"Uuwi na ako." Sabi ko, tsaka humiwalay na sa pagkakayakap.
"Oh bakit?" -Kim
"Baka kung saan pa mapunta 'to."
"Hindi ako manyak Ruthy. Wala akong gagawing masama sayo. Nadala lang ako kaya hinalikan kita sa noo. Sa noo lang naman eh. Sorry kung nagawa ko 'yun. Sorry na."
"Bakit ka ganyan sakin??! Ngayon lang kita nakilala, pero bakit ganito na ang mga nangyayari??!"
"Sorry Ruthy."
"Uuwi na ako." Sabi ko tsaka umalis na sa lugar na 'yon. Hindi na ako lumingon pa para tingnan si Kim. Hindi na tama ang mga nangyayari.
"Ate san ka galing? Hinanap kita pero di kita nahanap." -Fufu.
Hindi ko siya sinagot. Dinaanan ko lang siya.
Pumasok ako sa kwarto tsaka ni-lock ang pinto. Tinawagan ko si mama...
*ring ring ring
(hello anak? bakit napatawag ka?)
"Ma, gusto ko na pong umuwi."
(ha?? bakit naman? anak di pwede. andito ako sa palawan ngayon. dala ko ang susi. hindi ka makakapasok ng bahay.)
"HA??! ANONG GINAGAWA MO DIYAN SA PALAWAN MAMA??! BAKIT DI MO MAN LANG AKO SINABIHAN NA AALIS KA??!"
(anak wag ka namang manigaw. hindi ako bingi.)
"Eh kasi naman mama eh! Bakit hindi ka nagsabi agad sakin?"
(may problema ba diyan sa tita mo ha, anak?)
Napatigil bigla ako.
"Wa...wala naman po ma. Sige po. Pakasaya ka diyan sa palawan. Bye ma. I miss you."
(sige anak. ba bye. i miss you too.)
END CALL
Grabe naman si mama. Hindi man lang niya ako sinabihan na pupunta siya ng Palawan. Dapat sumama ako sakanya. Sayang ang Palawan experience noh! T-T
"Ate kumain ka muna." -Fufu.
Kumatok siya sa pinto.
Tiningnan ko bigla yung relo ko.
Kakain na? Eh alas'5 palang ah. Niloloko lang ata ako neto ni Fufu eh.
"Hindi ako gutom."
"Ha?? May sinasabi ka ba ate rurut?" -Fufu.
Ha?? Ang gulo ni Fufu ah.
"Eh sinabihan mo akong kumain muna eh."
"Hindi ikaw ang kinakausap ko ate rurut."
"Eh sino?"
"Si ate Mich."
Mich? Sino naman yun?
Lumabas ako ng kwarto para silipin kung anong nangyayari sa labas. Sino naman daw kayang Mich ang tinutukoy ni Fufu??
"Oh Ruthy, si Mich. Bagong kapitbahay natin." Sabi ni tita.
"Ah hi Mich." Sabi ko.
"Hello! Ikaw si Ruthy di ba?"
"Oo. Bagong lipat ka pala dito."
"Ay oo. Dito lang sa tabi ng bahay niyo ang bahay namin. Palakaibigan kasi ako, kaya gusto ko lahat ng kapitbahay ko, kaibigan ko."
Parang plastik ang ngiti ng Mich na 'to. -,-
"Ah ganon ba? Mabuti yan." Pati ako nagiging plastik na eh. -,-
Papasok na sana ulit ako ng kwarto, nang biglang may sabihin yung Mich kay tita.
"Uhm tita. Kilala mo po ba yung koreanong nakatira sa tapat?"
"Hindi ko alam yung pangalan eh. Pero matagal na namin silang kapitbahay. Bakit mo natanong?"
"Kela kuya Kim Bam po ba yung tinutukoy mo ate Mich? Oo! Koreano sila. Mabait masyado." Sumingit si Fufu.
"Gusto ko lang din po sila maging kaibigan. Pwede po ba yun? Ganon ba Fufu?"
