Koreano -- 11 <3

25 2 0
                                    

"Sino yung kausap mo Ru--"

"Hi po tita!" ^_^ -Kim

Patay.

Ngumiti naman si mama ng plastik. I hate you ma. -.-

Bumulong sakin si mama...

"Bakit nandito yang lalakeng yan?? Di ba sabi ko sayo, ayokong makita siya??! Kasama pa niya yung mga magulang niya. Mas lalo akong naiinis sa mga pagmumukha nila."

"Ma, di ko naman alam na nandito siya eh. Di naman atin 'tong chowking na to, kaya hindi imposibleng pumunta sila dito. Pabayaan mo na."

Nag sigh siya, tsaka umupo na. Inayos niya yung mga pagkain sa mesa, tsaka kumain na.

"Hi po tita!" ^_^ Sabi ko sa mama ni Kim.

"Oh, hi Ruthy! Andito ka rin pala. Who's with you?"

"Si mama po." Tumingin ako kay mama, at binigyan niya ako ng masamang tingin.

Lagot... Nakalimutan kong galit pala si mama. Tsk tsk tsk!

"Kasama mo pala ang mama mo. What a coincidence! Di mo man lang sinabi sakin Kim na andito ang girlfriend mo." Ngumiti siya kay Kim.

Mas lalong sumama ang tingin ni mama sakin. Mamamatay na ata ako mamaya neto sa bahay. Lagot na lagot ako.

"Ma, sinabi ko na po sayong hindi ko pa girlfriend si Ruthy." -Kim

"Magiging kayo rin anak." Kumindat yung mama ni Kim sakanya.

Ngumiti lang ako, at natakot nung tumingin ako kay mama. Para na siyang tigre na gustong manglapa ng tao.

"Aha! Why don't we get this thingy away, para nasa iisang table na lang tayo? Ang saya nun!" Para talagang bata 'tong mama ni Kim. Hehe, ang cute! Pero si mama, hindi cute ngayon. ( ._.)

Hindi sumagot si mama, kaya ako na lang ang nagsalita.

"Sige po." :)

Tumingin ng masama sakin si mama... Roar! Mukhang ako ang kakainin ni mama. Sorry po ma, maya na lang ako mag eexplain.

Pinatanggal sa waiter yung harang sa pagitan namin. Natatanggal pala 'to? Haha. Katabi ni mama yung mama ni Kim. Katabi ko si Kim. Katabi ni Kim yung kapatid niyang kasing edad ni Fufu, at katabi ng mama ni Kim ang papa nila. Mukha talaga silang mga Koreano. Nahiya naman ako sa balat ko. X(

"Ang ganda ng anak mo kumare." Sabi ni tita Alice (pangalan ng mama ni Kim) kay mama.

Nakita ko naman ang rekasyon ni mama. Halatang naiilang siya, pero pinatutunguhan niya pa rin ito ng mabuti.

"Syempre mana sa mama niya..."

Tumingin bigla ako kay mama, at binigyan siya ng ano-ba-yang-pinagsasabi-mo-mama-look.

Tumahimik naman kaming lahat. Nagtinginan kami sa isa't-isa, pero walang nagsalita.

"Nako, gutom lang 'to. Kumain na tayo!" Buti na lang hindi nega si tita Alice. Nagtinginan naman kami ni Kim. Parang binigyan ko siya ng bakit-naging-ganito-ang-nangyari-Kim-look. Sumagot naman siya gamit ang mata niya ng, hindi-ko-alam-look.

Bago kami kumain, nagpasalamat muna kami sa Diyos sa mga pagkaing naka-hain sa mesa. Ako ang nag lead ng prayer, at matapos nun, kainan na!

Kagaya ni Kim, hindi maarte ang pamilya niya. Yung papa nga niya, nagkakamay eh! Kinakamay yung manok. Walang kaarte-arte. Laking Korea, pusong Pilipino! :)

"By the way, where is your dad Ruthy?" -tita Alice

Nagtinginan naman kami ni mama, pero tinarayan niya lang ako. Tiningnan ko si Kim, pero wala siyang binigay na reaksyon.

"Uhm, iniwan po kami ni papa..."

