Koreano -- 7 <3

26 1 0
                                    

Nagtinginan sakin sila Kim tsaka Mich.

"Anong yes??!" Sabi ni Mich in a sarcastic way.

Sarcastic way niya ang mukha niya. Talagang may gusto lang siya kay Kim. Pfft. Ang landi. -,-

"Yes! Kasi naalala ko na yung inaalala ko kanina pa. Sorry, lumilipad yung isip ko. He he." -__- sana makalusot yung palusot ko.

"Ah. Akala ko may gusto ka rin kay Kim." Sabi ni Mich.

Rin? Si Kim nga ang gusto netong Mich. Hindi man lang siya nahihiya? Gravity.

"Eh ano naman ang gusto mo sa babae, Kim?" Tanong ulit ni Mich kay Kim. Grabe, hindi ba siya nahihiya sa mga pinagsasasabi niya? Ngayon nga lang siya nakilala ni Kim eh. Kapal talaga ng fes. -,-

"Haha. Kelangan ba talagang sagutin yang tanong mo?" Ngumiti si Kim.

"Oo naman. Para malaman ko kung ano ang gusto mo."

Grabe. Ako ang nahihiya dito kay Mich eh. Masyadong FC. Super FC ka te. Alam mo ba yun??! >,<

"May babae akong gusto. Ayokong i'describe siya kasi baka malaman niyang siya ang tinutukoy ko. Di pa ako ready na sabihin sa kanya ang feelings ko." Bigla siyang tumingin sakin tsaka ngumiti.

Nge? Ba't siya tumingin sakin? W/ matching ngiti-ngiti pa siya.

"Alam mo Kim, matagal na akong may gusto sayo. Lahat ginawa ko para mapansin mo ako. Nag-aral ako kung saan ka nag-aaral. Kahit sobrang mahal ng tuition fee, kinaya ko. Nagpa-rebond ako kahit labag sa kalooban ko. Nagpa-slim ako kahit ang hirap magexercise araw-araw. At lumipat ako ng bahay para masundan lang kita. See? Ang dami ko nang isinakripisyo para lang sayo Kim."

Natahimik kami ni Kim. Nawindang ako dun ah. Sobrang obsess lang?? Grabe, ikaw na po.

"Wala ka man lang bang sasabihin Kim, ha?" Umiiyak siya.

Haru jusko lord? Ano pong nakain neto at ganito siya kumilos? Taga mental ata to eh.

Hinawakan ni Kim ang kamay ni Mich. Na sobrang ikinagulat ko.

"I feel you. Ganyan din ang nararamdaman ko sa babaeng gusto ko. You deserve someone better than me. Hindi ako ang karapatdapat sa pagmamahal na binibigay mo. Thanks for your effort, pero I just want you to be my friend." Ngumiti siya.

Lumakas ng husto ang iyak nitong baliw na Mich. Naiinis na ako sa iyak niya ah. Alam niyo yung batang umiiyak mabilhan lang ng laruan? Ganito ang ginagawa ni Mich ngayon. -,-

"Wag ka nang umiyak Mich. Please?" Nag-iba ang tono ng boses ni Kim.

Tumigil naman sa pag-iyak si Mich. Bakit nag-iba ang tono ng boses ni Kim? Parang nalungkot siya.

"Kain muna tayo." Sabi ni Kim sabay ngiti.

"Sige!" Waw naman! Parang hindi umiyak 'tong Mich ah. Ang galing talagang umarte. -,-

"Okay!" Tumayo si Kim tsaka dumiretso sa telepono.

"Hello? Pa deliver po ng--"

Tumayo ako tsaka pinindot ang end call ng telepono.

"Bakit mo pinatay? Naka-register na ang telephone number namin sa fastfood na tinawagan ko. Baka sabihing niloloko ko lang sila. Wala tayong kakainin."

"Pumapayat ka na dahil sa kakakain ng mga pagkain sa fastfood. Dapat kumakain ka ng lutong bahay. May manok ba sa ref niyo?"

Nagtaka naman ang mukha ni Kim. Parang napa-question mark. ?_?

"Ahm, meron. Lagi namang puno ang ref eh."

"Oh! Eh lagi naman palang puno ang ref niyo, tapos order ka ng order sa labas? Masasayang lang ang mga pagkaing naka-imbak lang sa ref at hindi lulutuin. Nakakain ka na ba ng adobo?"

"Special adobo lang."

Meron bang ganon? Ang yaman kasi, kainis.

"Yung adobong linuto lang sa bahay, nakakain ka na?"

"Hindi pa eh. Never pa nga ako nakakain ng lutong bahay. Lagi naman kasing wala dito sa bahay sila mama. Tsaka kahit andito sila sa pilipinas, laging sa labas kami kumakain. Never din kaming kumain ng sabay-sabay."

Napabuntong hininga naman ako. May mas malala pa pala sakin pagdating sa problema sa pamilya. Kahit buo ang pamilya nila, wala naman silang oras para sa isa't-isa. Hindi man lang niya naramdaman kung gano kasaya kumain nang buo ang pamilya. Haaays, ang emotera mo naman Ruthy! >,<

"Ehem ehem ehem. Hindi niyo na ako pinapansin dito. May tao pa dito. Hellooo." Sabi ni Mich. Papansin ka beh, alam mo yun? - o-

"Asan ref niyo? Magluluto ako ng adobo." Sabi ko.

"Talaga??! Wow! Pwede panoorin kita habang nagluluto?" Sabi ni Kim.

"EHEM EHEM EHEM EHEM. Pansinin niyo nga ako!" Alam niyo na kung sino ang nagsalita. --,--

"Manahimik ka na nga diyan! Gutom ka lang eh! Ako na nga magluluto ng kakainin natin, ang arte mo pa. Maghintay ka pwede? Kim, samahan mo na nga muna yang babaeng yan. Baka matapon ko sakanya ang sandok na gagamitin ko mamaya eh."

SILENCE...~~~

Kim -> ( o.o )

Mich -> ( *O*)

"Hehehehehe biro lang. Hehehe. Magluluto na ako. Hehehe." ^_^v dahan-dahan akong naglakad papuntang kusina. Kung hindi lang ako na windang sa reaksyon ni Kim, hindi ko babawiin yung mga pinagsasabi ko kanina. -,-

Marunong akong magluto ng sinigang, mag prito (haha! ang dali lang mag prito eh. XD) mag tinola, mag adobo tsaka marami pa! Instant asawa na noh? Haha. Pinanonood ko kasi si mama tuwing nagluluto siya. Wala naman kasi akong ibang gagawin sa bahay, kaya pinanonood ko na lang si mama. Ang saya nga eh, natututo ako. :>>>

Ni-ready ko yung mga sangkap. Hinugasan yung manok, sinalang na ang kaserola. Basta, yun na yun! Haha.

Hinihintay ko na lang na maluto ang adobo na niluluto ko. Ang bilis kong magluto noh? Haha.

Tinikman ko yung sabaw ng adobo. Ihip-ihip muna, symepre.

"Hmmmm, sigurado akong masarap yang adobo."

"Ay adobo! Ano ba Kim! Bakit nanggugulat ka?"

"Hindi naman ako nanggugulat eh. Sadyang nagulat ka lang." Ngumiti siya.

"Asus! Teka maluluto na 'to. Hintay ka lang, baka tumutulo na ang laway mo diyan eh."

"Opo, maghihintay po ako hon." Nag smirk siya.

Eeehh??? Ene dew? HEN? Wiiiii! Parang kinilig ako? Ang landi mo Ruthy! -- ,--

"Hehehehehehe." Sabi ko. Na a-awkward ako. Jusko po.

"Sana nga araw-araw mo na lang akong lutuan." Ngumiti siya.

"...Para naman maramdaman kong may nagmamahal sakin.~" Dagdag pa niya.

Tumingin ako sakanya, pero naka-yuko siya.

Koreano &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon