Ang isang linggo ay lumipas na parang isang araw lang. Halos maging lamay ang eksena sa bahay nila tita nung uuwi na ako. Palabas pa lang ako ng pintuan, todo na ang iyakan ng mga pamangkin ko. Masyado na kasi silang napalapit sakin. Pati ako, naiyak sa kagagawan nila. Huhuhu! Pati si Fufu umiyak. Himala! Dati rati naman hindi yun umiiyak. Pinayagan ni tita na samahan ako ni Fufu pa-uwi, kasi kasama naman si Kim. May kasabay pa-uwi si Fufu sa bahay. Nandito kami sa loob ng tricycle ni Kim. Si Fufu nasa likod ng driver. Gusto niya raw kasing mabigyan kami ng last kilig moments ni Kim. Daming alam noh?
"Wala ba akong good bye kiss??" Sabi ni Kim habang naka-sad face na parang paawa effect na ewan! :D
"Sapok you want?" Pinakita ko sakanya yung kamao ko.
"Oo. Pero yung ipangsasapok mo sakin lips mo, tas sasapukin mo ako sa lips ko. Hehehe."
"Ang manyak mo naman Kim!" Sinapok ko siya sa tiyan.
"Oy ano yan Kim??!!! Minamanyak mo ate ko??!!" -Fufu
"Di ko naman minamanyak ate mo. Nilalambing ko lang kasi mamimiss ko siya ng sobra." Tumingin sakin si Kim sa mata gamit ang magaganda niyang mata.
Shetness! Ang pogi niya talaga! *O* ang swerte ko naman masyado at yung magiging first boyfriend ko Koreanong ubod ng gwapo. Grabe, kinikilig ako. XD
"Mamimiss kita Ruthy...~" Kiniss niya ako sa noo.
O________________________________O
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!!!!! \\\\(*[_____]*)////
"Ruthy, okay ka lang??" -Kim
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Parang tinurukan ako ng anestisya, at wala akong maramdaman. Manhid na ako... Nang dahil sa halik mo Kim. Leche flan ka! x(((
"Andito na tayo Ruthy. Baba ka na."
Dahan-dahan akong bumaba, habang nakatulala.
"Honey... Andito na mama mo." -Kim
Mama? Shet! Baka narinig niya yung sinabi ni Kim na honey. Lagot!
"Uhm, sige po uuwi na kami ni Faustine." -Kim
"Ba'bye po tita!"
"Ba'bye Fufu tsaka Kim! Salamat sa paghatid niyo sa anak ko."
"Sige po. Di na po kasi gumagalaw yung anak niyo. Hehe. Ba'bye Ruthy!"
"Ba'bye tita Rurut!"
"Hoy! Kumilos ka nga anak! Anong nangyari sayo??!!!"
"Hindi ka sasagot?? Ganun pala ha."
*pak!
"ANO BA MA??!!! BAKIT KA NANANAMPAL??!!!" Hinimas-himas ko yung pisngi kong dinapatan ng mala-bakal na kamay ni mama. - ,-
"Eh kanina ka pa hindi namamansin eh! Naka-uwi na lang si Fufu tsaka si Kim, di ka pa rin kumibo."
"Kilala mo na si Kim ma???!!!" :o
"Oo, nag-usap pa nga kami eh. Yan kasi, naging istatwa ka."
"Anong napag-usapan niyo ma???"
"Nanliligaw ba sayo yun anak?..."
Sasagot na sana akong 'oo', nang biglang magsalita ulit si mama.
"Wag kang magpaligaw sakanya anak ha? Sa tingin ko kasi, Koreano yung Kim na yun. Okay na sakin kahit kaibigan mo siya, kaya lang, kapag nakikita ko siya, naaalala ko ang papa mo... Naaalala ko ang koreanang babaeng ipinalit niya sakin..."
Hindi na ako nakapagsalita pa. Hanggang ngayon pa rin pala, hindi maalis sa isip at puso ni mama ang galit niya sa mga kalahi ni Kim. Nasaktan bigla ako...~
"Sayang ang pogi pa naman." -Mama
"Pogi naman talaga si Kim eh."
"Ang ibig sabihin maganda rin yung pesteng koreanang ipinalit sakin ng papa mo. Ganon na ba ako kapanget anak???!"
Niyakap ko si mama.
"Mama, kapag ako yumaman, gatas na ang ipangliligo natin. Okay? Mas maputi lang sayo yung babaeng 'yun. Mas maganda ka pa rin kesa sakanya. Ako na ang patunay. Tingnan mo oh." Nag beautiful eyes ako. Natawa naman si mama.
"Hahahaha! Basta anak, wag na wag kang magpapaligaw dun kay Kim ah? Tsaka kung pwede, wag na siyang pumunta dito."
Napatigil ako saglit...
"Sige po ma..."
Mas lalo akong nasaktan...~
Bumili kami ni mama ng school supplies ko, uniform ko, sapatos, bag, atbp. Haha! Halos araw-araw kaming nasa mall ni mama para kumain, mamasyal, window shopping, minsan shopping. XD Sinusulit daw kasi ni mama ang natitirang araw ng bakasyon ko, kasi magiging senior na ako, hectic na raw ang schedule ko. Di ko na raw siya mabibigyan ng oras at panahon. Ang drama ni mama noh?
Sunday evening, day bago ang unang araw ng pasukan, kumain kami ni mama sa chowking kasi ako ang nanalo. Nag bato-bato-pick kasi kami. Pag ako manalo, sa chowking mag didinner, pag siya, sa MCDO. Eh nanalo ako, well, sa chowking kami kumain! :D
Pinag-antay ako ni mama sa table kasi oorder siya ng pagkain namin. Sobrang dami kasi ng tao dito kaya pahirapan ng table. Sobrang haba ng pila sa counter, kaya nag FB muna ako sa phone ko. May WiFi naman eh.
"Inaaccept na pala ako ni Kim." Sabi ko.
Pero nagtaka ako ha. Nung nakita ko kasi yung friends niya, 4,999 ang nandun. 1 tao na lang, mare-reach na niya ang maximum number ng friends. Tas inaccept niya ako? So, 5,000 na ang friends niya. Ako ang ika-5,000! :D
Pumunta ako sa home ko. At nagulat ako sa unang post sa news feed ko...
Kim Bam:
'Having dinner with family. :) I miss someone. :( #Root<3 --- @Chowking'
Kinilig ako dun sa hashtag niya. Sino pa ba ang root? Walang iba kundi AKO! :D Chowking daw? San kayang chowking? Di naman siguro dito sa chowking na pinagkakainan namin.
Biglang may nag message...
Fr. Kim Bam:
Andito ako sa tabi mo. :)
Napalingon naman ako sa left side ko, wala. Sa right side ko, boom! May nakita akong poging naka-stripes na blue na nakataas ang buhok. Waaaah! Ang pogi ni Kim!!! \*O*/
"Hi miss. Can I get your number?" Ngumiti siya.
Waaaah! Wag mo kong tingnan ng ganyan, matutunaw ako Kim!!! ( /_\)
"Sorry, taken na ako. Wag mo na po akong landiin." Dinilaan ko siya.
"Taken ka na ni Kim Bam. I miss you Ruthy..." Ngumiti siya na parang inosente. Lam niyo yung ngiting ganon?
Arrrgh! Butterflies on my stomach. Wieee!~
"I miss you too Kim..." Ngumiti rin ako.
BINABASA MO ANG
Koreano <3
Teen FictionHindi kami pareho ng lahi. Koreano siya, Pilipino ako. Puti ang kulay niya, kayumanggi lang ako. Minahal ko siya, mamahalin niya rin ba ako?? Imposible, pero pwedeng mangyari. <3