Koreano -- 5 <3

41 2 0
                                    

Si Kim?? Nandito sa loob ng bahay?? Pinapasok siya ni tita?? O_O

Bakit nandito siya?? Tsaka, bakit nag sosorry din sya??

OO NGA PALA. MALAKI RIN ANG KASALANAN NIYA SAKIN! >,< Pare-pareho sila ni Fufu. Magsama sila! Kainis! >,<

"Ruthy, I'm really sorry."

Hindi pa rin ako umimik.

Pero parang gusto nang bumuka ng bibig ko eh.

Tikom ka muna. Wag kang magsalita...

"Hindi naman ako galit sayo eh." Sabi ko.

WHAT THE?? O_________O

BAKIT NAGSALITA AKO??! BAKIT SINAGOT KO SIYA??

"Yehey! Hindi siya galit sakin! Labas ka na diyan. Wag ka na daw magmukmok sabi ni tita mo."

Napa-SMS ako. Slow Motion Smile. :)

Bumangon ako tsaka lumabas ng kwarto.

"Thank you!" Sabi ni Kim tsaka biglang yumakap siya sakin.

Nagulat ako... NAGULAT AKO... NAGULAT AKO!!! *O*

"Dahil nabihag mo ang aking paningin, at damdamin, oh koreano... Koreano." Biglang kumanta ulit si Sasa.

"Haha." Narinig kong tumawa si Kim.

"Ah Kim. Wala ka bang balak na lubayan ako sa pagkakayakap?" Tanong ko sakanya.

"Ay sorry!" Sabi niya, tsaka humiwalay na kami sa pagkakayakap.

"Oh koreano... Koreano." Kumanta nanaman 'tong Sasa na 'to. Nang-aasar pa. >,<

"Ang ganda naman ng boses mo Sasa." Sabi ni Kim tsaka ti-nap niya si Sasa sa ulo.

"Thank you po kuyang koreanong. Ang gwapo mo po. Parang ngayon lang kita nakita, san ka po ba nakatira?"

"Ay taga diyan lang ako baby. Diyan sa tapat na bahay." Tsak tinuro niya yung bahay nila sa bintana.

"Diyan ka po nakatira?? Ang laki laki naman po ng bahay niyo."

"Malaki nga, wala namang laging laman. Sige, uwi na muna ako. Ba'bye Sasa!"

"Ba'bye po kuya koreano."

"Uwi muna ako Ruthy ah? May tatapusin pa kasi ako. Hinila lang naman ako dito ni Faustine. Hehe."

"Ah ganon ba? O sige. Salamat sa oras mo. Naistorbo ka pa. Pasensya na."

"Okay lang yun. Ba bye. Ba bye po tita."

Naks. Tumitita na rin siya kay tita. XD

"Hi ate." -Fufu

Tiningnan ko ng masama si Fufu.

Nag peace sign siya na naka-cute face. ( ^_______^V)

"Waaaaaaaaaah!!!" Papaluin ko sana siya sa pwet, kaso tumakbo siya. Ayun, nauwi sa habulan.

"Bilis! Ang bagal mo namang tumakbo eh!" Sigaw ni Fufu.

Ang habulan, ay nauwi sa takbuhan. Andito na kami sa labas ng bahay. Sa kabilang street na ata 'to eh. Ang bilis nga namang tumakbo ni Fufu. Di ko na siya maabutan. Halos di ko na siya matanaw dito sa kintatayuan ko.

Nakaramdam ako ng pagod. Nakakapagod kaya ang maghabulan. Try niyo.

Umupo lang ako dito sa bahay na for sale. Wala namang katao-tao sa paligid, at parang ako lang ang tao dito sa kalsada.

"Nakakapagod bang habulin si Faustine?"

"Ay eroplano! Ano ba Kim! Bakit ka nanggugulat??" Para namang kabute 'tong si Kim. Sulpot ng sulpot!

"Haha. Anong eroplano?"

"May dumaan kasing eroplano. Di mo nakita? Tsaka, bakit andito ka?"

"Wala kasing tao sa bahay kundi ako lang."

"Asan parents mo?"

"Nasa korea. May inaasikaso."

"Kapatid mo?"

"Nasa school. Lagi naman eh."

"Wala kayong yaya?"

"Wala. Hindi naman kami makalat, kaya kaya na naming linisin mag-isa ang bahay."

"Bakit diretso kang magsalita ng tagalog?"

"Dito na ata ako halos lumaki eh. Oo, pinanganak ako sa Korea, pero ewan ko kela mama kung bakit dito kami pinalaki."

"Akala ko naman hindi ka nkakapag salita ng tagalog. Buti ang bait mo."

"Mabait naman ako eh. Halos kaming buong pamilya mabait naman. Hehe."

"Kasi may kakilala akong koreanong hindi mabait. Koreana pala." Napayuko ako.

"Oh, wag kang malungkot. Mag kwento ka lang." Sabi niya sabay ngiti.

Kapag dumalas 'tong pagkikita namin. Tsaka kung madalas ko rin makita 'tong nakakatunaw niyang ngiti, di malabong mahulog ako sakanya.

Di naman mahirap mahalin 'tong si Kim eh. Mabait siya. Desente. Halos lahat nasakanya na. Kaya lang, baka may girlfriend na 'to. Sa mukhang 'yan?? Walang maghahabol?? Asa!

Kwinento ko sakanya ang buong buhay ko. Mukhang mapagkakatiwalaan naman siya eh. Kilala naman siya nila Fufu tsaka ni tita.

"Buti nga kasama mo pa ang mama mo. Lagi kayong magkasama. Eh si mama, never pa niya akong ipinagluto ng lutong bahay. Kami lang kayang magkakapatid lagi ang nagluluto ng kinakain namin. Minsan nagpapa-deliver na lang. Kaya napaka-swerte mo."

Tiningnan ko si Kim. Nakapikit siya. Nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Gusto ko rin ng papa na laging kasama. Yung papa na laging magliligtas sayo sa oras ng kapahamakan. Yung papa na laging magpapagaan ng loob ko pag kaaway ko minsan si mama. Pero mukhang malabo at alam kong never nang mangyayari ang bagay na 'yun.

Bigla akong niyakap ni Kim.

Nagulat ako. Pero parang ayoko nang kumawala sa yakap na 'to. Masyadong magaan sa pakiramdam. Napapikit ako...

"Kim?? Umiiyak ka ba??" Sabi ko.

"Oo eh. Kaya kita niyakap para hindi mo makita ang pag-iyak ko. Sorry ah. Dalawang beses na kitang niyakap."

"Okay lang. Iyak lang. Andito lang ako. Hindi kita iiwan..."

Tumulo rin ang isang patak sa mata ko. Ang salitang IWAN ang pinaka ayaw kong salitang marinig. Pero bakit nasabi ko 'to kay Kim? Kaya ko nga ba siyang hindi iwan?? Hindi niya pa pala alam na saglit lang ako dito kela tita.

"Bakit umiiyak ka rin?" Tanong niya sakin.

Bakit niya alam na umiiyak din ako?

Bakit ang galing niya? Huhu.

"Hindi ako umiiyak noh."

"Eh bakit may tumulo sa kamay ko? Wag mong sabihin na laway mo yun."

"Huhuhuhuhuhuhuhuhuhu!" Umiyak na ako ng bongga. Ewan ko kung bakit. Parang mabigat sa pakiramdam...

"Bakit ka umiiyak?"

"Kasi huhu na mimiss huhu ko si huhu papa eh! Huhuhuhu!"

"Don't worry. I'm always here for you." Kiniss niya ako sa noo.

KINISS NIYA AKO SA NOO!!!! \(*O*)/ WAAAAAAAH!

Koreano &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon