"YOU happy?" Nilingon ako ni Erika sa tanong ko. Nakangiting tumango siya at ganun nalang ang bilis ng tibok ng puso ko dahil dun.
"Sobra. Hindi ko aasahang magiging ganito ako kasaya." Hindi ko napigilang ngumiti sa sinabi niya. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mga mata niya at ang saya ko din na makitang masaya ang pinakamamahal kong babae.
"Mabuti naman kung ganon." Sabi ko at niyakap siya. "Baba na tayo?" Tumango naman siya at iginiya ko siya pababa ng hagdan.
Malaki na rin kasi ang tiyan niya at medyo nahihirapan na itong maglakad. Syempre kabuwanan na din naman kasi niya sa susunod na buwan at excited na rin ako na makita ang anak ko. Napakaswerte ko at hindi ako sinukuan ni Erika kahit na nga ba naging gago ako. nagtangka pa siyang magpakamatay ay naging maayos kami. Naging daan din ang bata sa sinapupunan niya na maging okay kaming dalawa lalo na nang nakumpirma naming ako talaga ang ama ng anak niya. Salamat na rin sa tulong ng paternal test at napaaga ang pagbunyag sa kung sino ang ama ng dinadala ni Erika.
Si mama naman ay pinagalitan ako ng todo sa ginawa ko kay Erika at halos tanggalan ako ng mana pero dahil na rin sa magiging anak ko ay nakiusapan ko siyang ibalik sa akin. Habang si Lenon ay andun pa sa Amerika at nagpapagaling. Hindi ko man masasabing okay na kami ng kapatid ko pero umaasa pa rin akong tatanggapin na niyang hindi ko na muling pahahawakan pa sa kanya si Erika. Oo galit pa rin ako sa kanya pero hindi yun magbabago na kapatid ko siya at magkadugo kami.
"Lalim ng iniisip mo, Rick." Nabalik ako sa kasalukuyan ng kunin ni Erika ang atensiyon ko. Nakababa na rin pala kami.
"Wala may iniisip lang." Tiningnan niya ako ng may pagdududa sa mga mata. Napatawa na lang ako sa ginawa niya.
"Anong iniisip mo?" Humaba ang nguso niya na para bang nagtatampo. "Iniisip mo na bang mataba na ako at papalitan mo na ako?"
I looked at her in disbelief. Simula kasi nung magbuntis siya ay napakarami na niyang insecurities sa katawan na minsan ay nauuwi na sa pag-aaway naming dalawa.
"Where is that coming from?" I frowned then hug her. "You're at it again. Alam mo bang ikaw ang pinaka-sexy na buntis na nakilala ko?" Paglalambing ko sa kanya at hinalik-halikan siya sa mukha.
I saw her face lit up then she smiled. "Talaga?" Nakangiti na siya ngayon at saka hinalikan ako sa leeg. And her moves just sent shivers down to my belly.
Tumikhim ako para mawala ang kakaibang sensasyon na hatid ng paghalik niya sa leeg ko. "O-oo naman no." Pero bigla na namang nawala ang ngiti niya sa mga labi at tinalikuran ako.
"Hmp! Parang hindi naman totoo yang sinasabi mo! Look at you! Tumikhim ka pa at saka nautal ka!" Tuluyan na itong tumalikod sa akin at saka naglakad palayo.
Damn! Hindi naman kasi dahil sa hindi yun totoo eh. Dahil yun sa pagkalalaki kong biglang nabuhay dahil lang sa ginawa niyang paghalik sa akin. Now, how can I explain that to her?
"Hey! Baby, wait up!" Sigaw ko at hinabol siya na papuntang hardin.
Lumipat na din kasi kami sa mas malaking bahay. Syempre gusto naming magbagong buhay kaya napagdesisyunan naming lumipat na rin. Nasa lumang bahay din kasi ang mga ala-alang gusto na naming kalimutan. Kahit na nga alam kong hindi na namin iyon makakalimutan pa pero sa bagong bahay na ito ay magkakaroon kami ng bagong memorya at matatabunan na non ang masamang nakaraan namin.
A life together with her and our baby is my everything right now and in the future. I know I've been a jerk to her but I'm coping up to do everything that will make her feel like she's my queen. Afterall, she is really my queen, and soon a queen in this house. I smile at the thought that she's going to be my wife soon. I touched my pocket where a velvet box and a ring inside it is there. This is it. This is the day that she will be mine. If she says yes then I would do everything to make her happy and to make her not to leave me. 'Cause if she does I'll be broken into pieces and she'll surely bring my heart clinching it and throwing it. In short I'd suffer excruciating pain if ever she would leave me.
![](https://img.wattpad.com/cover/119254266-288-k164294.jpg)
BINABASA MO ANG
Bed Imprisonment (Completed)
RomanceWarning: SPG. Mature content ahead. Erika is a lost soul. She's finding love at the wrong places and at the wrong person. And now that the brothers, Lenon and Redrick are into her, will she be able to find love she's been looking in different places...