Chapter XII

218 5 0
                                    

Chapter 12

NAG-AAYOS ako ng sarili ko ngayon at nasa harap ng salamin. Sinisipat ko ang sarili ko kung bagay ba sakin ang suot ko. Gusto daw kasi ni Kella na lumabas kami. Girl bonding daw and since matagal-tagal na rin kaming hindi nagbo-bonding kaya pumayag na rin ako.

"Girl, bilisan mo na diyan. Pwede ba?" Inis na sabi niya sakin na tinawanan ko lang. Siya kasi kanina pa bihis na bihis habang ako naguguluhan pa rin kung ano ang isusuot ko. Kanina pa rin kasi ako nagpapalit-palit ng damit dito.

"Wait lang naman, girl. Di ko alam kung bagay ito sakin, eh." Sabi ko habang nakapameywang sa harap ng salamin. Tiningnan ko si Kella gamit ang repleksiyon niya sa salamin.

"We better really get going. Just wear anything na komportable ka. You don't have to wear something that will caught attention. This is girl bonding and not guy farming! Goodness!" She rolled her eyes and storm out the room. Natawa nalang ako. Isang ulit ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin. Simpleng brown floral dress lang naman ang suot ko. Tapos naka-flat shoes ako. Simpleng-simple lang ang dating parang dating ako lang.

Napangiti nalang din ako. Nakaka-miss din pala ang sarili ko. Ang tagal na nung huling labas ko ng hindi makapal ang make-up ko. Nagpolbo lang naman ako at saka nag-liptint at masasabing kong bagay nga talaga sakin ito.

"Ay putangina!" Napahiyaw ako ng biglang kumalabog ang pinto at sumigaw si Kella.

"Talagang kakaladkarin kita kapag hindi ka pa lumabas diyan. Sayang ang oras! Ano ba!" Sigaw niya kaya napatakbo ako sa pinto at mabilis na binuksan ito. Bumungad agad sakin ang masamang tingin sakin ni Kella. Nginisihan ko lang siya at hinila sa kamay palabas ng bahay.

"Ano ba naman kasi ako ang tagal kong magbihis. Nasasayang tuloy ang oras! Naku naman dapat yata akong magkaroon na talaga ng time management!" Pumalatak pa ako ng sinasabi ko yun na parang pinapangaralan ang sarili.

"Buti alam mo." Masungit na sabi niya. Natawa nalang ako bago pumasok na sa sasakyan

Ilang minuto kaming nagbiyahe. May sasakyan na pala siya at marunong na rin mag-drive. Nakamamangha nga eh, she was just 22 and I am 20 but she was already capable of doing things in her own. While me, still depending on the people around me. Napalunok ako para maiwasang maging emosyonal sa mga iniisip ko. Nag-iwas rin ako ng tingin at nanahimik lang.

The whole ride was quiet but were enjoying it because of the music from the stereo.

Napatingin ako sa labas ng maramdamang huminto kami.

"Mall?" Nakakunot-noong tanong ko sa kanya. Nangingiting pinatay niya ang sasakyan.

"Well, it has been so long since we went mall together." Napatanga nalang din ako at di kalaunan ay nakangiting bumaba ng sasakyan.

As we walk inside the mall we were holding hands and we talk about some nonsense things.

"Tingnan mo yung mag-jowa na yun." Tiningnan ko ang tinuro niya at nakitang ang sweet nga ng magjowa. "Nakita ko yung lalaki last week may kasamang iba at naghahalikan." Tumatawa niyang sabi.

"Seriously?" Nanlaki ang mga matang tanong ko.

"Wanna bet?" Pagkasabi niya nun ay naglakad siya sa direksiyong papunta sa mag-jowa.

"Kella-" Huli na para awatin ko siya dahil nasa harapan na siya ng dalawa.

"Ikaw nga!" Sabi ni Kella pagkaharap niya sa binata. Napakunot noo naman ang dalawa.

"Kilala ka ba namin, miss?" Tanong nung babae. Umiling si Kella.

"No. I mean yes. What I mean is that I don't know you." Tinuro niya ang babae. "But I know you." Humarap naman si Kella sa lalaki na nakakunot na ang noo.

Bed Imprisonment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon