Koreano -- 4 <3

26 3 0
                                    

I like you.

I like you..

I like you...

Nag eecho yung sinabi niya sakin. He likes me? Telege leng he?? Ang bilis naman. Baka lumalandi lang. Baka nangtritrip. Oh di kaya, mali ang narinig ko. Kelangan ko na atang maglinis ng tenga.

"Oh Kim! Si Liam?"

"Oy Faustine! Nasa school. May try out."

"Fufu, magkakilala kayo?" Sisingit ako syempre. Sila na lang nag-uusap eh. XD

"Opo ate. Siya yung sinabi ko sayong koreanong kapitbahay natin. Gwapings noh?" Ngumingisi ngisi si Fufu.

Binigyan ko siya ng eh-ano-naman-look.

"Ah eh, pasok na ko sa loob Fufu. Pumasok ka na rin kung gusto mo. Ba bye Kim!"

"Papasok ka na ate? Eh di ba ililibre pa kita ng halo halo?" -fufu

Kainis ka naman Fufu eh! >,< umiiwas na nga ako sa Kim na yan. Naiilang na kasi ako na ewan! >,<

"Ah eh, ayoko na ng halo halo. Inom na lang ako ng malamig na tubig sa loob. Pasok na ko ah." Para na akong aligaga dito sa pwesto ko.

"Mag halo halo na lang tayong lahat. Libre ko." -Kim

Nagtinginan kami ni Fufu.

"Sige!" -Fufu

"Wag na!" -Ako

Sabay pa talaga kaming nagsalita.

"Uhm, pano ba yan. Gusto ni Faustine mag halo halo. Sumama ka na rin." Sabi sakin ni Kim.

Tumingin ako ng masama kay Fufu.

Huminga ako ng malalim.

"Sige na nga." Napapayag na rin ako.

Akala ko maarte 'tong Kim na 'to. Yung tipong hindi kakain ng fishball at kwek kwek sa tabi tabi. Yun pala, mas malala pa siya kesa kay Fufu...

"Kuha lang! Ako naman magbabayad eh!" Sabi ni Kim sabay kain ng isang buong kwek kwek.

Yung halo halo, nauwi sa food trip. Nag halo halo na kami, eh nakakita si Fufu ng manong na nag fifishball. Nag request pa siya kay Kim na bumili nun. Uto uto naman 'tong si Kim. -,-

Pero aaminin ko...

Nag eenjoy ako.

Ang saya kasama nitong si Kim Bam.

Nakalimutan ko tuloy ang galit sa mga kalahi niya.

Ewan ko kung bakit...

"Kim, salamat sa biglaang food trip ah?" -Fufu.

"Bakit hindi ka man lang nag kukuya sakanya? Mas matanda siya sayo." Sabi ko.

"Okay lang yun ate rurut." Sabi ni Kim, at nagulat ako nang bigla niya akong akbayan.

Dikit na dikit kami...

Naamoy ko yung mabango niyang kilikili...

Ang bango niya...

Mukhang naiihi ako...

O kinikilig lang ako??

Hindi pwede 'to... ~_~

"Ah he he he. Kuya Kim." Sabi ko. Feeling ko namumula ako.

"Ate rurut ba't namula ka?" Sabi ni Fufu.

"Ako??! Namumula?? Hi...hindi naman eh." Yumuko ako.

"Namumula ka eh!"

"Hindi nga kase! Hahahahahaha!"

Koreano &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon