Chapter 8
GUSTUHIN ko mang umalis ay wala rin naman akong pupuntahan. Sino pa bang tatanggap sakin? I don't even have friends. True nor fake friends. Neither of those, I don't have. Relatives? Nasa America. Wala akong contact sa kanila. Hindi ko nga alam kung kilala pa ba nila ako. Pero sana pala, sa kanila na lang ako sumama at hindi kina Tita. I was so young back then. Scared and confused. I was hurt and all I thought was about my parents being dead. Now, I more than hurt. I am no where to belong.
"Ate dito nalang." Sabi ko sa driver at binayaran siya. Namangha ako kanina ng malamang babae siya.
"Ma'am huwag na po kayong bumalik sa mga bar. Maraming bastos dun at mga gago. No offense meant ma'am ha pero babae pa naman kayo." Napangiti ako sa sinabi ng driver. Mabuti pa siya ay concern sakin. Kanina pa yan eh. Para na ngang senesermunan ako.
Kung ibang tao siguro ang makakarinig at pagsasabihan ay siguradong magagalit sa kanya. Weird na siguro ako dahil natutuwa pa akong may nangingialam sa akin at pinapagalitan ako.
"Okay lang ako, ate. Besides ilang beses na akong nakapunta ng bar. This isn't the first." Sagot ko naman habang hinihintay ang sukli ko.
"Kahit na ma'am. Paano kung malasing kayo? Tapos hindi niyo namalayan na dinala na pala kayo sa kung saan at alam niyo na." Sabi nito at inabot ang sukli ko.
"Ate kanina ka pa ah. Bakit ka ba concern sakin?" Out of curiosity eh natanong ko siya. Napakamot siya sa ulo niya.
"Kasi ho ma'am." Bumuntong hininga siya. "May anak po akong babae, paano kung pumasok siya sa bar at ganyan ang suot. Iniisip ko pa lang natatakot na ako." Gusto kong umiyak. Kung buhay pa ba si mommy ganito din siya sakin? Super protective? Siguro hindi ganito ang buhay ko. Masaya siguro ako.
"Ito nalang ate oh." Inabot ko ang cellphone ko sa kanya. Tumingin siya sakin. "Bigay mo number sakin. Tapos kung pupunta ako ng bar ikaw tatawagan ko para kunin ako at ihatid ako pauwi." Ngumiti ako sa kanya at kinuha niya ang cellphone ko.
"Saan ba yung mga magulang mo?" Tanong nito habang nagtatype. Lumunok ako bago sumagot.
"Vacation." As long as I can, I don't want anyone knew that my parents were already dead. Tumango ito. Agad kong kinuha ang cellphone sa kanya. "Bye ate! Tawagan na lang ulit kita." Ngumiti siya sakin at nagwave.
"Maaasahan mo ako ma'am!" Tumalikod na ako at tumakbo papuntang pinto. Ngayon bumalik na naman sakin ang nangyari kanina. Gusto kong umiyak at magwala! Ang bigat sa pakiramdam parang sinasakal ako at tinatakpan ang bibig ko, walang hangin na makalalabas o makapapasok man lang.
Pumikit ako at lumunok. Pagdilat ko, mukha ni Kella ang nadatnan ko. Napaatras naman agad ako.
"Erika." Tawag niya sakin. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan lang.
"You can go home. Pasensiya na sa disturbo." Malamig na boses kong sinabi yun.
"Hindi ako aalis okay?" Huminto ako.
"I'm not joking anymore, Kella! You get out!" Nagtaas na ako ng boses para malaman niyang galit ako sa kanya.
"I told you I'm not leaving! Sinabi ni Redrick sakin not to leave you now that he's not around." Kalmado lang ang boses niya. But that was it. He's staying because it was a favor, not her own will. Humarap ako sa kanya.
"You don't have to feel responsible. Feel free to go. It's my choice. Ako ang nagpalayas sayo. Ayoko namang gawin mo ang bagay na hindi mo gusto." Tiningnan ko siya sa mata. Nakipagtagisan rin siya sakin. Hanggang sa siya na ang sumuko at bumuntong hininga.
"I'll leave tomorrow. Ayoko namang ipagpilitan ang sarili ko kung ayaw mo talaga sakin." Yeah bukas. Gabi na masyado baka mapano pa siya sa labas. I sighed. Until the end I'm still thinking about her. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na sa kwarto ko.

BINABASA MO ANG
Bed Imprisonment (Completed)
RomanceWarning: SPG. Mature content ahead. Erika is a lost soul. She's finding love at the wrong places and at the wrong person. And now that the brothers, Lenon and Redrick are into her, will she be able to find love she's been looking in different places...