Ang Regalo

301 12 0
                                    

Huling klase na bago maglunch sina Aubrey, Tonyo at Camille. Di mapigilang maexcite at mapangiti ni Aubrey habang sinisilip ang dala niyang 'baon' sa loob ng bag.

"Bestie, ngumingiti ka nnman jan. Ano ba tlgang meron?" Usisa ni Mifa.

Agad na namula ang pisngi ni Aubrey. "W-wala ah. Wala."

Sumilip nman paharap ang ulo ni Tonyo. "Ako, may alam akooo!" Tudyo nito sabay taas baba pa ng kilay.

Agad na tiningnan siya ng dalawang dalaga. "H-huh? At ano n-nman iyon ha Tonyo." Nagmamatapang na tanong ni Aubrey.

Sumilay ang malokong ngiti ni Tonyo sabay tingin sa bag ni Aubrey, na agad din nmang hinablot ng dalaga. "Yiieee! Tama akoooo!!!"

Umatras mula sa kinauupuan niya si Aubrey at yakap yakap parin ang bag nito. "A-ano nga yun?"

"Kung ano man ang ngini-ngiti-ngiti ng kaibigan natin, nasa bag niya ang sagot Mifa." Sabi ni Tonyo at tiningnan ang isa pang kaibigan.

Tila may umilaw din nman bumbilya sa utak ni Mifa. "Ah ganun ba bakla. Nasa bag pala ah..." ngumiti din ito ng nakakaloko.

"Okay! Class dismiss!" Sigaw bigla ng teacher.

Kaya napatingin sina Tonyo at Mifa sa teacher nila ng ilang segundo tapos ay bumalik din ang tingin sa kaibigan. Yun nga lang, pagtingin nila ulit eh nakatakbo na ito palabas ng classroom.

"Ang bilis nman nun bakla." Napakamot na lamang si Mifa sa kanyang ulo.

"Hmmm." Napaisip nman si Tonyo sa inakto ng kaibigan.

--------------------

Matapos ang pagtakas na ginawa ni Aubrey, ay agad niyang hinanap ang 'misyon' niya. Dahil nga sa pagkapahiya ni Aubrey sa harap ni Ms. Bianca, naisipan niyang bumawi at bigyan ng konting 'Peace offering' ang dalaga.

Napangiti siya sa hawak hawak na box ng Cinnamon rolls. Nung pag-alis ni Ms. Bianca noong isang araw ay agad na nagtanong si Aubrey sa mga naging kaibigang trabahante tungkol sa dalaga.

Nalaman niyang pareho lang pala ang inoorder nito araw-araw. Minsan daw kasama nito ang nakakatandang kapatid o kaya ang napapabalitang bf nito na si Vince. Napangiwi nman si Aubrey sa naisip niya pero agad din itong nawala ng mahagilap niya si Ms. Bianca sa di kalayuan.

Agad siyang pumunta sa kinaroroonan nito pero napansin niyang may kasama pala ito. Akala niya ay mabilis lang ang usapan ng dalawa kaya naghintay nlang siya sa gilid ng malapit na locker.

Ngunit habang minamasdan niya ang dalawa, biglang may inabot ang lalake na regalo kay Ms. Bianca at agad siyang napatago sa butas sa gitna ng locker. Kung bakit siya nagtago, ay di niya alam kaya nakinig na lamang siya sa usapan ng dalawa.

"Uhm-- Ms. B--bianca s-sana po ay tanggapin niyo to. G-galing po yan sa p-puso ko." Utal na sabi ng lalaki. Sumilip nman sandali si Aubrey at nakita niyang pulang pula ang mukha ng lalake habang nakatanaw sa sahig tila nahihiya pa.

Tinanggap nman iyon ni Bianca na nagpataas ng noo ng binata. "Okay, thank you." Sabay ngiti nito. Napatulala nman ang binata sa natunghayan ganda.

Walang hiya tong lalaking to! Kung makatingin wagas parang wala ng bukas ah! Asar! Ang tanging tumatakbo sa isip ni Aubrey habang minamasdan ang dalawa.

"I need to go already. May I?" Tanong ni Bianca dahil mukhang ayaw magpaawat ng lalaki sa kakatitig.

"Ay opo! Sorry ulit sa istorbo Ms. Bianca ah. Babye po. Thank you." Dire-diretsong sabi ng binata sabay talikod at takbo palayo.

It's Okay, It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon