What is it?"
"20 questions." Nakangiti paring sagot nito.
BINABASA MO ANG
It's Okay, It's Love
Teen FictionDalawang dalaga na magkaiba ang paraan ng pamumuhay. Ang isa ay kontento sa masaya at simpleng buhay ng kanyang pamilya. Ang isa naman ay nagsusumikap na patunayan pa ang sarili sa pamilya. Magkaiba man, di ito naging hadlang sa pagiging komportabl...