Koreano -- 2 <3

52 2 0
                                    

Matapos kumain ng dinner, umalis na rin ako ng bahay. Hindi na kami ng usap ng matagal ni mama, kase baka mauwi sa daramahn. Eh nasa kabilang village lang naman ako.

Actually, ayoko talaga kela tita. Sobrang dami kasi ng bata doon. Maingay. Di katulad dito sa bahay, tahimik. Sobrang tahimik nga lang.

Sa lahat ng mga pamangkin ko, si Fufu ang paborito ko. Fufu, nickname lang. Faustine talaga ang pangalan nun. 11 years old pero daig pa akong 15 years old kung mag-isip tsaka magsalita.

Since sa kabilang village lang naman, nag tricycle lang ako. Bitbit bitbit ko yung cute na bag na 'to. Hindi ko nadala yung magagandang damit ko. Eh sa sobrang dami ba naman nun, makakapili pa ba ako?? Kung sinabihan lang ako kaagad ni mama kanina eh. -_-

Wala pang 15 minutes, nakarating na ko dito sa village nila tita. Since hindi pwedeng pumasok ang tricycle sa loob ng village, naglakad na lang ako papunta mismo sa bahay nila.

"Miss san ka po?" Tanong ng guard sakin.

"Ah kela tita..."

"Ate Rurut!!"

"Fufu!!"

*Boooooogs!

"Ikaw kahit kelan talaga! Lagi ka na lang nahuhulog sa kanal."

"Kasi si kuya guard hindi tinatakpan yung mga kanal eh. Hehe."

"Lampa ka kasi Fufu eh! Hahaha." Sabi ng guard.

"Kuya, tita ko yan. Papasukin mo na, wag mo nang tanungin."

"Bakit di ko man lang kilala? Sige miss, pasok ka na."

"Ano yun, dapat lahat ng relatives namin kilala mo? Ikaw kuya ha. Sige, alis na po kami. Salamat po!"

"Ba bye po." Sabi ko sa guard.

Nakita ko na ulit yung paborito kong pamangkin. Si Fufu. Ayun, nahulog nanaman sa kanal. Buti nga yung unahang gulong lang ng bike ang nabasa. Kasi kung pati siya nabasa, babaho nanaman yun. Nakaangkas ako sakanya ngayon.

"Dahan dahan ka lang Fufu ha.  Baka mahulog tayo sa kanal."

"Ate Rurut naman. Di kasi ako nakatingin kanina sa daan eh. Alam mo namang good driver ako eh."

"Good driver ka diyan, eh ilang beses ka na ngang nahuhulog sa kanal. Sumbong kita kay Tam eh."

"Wag naman Ate Rurut!"

"Hahaha oo na. Andito na tayo."

Ate Rurut ang tawag niya sakin. Actually, yun yung palayaw ko. Hehe. Si Tam, crush ni Fufu. Ssh! Wag kayong maingay, magagalit si tita. Hihi.

"Hi Ruthy!!!" -tita

"Hello po tita!!" Nagyakapan kami. Mga 1 taon na kasi ang nakalipas mula nang bumisita ako dito kela tita. Namiss ko silang lahat.

"Hi Ate Rurut!"

"Hello Didi!"

"Hi Ate Rurut!"

"Hello Sasa."

"Hi Ate Rurut!"

"Hello! Uhm... Hello bi!"

Ang dami dami ng pamangkin ko. At sa sobrang dami nila, nakalimutan ko na yung mga palayaw nila. -__-

"Kumain ka na ba Ruthy?" -tita

"Opo tita. Sabay po kami ni mama na kumain."

"Sige, kain lang kami ah.Tara na mga anak."

Nagsitakbuhan yung mga pamangkin ko sa hapagkainan. 16 lang naman silang lahat. Wow! Ang sipag kasi nila tita. +.+

Lumabas na lang muna ako ng bahay.

Nakakamiss nga sa lugar na 'to. Medyo maraming tao ngayon. Napansin ko ang bahay sa tapat. Actually hindi naman sobrang tapat. Nasa left side siya sa tapat namin. Damuhan kasi yung tapat dito.

Madilim. Mukhang walang tao. Sayang, ang laki pa naman ng bahay.

"Ate Rurut."

"Ay surot! Ano ba Fufu! Bakit nangugulat ka?"

"Anong surot? Ba't nandito ka?"

"Lumabas lang siya sa bibig ko. Wala. Sight seeing."

"Ahh. Alam mo 'te, koreano ang nakatira sa bahay na yan. Yung isang anak nila kalaro ko. Yung isa kasing edad mo."

( ?_? )

"Ano naman? Bakit mo sinasabi sakin 'yan? Di naman ako nagtanong ah."

"Hindi ba? Hehehehe. Sorry. Share lang."

Weird. Parang I smell something fishy.

"Kumain ka lang naging ganyan ka na. Haha. Pasok na nga tayo sa loob."

"Okay po."

Nag movie marathon lang kami nila tita. Konti na lang kami, kase yung iba kong pamangkin KO na.

Matapos nun, natulog na kaming lahat.

"Ate Rurut, ate rurut, wake up na po ikaw. E'eat na daw sabi ni mommy."

"Hmm..." -ako

"May sunog! May sunog!!!"

"Asan sunog???! Asan???!!!" Napabangon bigla ako.

"Hahahahahaha! Nakakatawa yung face ni ate rurut. Hahahaha."

( -____________________- ) <-- ako

"Eat na po tayo ate rurut! Kelangan daw kasing sabay-sabay tayong mag eat." Sabi nung pamangkin kong nakalimutan ko kung anong pangalan.

Hinawakan ko yung ulo ko. Medyo masakit kasi. Mapabangon ka pa naman ng wala sa oras? Ha ha ha. -___-

"Oo sige bi. Wash lang ng face si ate rurut ah? Punta na kayo dun."

"Okay po ate rurut!"

Kung di lang kayo bata. Nako. --.--

Gaya nga ng sinabi ko, nag wash muna ng face. Nagmumog syempre. Nagsuklay ng buhok, tsaka pumunta na rin sa hapagkainan.

Nadatnan ko sila tita na nanonood ng tv.

"Morning po tita." -ako

"Morning din Ruthy."

"Kain lang po ako."

"Ah Ruthy!"

"Po?"

"Wala nang pagkain. Hehe. Bili ka na lang muna sa labas ng kahit ano. Maya pa ako magluluto para sa tanghalian. Ang dami kasing nakain ng mga pamangkin mo. Di ka naman siguro magagalit Ruthy." *insert nagpapaawa effect

( ^____________^ )

"Okay lang po yun tita! Naku! Walang problema po sakin yun! Bibili na lang po ako sa labas ng kahit ano. Hehehehe."

( ^____________^ )

Lumabas ako ng bahay.

( -_____________-" )

Sa bahay halos mamatay ako sa sobrang kabusugan, dito naman kela tita, mamamatay ako sa gutom. -_- Pero okay lang talaga sakin. Intindi ko  naman ang sitwasyon nila eh. Masyadong malaki ang pamilya nila. Mabait naman akong tita eh. Chos! :D

Kumain ako sa isang karinderya. Hindi sapat sa mga butete ko ang tinapay at kape lang. Kelangan kanin o sinangag tsaka may ulam.

*nom nom nom nom nom

*nom nom nom nom nom

Inom ng tubig.

*burrrrrrrrrp

BUSOG!

"Ate, 54 po lahat." Sabi ng babae/

"Ah teka lang."

Dumukot ako sa bulsa ko.

O___________O

WALA AKONG PERANG DALA!

Koreano &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon