Chapter XVIII

208 5 0
                                    

"ANO? Hindi mo alam kung sino ang ama niyan?" Napayuko ako sa tanong ni Tita. Pagkalabas na pagkalabas ng doktor ay agad na pumasok ang ginang at tinanong agad ako pero ang tanging sagot ko lang ay-

"Hindi ko po alam, Tita." Garalgal na ang boses ko dahil naiiyak na ako kanina pa.

Lumapit sakin ang ginang at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"You're kidding, right?" Hindi makapaniwalang tanong pa nito. Umiling lang ako. Nakita ko ang galit sa mga mata niya. "Hindi ka naman na rape di ba?" Muli at umiling ako. "You had sex with different guys?" Marahan akong tumango at napayuko ulit. Narinig ko ang mabilis na paghinga niya. I panicked kaya agad kong inangat ang ulo ko. Pero isang malakas na sampal ang sumalubong sakin.

"T-tita." Muluha-luhang sambit ko sa kanya. Hindi ko na talaga napigilan ang mga luha ko.

"Hindi kita kinupkop para pagpiyestahan lang ng mga lalaki, Erika!" Sigaw niya. Natatakot ako hindi lang para sa'kin kundi para rin sa kalusugan nito. May sakit pa naman kasi ang ginang.

"Tita, sina-" Tumigil ako at nag-iwas ng tingin. I don't want her to know that those guys were her sons. It will give her a heart attack.

"Erika. Look at me." Nakayuko pa rin ako kahit pa nga tinatawag ako ni Tita. Hindi ko lang kasi matanggap na pinagmukha ko siyang tanga. Ang sama-sama ko at ito ang isinukli ko sa kabutihan niya. "Oh please, Erika. Talk. Nang masulusyunan natin ito."

"Tita, I-" Napahikbi ako. Hindi ko talaga kayang sabihin sa kanya na isa sa anak niya ang maaaring ama ng dinadala ko.

"Is it Redrick?" Napailing ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung si Redrick nga ba pero sana sa kanya nalang itong dinadala ko.

"Erika, kung hindi sino ang ama niyan? Are you cheating on my son, hija? Hindi ba at kahihiwalay ninyo lang two months ago?" Napakagat-labi ako sa tanong ng ginang.

"I am sorry-"

"Mama." Naputol ako sa sasabihin ko ng may pumasok. Nakita ko agad si Redrick at kasunod niya si Lenon. "Tama na yan. You're stressing her. Hindi yan makabubuti sa kanya at sa anak ko." Napatanga ako sa sinabi ni Redrick lalo na ng may halong pinalidad ang boses niya.

"Kuya, hindi ka pa sigurado kung sa iyo nga iyan." May talim naman ang boses ni Lenon ng magsalita ito at tumingin sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin at muling napayuko.

Nahihiya ako. Sobra.

"Really? Pa'no mo naman nasabing hindi iyan sa'kin?" Hindi ako komportable sa pinag-uusapan nila.

"Sa harapan ko talaga kayo mag-uusap?" Hindi ko maiwasang magsalita. Halos hindi na nga ako makapagsalita kanina sa mga tanong ni Tita tapos pag-uusapan pa nila ito sa harap namin?

"Can someone tell me what's happening here?" Kinabahan ako ng magsalita na si Tita. Tumingin ako sa matanda at nakita kong ang seryoso ng mukha nito. Lumapit naman si Redrick sa ina niya at hinalikan ito sa pisngi.

"Can I talk to Erika, ma? Si Lenon na ang bahalang magsabi sa inyo ng lahat. Lahat-lahat. Pero pwede bang sa labas kayo mag-usap? Kakausapin ko sana si Erika ng masinsinan." Napakaseryoso ng boses ni Redrick.

Walang nagawa ang ginang ng igiya siya ni Lenon sa labas.

"Sabihin mo lahat, Lenon. Ito ang huling pagkakataong pagkakatiwalaan kita. At kapag ito ay pumalpak pa magkalimutan na tayo." Nagtagisan ng tingin ang magkapatid.

"Halika na, Lenon. May sasabihin ka pa sa'kin di ba?" Pukaw ng ginang kay Lenon na agaran namang sumunod. Paglabas ng dalawa ay tahimik ang buong silid na inuukupa ko.

Bed Imprisonment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon