Chapter XIII

203 5 0
                                    

Chapter 13

I FEEL empty. These past few days I feel shallow inside. I don't know why but I feel very numb and it's scaring me. Ayokong walang maramdaman. Mas gugustuhin ko pang masaktan ako kaysa naman wala akong emosyon.

Pagkaalis ko sa pamamahay nila Redrick ay hindi na ako muling bumalik doon. Yun na din ang huli naming pagkikita. Si Kella na nga lang ang kumuha ng ibang mga gamit ko eh dahil hindi ko na sila kayang harapin pa. Siguro dahil sa kahihiyan at sa lahat ng sakit na naidulot nila sakin. Lalong-lalo na si Redrick.

"Redrick." This the first time na binanggit ko ang pangalan niya. Parang cue word din at nakaramdam ako ng emosyon. Emosyong mahigit dalawang taon kong dinamdam at iyon ay ang masaktan. Nasasaktan ako ngayon dahil iniisip ko siya. Nasasaktan ako ngayon dahil sa kahit huli-hulihang pagkikita namin wala siyang konkretong ginawa para pigilan ako. Ni hindi niya talaga ako pinigilan. Ang ginawa lang niya ay magsalita na hindi ako umalis at yun na yun. Wala talaga siyang ginawa para manatili ako sa tabi niya.

"The first time I see you crying after you move in my house." Napaigtad ako sa boses ni Kella. Nilingon ko siya at nakitang palapit na ito sakin. Nang nasa harapan ko na siya tinuyo niya ang mga luhang hindi ko man lang napansin na dumaloy na sa pisngi ko.

"Wala to." Sabi ko at ako na ang tumuloy sa pagpahid ng mga luha ko.

"Let me guess. Si Redrick, ano?" Hindi ako sumagot sa tanong niya bagkos ay tumayo ako at tinalikuran siya.

"This is nothing, Kella. Magiging okay rin ako. I just miss my parents." Napabuntong-hininga ako at lumabas ng kwarto para na rin hindi ako kulitin pa ni Kella. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng makakain. Nang makakita ako ng slice bread at peanut butter ay agad ko yung kinuha. Ikakain ko nalang ito, at least nakakaramdam na ako ulit hindi katulad ng mga nakaraang araw na para akong robot lang.

"Erika, you can talk to me, alright? Ano bang silbi ko rito? Ayan ka na naman sa mga lihim-lihim mo na yan, eh." Natigil ako sa pagsubo ng dumating si Kella at pagsabihan ako. Binaba ko ang slice bread at tiningnan siya sa mata.

"Nakasasagabal ba ako sa iyo, Kella?" Hindi ko maiwasang tanong kasi kahit na magkaibigan kami alam ko namang mahirap ang buhay lalo na sa gastusin.

"Where is that coming from? Huh?" Napayuko ako sa tanong niya. Saan nga ba iyon nanggaling? Bakit bigla-bigla nalang ako nagtanong ng ganun?

"Kasi wala akong naiaambag na kahit ano. Nagiging pabigat pa ako sa mga gawaing bahay." Nakayukong sagot ko. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko para pigilan ang hikbi ko pero hindi ko rin magawa. Natigilan ako sa paghikbi ng may humawak sa baba ko at tinaas ang mukha ko. Kaagad na nagtagpo ang mga mata namin ni Kella.

"We're best of friends, Erika. So don't show me that pity face of yours. At anong akala mo sa pagtira mo dito? Libre? No, girl. You'll be paying me. If you already have your own work and you can live on your own. How's that, bitch?" She smirked and then winked at me. Napangiti nalang ako kahit pa nagsilabasan ang mga luha sa mga mata ko. Kasabay nun ay ang pagyakap sa akin ni Kella. "I love you, Erika. So please don't do self pity. Huwag na huwag mong iisipin na pabigat ka sakin. Dahil hinding-hindi yon mangyayari."

Napaiyak nalang ako lalo na sa mga sinabi niya at niyakap na rin siya. Ilang minuto kaming ganun bago siya kumalas sa yakap ko.

"Look at you. You look like shit." Sabi niya at tinawanan ako. Napasimangot ako sa ginawa niya. Kahit kailan talaga to si Kella panira ng moment. Nagdadrama na kami eh tapos biglang mang-aasar.

"Bahala ka diyan, kakain nalang ako dito." Sabi ko at tinuloy na ang pagkain ng slice bread. Kumuha na din si Kella at kumain. Nagkwentuhan lang kami dun hanggang sa naubos namin ang isang loaf ng slice bread.

Bed Imprisonment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon