Kumain kaming tatlo sa hapagkainan nila. Ang sarap daw ng adobo ko sabi ni Kim. Sabi naman ni Mich, medyo maasim daw. Haler? Maniwala ako sakanya. Eh sakto nga lang yung suka na nilagay ko eh. Marunong akong tumantiya ng lasa. Ang sabihin lang niya, nasarapan siya sa linuto kong adobo.
"Ang sarap! Ilang beses ba akong bumalik sa rice cooker? 5 beses ata? Hahaha." Sabi ni Kim.
"Ako nga 3 beses eh. Mas lalaki ang bilbil ko. Wahaha." Sabi ko naman.
"Hindi naman masarap eh." Mataray na sabi ni Mich.
"Kaya pala. Eh limang beses ka rin atang bumalik sa rice cooker eh! Ikaw kaya ang naka-ubos ng kanin. Hindi ka pa nasarapan sa lagay na yan ah? Hahaha." Pang-aasar ko.
Inirapan niya lang ako. Hahahaha. Naasar ata. XD
Pagkatapos kumain, nag volunteer si Mich na siya daw ang maghuhugas ng mga pinggan. Aba aba. Yan ba ang epekto pag nakakain ng adobo ko? Biglang bumabait? Hahaha. Good girl. XD
Nanood muna ako ng tv. Este, nanood ako sa flat screen tv. Wiee! Ang yaman! *O*
"Ruthy, pwede ba tayong mag-usap?" Umupo sa tabi ko si Kim.
"Pwede na pwede." Pinatay ko yung tv. I mean, yung flat screen tv. XD
"Ano naman yung pag-uusapan natin??"
"Uhm, may boyfriend ka ba ngayon?"
"Hmm, ngayon wala. Pero baka bukas meron na. Hahaha. Biro lang! Syempre wala noh. Wala namang nanliligaw sakin eh. Wala pa nga rin akong naging boyfriend. Natatakot kasi ako, baka matulad ako sa sitwasyon namin ngayon ni mama." Bigla akong nalungkot.
"Pwede ka bang magkwento?"
"First love ni mama si papa. First boyfriend, first kiss, first sa lahat-lahat! Kaya lang iniwan niya kami. Sumama siya dun sa malanding koreanang babae. Nakakainis siya!"
Bigla namang tumitig sakin si Kim na parang poker face ang mukha, na parang walang expression. Ewan! Di ma-drawing yung mukha niya...
"Ah hehe. Sorry Kim. Yung babae lang naman yung malandi, hindi lahat ng koreanang babae. Hehehe." ^-^\/
"Okay lang. Hindi naman malandi si mama."
"Hehehehe. Sorry talaga Kim." ^-^\/
"Okay lang. Ipagpatuloy mo na yung kwento mo."
"Yun nga. Siguro naakit si papa dun sa koreana, kaya iniwan niya kami at sumama dun sa kabit niya. Di niya man lang naisip na may maiiwan siyang pamilya. Nasaktan si mama ng sobra. Dumating yung time na parang halos magpakamatay siya dahil sa ginawa samin ni papa. Buti na lang nakausap ko siya ng mahinahon, at naka move-on din siya makalipas ng ilang buwan. Kaya ayokong magmahal, kasi ito ang tumatatak sa isipan ko. Baka iwan din ako ng lalakeng mamahalin ko...~" Ang haba naman ng speech ko. Parang SONA ko lang. XD
"Hindi naman pare-pareho ang mga lalake eh. Iba ang papa mo, iba rin ako..."
"Ha?" Ano daw?
"Kapag ba may umamin sayong gusto ka ng tao, anong gagawin mo??"
"Uhm... Siguro bibigyan ko siya ng chance. Gusto ko muna siyang makilala ng lubusan. Bakit?"
"Gusto kita Ruthy..."
\( OoO )/ waaaaah? Ehhh? Seryoso ba siya sa sinabi niya?? Di ba siya nag jo-joke???
Tiningnan ko siya. Inisip ko lahat ng nangyari kanina. Para kasing sobrang haba ng araw ng 'to. Sobrang dami nang nangyari ngayong araw. Parang ayaw matapos...
Sasabihin ko sanang gusto ko muna siyang makilala ng lubusan, nang biglang...
"Tapos na ako!!!" \[^-^]/ -Mich
"Oh, tapos ka na pala. Hehe." Tumayo ako tsaka lumayo kay Kim.
"Anong ginagawa niyong dalawa??"
"Ah wala wala!" -Ako
"Umaamin ako sakanyang gusto ko siya..."
Yung expression ni Mich, hindi na maintindihan. Para siyang nasaktan, na parang nawasak yung heart, na parang iiyak, magwawala, sasabunutan ako, hahampasin ako ng tubo, sasaksakin ng... Oh, tama na. Masyado ka nang brutal Ruthy.
Umiyak na nang tuluyan si Mich. Nagulat ako, kasi yung iyak niya, walang halong biro. Hindi pilit, hindi scripted. Naramdaman kong nasaktan siya sa narinig niya...
"Sorry kung nasabi ko yun Mich. Hindi ko intensyon na--" -Kim
"Okay lang. Naiintindihan ko. Tatanggapin ko na lang na hindi talaga ikaw ang para sakin. Sorry kung na sira ko pa ang araw niyo." Lumabas ng bahay si Mich. Nabalot naman ng katahimikan ang buong bahay. Kaming dalawa lang ni Kim ang andito.
"Ruthy..."
"Ayoko Kim... Sorry." Umalis na ako sa bahay nila.
Pumasok agad ako sa kwarto ko. Buti hindi ako napansin nila tita na dumating, kasi nanonood sila ng movie. 3D, kaya masyadong tutok sa pinapanood. Ni-lock ko ang pinto ng kwarto ko.
Kinuha ko ang cellphone ko, at nag FB. Buti na lang nag load ako na may free FB. Sinearch ko yung pangalan ni Kim. Ang daming lumabas, kaya sinikap kong tingnan isa-isa kung asan yung account niya. Matapos ang 17 na Kim Bam, nahanap ko rin yung kanya...
Ang pogi niya sa DP niya. Para siyang naka-pout. Stolen, kaya mas lalong pogi. Clinick ko, at nakita kong may 2,503 likes ang photo niya. Grabe, siya na.
"Alam mo, ang pogi mo." Kinakausap ko yung mukha niya sa cp ko.
"Kaya lang hindi ako naniniwalang gusto mo ako."
"Matagal ka nang gusto ni Kim, ate Rurut!"
Nabitawan ko bigla yung phone ko.
"Sino yun???!"
Nagulat ako nang may biglang lumabas sa ilalim ng kama ko.
"Ay Fufu!!! Anong ginagawa mo sa ilalim ng kama ko ha???!!!"
"Gumulong kasi yung laruan ni Bibi dito sa ilalim ng kama mo. Sumilong ako, at di ko na namalayan na nandito ka na pala. Ang dilim-dilim dito sa ilalim ng kama mo ate!"
"Malamang! Alangan namang maglagay pa ako ng bombilya diyan sa ilalim ng kama ko!"
"Ate, umamin na ba sayo si Kim??"
"Alin?"
"Na may gusto siya sayo..."
"Anong nalalaman mo ha??"
"Marami akong alam. Sobrang dami kong alam."
"Magkwento ka dali!"
"Ganito kasi yun....."
BINABASA MO ANG
Koreano <3
Teen FictionHindi kami pareho ng lahi. Koreano siya, Pilipino ako. Puti ang kulay niya, kayumanggi lang ako. Minahal ko siya, mamahalin niya rin ba ako?? Imposible, pero pwedeng mangyari. <3