"I'm sorry to hear that. Ano ang ikinamatay niya?"

Tiningnan ko ulit si mama.

"Hindi pa po siya patay... Sumama po siya sa ibang babae..."

"Nako, sorry kung tinanong ko pa."

"Sumama siya sa ibang babae. Sumama siya sa mga kalahi niyong malalandi. Sumama siya sa koreanang masyadong maputi, kaya naakit ang papa ni Ruthy. Sukdulan ang galit ko sa inyo..." -Mama

"Mama naman! Wag kang magsalita ng ganyan!" -Ako

"Tara na Ruthy! Umuwi na tayo!" Hinawakan niya ang braso ko, at kinaladkad palabas ng chowking.

Nakarating kami sa loob ng fx na pinagtitinginan ng mga tao. Si mama kasi, masyadong brutal. Kaladkarin pa naman ako palabas ng mall??!

Nasa loob na kami ng fx. Hindi kami nagpapansinan ni mama. Kasalanan niya rin naman eh! Masyado siyang OA. Haay nako.

Pero nagulat ako nung marinig kong humihikbi si mama...

"Ma?" Malambing na sabi ko.

Hindi siya sumagot.

"Sorry na mama..."

Niyakap naman ako ni mama habang humahagulgol.

"Ruthy! Huhuhuhuhu!" -Mama

"Mama, wag masyadong malakas ang iyak. Para kang bata eh. Pinagtitinginan ka na ng mga tao oh."

Pero yung mga taong nakakakita samin, ngumingiti lang sakin. Minsan lang kasi makakita ng mama na umiiyak sa maraming tao habang nakayakap sa anak niya. Nakaka-touch noh?

"Sorry anak kung kinaladkad kita kanina palabas ng mall. Pinairal ko kasi yung pagiging tigre ko eh. Di mo tuloy naubos yung kinakain mo. Hayaan mo, magluluto na lang si mama ng itlog mamaya para makakain ka ng maayos. Huhuhu!"

Narinig ko namang tumawa ng onti yung mga pasahero. Pati ako natawa ng konti. Si mama kasi, parang bata. Pero nakakataba ng puso. Ngayon lang naging ganito si mama.

"Okay lang yun ma. Nabusog na rin naman ako sa kinain ko kanina eh. Tsaka, busog na busog na ako kasi nakita ko si Kim. Hehehehe!" ^_^

"Iwanan mo na si Kim, Ruthy. Please?"

Hindi naman ako nakasagot. Iiwanan??! Di ba ma, ayaw mo sa salitang IWAN??? Pero bakit ngayon gusto mo nang gawin ang mang-iwan sa ibang tao? Gusto mo pang iwan ko ang mahalagang tao sa buhay ko. Mukhang hindi ko kaya ang pinapagawa mo sakin mama. :(

Nakauwi kami sa bahay ng buhay. Inantok kasi bigla si mama, kaya nakatulog sa fx. Hindi ko nasagot yung tanong niya sakin kanina. Hindi ko naman kasi kayang gawin, at wala naman akong balak na iwan si Kim. Napamahal na siya sakin noh...

Dumiretso ako sa kwarto ko pagka-uwi namin. Naglinis ng sarili, tsaka humilata na sa higaan. Pinatay ko yung lampshade, at bago ko isara ang mga mata ko, mag o-online muna ako. Hehe. :D

Nagulat nanaman ako sa unang post sa news feed ko...

Kim Bam:

Nakasama ko siya, pero in a short time only. I'm sorry tita Leds for what happened earlier. I hope that our family will be friends.

Feeling -- Miss na miss na si Root :(

Leds ang pangalan ni mama. Kung alam mo lang Kim, miss na miss na rin kita. :'( gusto na kaya kitang makasama yung tayong dalawa lang. Pero paran malabo pang mangyari yun dahil sa mama ko. Masyado siyang bitter. Di pa niya matanggap ang ginawa samin ni papa.

Nag update na rin ako ng status ko...

If you love someone, you should fight for him/her no matter what happens. That's LOVE-- Love is worth fighting for.

Feeling -- Di ko siya iiwan anuman ang mangyari. Aja!

Click post, at sinara ko na ang mga mata ko...

Koreano &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon