Chapter 1
NAPAHAWAK ako sa ulo ko ng may yumugyog sa akin. Parang binibiyak iyon sa sakit at mas nakadagdag pa ang pagyugyog ng kung sinoman sa akin.
Hindi na ako iinom... usal ko sa isip.
Mariin din akong napapikit dahil parang nasusuka ako na ewan. Napapaduwal na ako at mahigpit ang kapit ko sa unan.
"Stop it." Mahinang daing ko pero hindi pa din ito humihinto sa paggising sa akin. I'm starting to get irritated. "I said stop it. Fuck!" Mahina pero may diing sabi ko.
Nakapikit ako at sapo ang ulo. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko at hindi ko alam kung paano iibsan ito. Konting galaw ay parang bumabaliktad ang sikmura kasabay ng pagsakit ng ulo ko. Hinding-hindi na talaga ako iinom. Sigurado din akong wala pang dalawang oras ang tulog ko kaya din siguro ganito kasama ang pakiramdam ko at parang magkakatrangkaso pa ako.
Ugh!
"Are you cursing at me, Erika?" Napadilat agad ako at napabangon sa boses na narinig.
Hindi maari! It can't be her. Umalis na siya kahapon kaya paanong andito pa siya?
"Tita Leora!" Masayang sabi ko kahit pa nga naduduwal ako at hilong-hilo. Ayaw kong malaman niyang galing ako sa club kagabi. Siguradong mapapagalitan ako nito.
I hugged her tight. "Umalis na kayo kahapon ah?" Nagtatakang tanong ko. Kaya nga ako nakalabas eh.
"Our flight was canceled." Aniya at niyakap din ako. Napaduwal akong muli sa mga kilos ko. Talagang hilong-hilo ako at pakiramdam ko ay nakalutang lang ako.
Napataas ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Tita. Meaning, am gonna be a good girl again. Kapag andyan siya ay talagang hindi ako makabasag pinggan. Hindi naman sa pagpapanggap pero ayaw ko lang na may masabi siya sa akin. Ayokong ma-disappoint siya sa akin kaya ginagawa ko ang lahat para maging kaaya-aya ako sa paningin niya.
Hindi nga lang sa panloob... Pinilig ko ang ulo ko sa naisip.
"Oh really?" Nasabi ko nalang at humiwalay sa kanya at umayos ng upo. Ganun din naman ang ginawa ng ginang.
"You look sad. Are you upset that I'm here?" She said.
Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng ginang.
"What? Of course no. I was just worried about your business, Tita." Napaiwas ako ng tingin at napalunok. I can't really master lying. I like Tita Leora being around because I feel like I am having a mother again but sometimes I get tired of pretending and wearing that innocent mask.
"Oh, about that don't worry. My assistant will manage."
So may plano pa silang magtagal dito? Sa isiping iyon ay parang hindi na maganda ang pakiramdam ko. Pinilig ko ang ulo ko at pilit na iwinaksi ang mga nasa isip ko. Usually kasi mga isang araw hanggang dalawang araw lang sila rito, ngayon yata ang pinakamatagal.
Umupo ito sa kama ko. "How are you and Redrick?" Diretsong tanong nito sa akin na ikinatanga ko. Napanganga ako at napakurap-kurap sa ginang.
Really? After I had sex with Lenon last night she's gonna ask me that? Oh well, she doesn't know a thing anyway.
"Huh?" Yun lang ang nasabi ko ng makabawi ako.
Well she knows about me and Redrick. Pero ang hindi niya alam ay ang ginagawa nang mga anak niya sakin. She doesn't know I am having an affair with Lenon, that's going to give a heart attack.
"Nag-away kayo?" Tanong pa ng ginang.
Hindi ko maitatanggi na boto talaga siya sa relasyon namin ni Redrick. Furthermore, she also wants Kella and Lenon be together. Pilit siyang nagma-match make na hindi namin matanggihan. We are actually spoiling Tita Leora. Kaya kahit napipilitan lang kami ay nagiging sweet kami sa isa't-isa kapag andito siya sa bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/119254266-288-k164294.jpg)
BINABASA MO ANG
Bed Imprisonment (Completed)
RomanceWarning: SPG. Mature content ahead. Erika is a lost soul. She's finding love at the wrong places and at the wrong person. And now that the brothers, Lenon and Redrick are into her, will she be able to find love she's been looking in different places...