"Oo naman. Ang babait ng mga koreanong yan eh! Kaya lang minsan lang may tao diyan. Madalas kasi silang umalis."
"Ah ganun po ba? Mukhang may tao naman sa kanila ngayon eh. Baka pwede akong pumunta sakanila?"
"Pasama ka kay.... Uhm... Tama! Pasama ka kay Ruthy. Sasamahan ka niya mamaya."
"Ako??!" Gulat na sabi ko.
"Oo. Bakit, may problema ba?"
Opo. Meron po tita. Parang may gusto ata 'to sa isa sa mga koreano dun. Hindi naman siguro yung papa nila. :D
Pero ayoko talagang samahan siya dun. ----,----
"Tita, pwedeng ngayon na po kami pumunta? Excited na po kasi ako eh." Sabi nung Mich.
Aba! Na' excite pa 'tong babaeng 'to. -,- sabi na eh... May gusto 'to sa mga koreanong dun. -.-
"Oh, ngayon na daw kayo pumunta Ruthy." -tita
"Ayoko! Ay bakit ngayon na? Matutulog muna ako tita." Naiinis na ako sa Mich na 'to. -,-
"Maya ka na matulog Ruthy. Mukhang nagmamadali 'tong si Mich eh."
"Saglit lang naman tayo Ruthy eh. Please?" -Mich.
Nakakainis yung mukha niya kasi pa-cute. Grrr! Ewan ko ba kung bakit, basta naiinis ako sakanya. Di ko feel yung aura niya. -,-
Dahil nga sa wala na akong magagawa, sinamahan ko na 'tong Mich kela Kim...
WAIT. KELA KIM???!! KELA KIM BAM DI BA???! :O
bakit dun pa?? :'(
"Teka la--"
"Tao po! Tao po! Tao po!" -Mich
Arf arf arf arf arf arf!
"Ay may aso!!!!" -Mich
"Yan kasi. Sabi ko nang teka lang, nag tao po ka naman agad. Pasalamat ka naka tali yung aso. Kasi kung hindi, baka nalapa ka na niyan." Sabi ko. Nakakainis kasi. ATAT! >.<
"Sinong nandyan? Shut up kimchi!"
Mukhang si Kim yun. Teka. Kimchi? Sino yun? Yung aso? Hahaha. Ayos yung name ng aso ah. XD
"Oh Ruthy. Anong kelangan mo?" Tanong ni Kim sakin. Ang gwapo niya pala? Haha. Ang simple lang niya kasi. Nakaka-Turn On. :))
"Hi Kim! I'm Mich. Nice to see you!" Sabi ni Mich sabay nkipag shake hands kay Kim.
Ehem ehem. Parang i smell something fishy. May gusto talaga ata 'tong Mich kay Kim.
"Ah hello! Tara pasok muna kayo sa loob." -Kim.
Wow. -Sabi ko sa utak ko.
"Wow!!!" -Sabi ni Mich. Loud speak talaga ah. -,-
Ang ganda naman kasi talaga ng bahay. Masyadong malaki tsaka ang lawak. Malinis. Mabango. Haha.
"Upo muna kayo. Tsaka eto juice. Ano pala kelangan niyo at naparito kayo sa bahay?" -Kim
"Ah kasi..." May sasabihin sana ako nang biglang sumingit nanaman 'tong Mich.
"May girlfriend ka na ba Kim?" Tanong ni Mich.
Napalaki yung dalawa kong mata. Ang kapal naman ng mukha netong babae. FC lang? -,-
"Wala. Hehe. Bakit?" Sabi ni Kim.
"Yes!" Sabi ko.
Whut??? O_O
BINABASA MO ANG
Koreano <3
Teen FictionHindi kami pareho ng lahi. Koreano siya, Pilipino ako. Puti ang kulay niya, kayumanggi lang ako. Minahal ko siya, mamahalin niya rin ba ako?? Imposible, pero pwedeng mangyari. <3