"Ah ate. Ano kase. Wala po akong dalang pera ngayon." Napayuko ako sa sobrang hiya ko.
"Pano yan ate, eh hindi naman ako ang may-ari ng karinderyang 'to. Nagtratrabaho lang po ako dito. Hindi ko pwedeng bayaran ang kinain mo."
"Ate, may pera naman ako eh. Pwedeng bang umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng pera? Malapit lang naman eh. Tsaka babalik talaga ako. Promise!" Yung kaliwang kamay ko naka pangako sign. Alam niyo yun? Yung parang nanunumpa.
"Teka ha. Tanungin ko muna si tiyang. Mabait naman yun eh. Pwedeng paki-usapan."
"Okay sige po ate."
Napahinga akong malalim.
"Grabe, nakakahiya 'tong ginawa ko." Sabi ko sa sarili ko tsaka napa face palm ako.
Hindi ko naman sinadya 'to eh. Hindi naman ako natutulog na may pera sa loob ng bulsa. Mamaya maglalagay na ako ng pera sa bulsa ko para incase of emergency. Haaay. Nakakahiya talaga. +.+
"Ate pwede ka na pong umuwi."
Napatingala ako.
"Pwede na kong umuwi para kumuha ng pera??"
"Hindi na po kelangan ate. May nagbayad na po sa kinain mo."
O__O
May nagbayad?
"Sino naman?"
"Ayaw niyang ipasabi kung sino siya eh. Sorry po."
"Ah sige po. Pag makita niyo po siya ulit, pakisabi thank you. Salamat!" Umalis na ako sa karinderyang yun.
Sino naman kaya ang magbabayad nung kinain ko?? Hindi naman pwedeng si Fufu. Walang pera yun! Tsaka hindi nama niya alam na andito ako eh. Isa pa, wala naman akong kakilala dito bukod kela tita tsaka sa mga pamangkin ko. Naging isang malaking palaisipan tuloy 'to sakin. Chos, palaisipan. San kaya galing yun? XD
"Uy."
"Ay palaisipan! Ano ba fufu!" Sabi ko.
"Anong palaisdaan? San ka galing ate?"
"Hahahaha palaisipan, hindi palaisdaan. Haay, sa karinderya kumain lang."
"Bakit hindi ka man nagpasama sakin ate?"
"Lalaki ang gastos ko. Haha." Kunwari na lang walang nangyari. X)
"Laro tayo maya ate."
"Laro? Laro ng ano?"
"Ay mali! Mag bi-bike ka, mag sco-scooter ako. Payag ka?"
"Hmm, pwede naman. Pero maya na. Pag bababa na si mr. sun."
"Okay! Tara nood tayong movie ate."
"Movie marathon nanaman. Haha. Sige."
Yun nga ang ginawa namin. Movie marathon hanggang mag tanghalian. Yesss! Makakakain na ako ng walang mapipirwesyo. -_-
Sa hapagkainan...
"San ka kumain Ruthy?" -tita
"Ah, diyan lang po sa malapit." -ako
"Sang malapit? Ang daming karinderyang malapit dito eh."
"Ay ewan ko po! Basta nakakain ako kanina. Hehe."
"Ikaw talaga."
"Ay ate rurut! Nood tayo ng paborito kong movie." -Fufu
"Pass muna ako fufu. Matutulog ako pagkatapos eh. Gisingin mo na lang ako pag lalabas na tayo. Okay?"
"Oaky po ate."
Pagkatapos kong kumain, natulog nga ako. Iniisip ko kung sino ang nagbayad kanina. Malakas ang kutob kong lalake ang nagbayad. Malay mo may gusto sakin. Malay mo stalker ko. Malay mo...
IM ON DREAMLAND...
BAWAL ISTORBO...
"May sunog!!! May sunog!!!"
"Sunog!! Asan sunog??! Asan??"
"HAHAHAHAHAHA."
( -_____________________-" )
"Nakakainis ka Fufu." -ako
"Eh ang hirap mong gisingin ate eh! Kanina pa kita ginigising. Sunog epek lang pala ang katapat mo ah."
"Ayoko nang mag bike."
"Hala! Ate rurut naman oh. Kaya nga kita ginising kasi lalabas na tayo. Ikaw pa nga nagsabi saking gisingin kita paglalabas na tayo."
"Eh sumakit na ulo ko eh."
"Hmmm. Libre kitang halo-halo. Gusto mo?"
"Tara na!"
Aba! Kung libre lang naman ang pag-uusapan, di ako pahuhuli diyan! Mukhang kanina pa ako nalilibre ah. Wala pa akong ginagastos. Okay nga yun eh! Hihi. ^-^
Lumabas na kami tsaka kinuha ni Fufu yung scooter niya. Kinuha ko naman yung mountain bike. Ang taas ah. Buti abot ko.
"Ate paunahan! Hanggang dun sa dulo!" Sabi ni Fufu.
"Sige ba!"
Hindi ba masakit sa binti yung scooter? Mukhang hindi ako kakayanin ng scooter eh. Haha.
Akala ko mauunahan ko si fufu. Pero sa sitwasyon namin ngayon, tuluyan na niya akong naunahan. Di ko siya makita, kasi near sighted ako. Babalik na nga lang ako. Hintayin ko na lang si fufu sa labas ng bahay. Di ko kaya kabisado ang mga pasikot sikot dito. Mahirap na.
Gaya nga ng sinabi ko, bumalik na lang ako. Andito na ako sa tapat ng bahay namin. Umupo lang ako sa may semento.
Nagpapahangin lang...
Chill chill lang...
Relax relax...
"Ay sorry miss!"
O.o huh? <-- ako
"Sorry miss ah. Nabasa ka ba?"
"Uhm, hindi naman po eh. Wala nga po akong naramdaman."
"Ah buti naman. Kim nga pala." Nakikipag shake hands siya.
"Ruthy." Nakipag shake hands na lang ako. Hindi ako snob noh.
"Pwede bang tumabi? Usap muna tayo." Sabi nung Kim.
"Sure. Pero mukhang may ginagawa ka eh."
"Ah wala wala. Tapos na ako. Uhm, ano ba fullname mo?"
Tanong lang ng tanong 'tong Kim. Koreano ata 'to eh. Maputi, singkit, medyo makapal ang kilay. Mapula ang lips. Medyo payat. Ganitong lalake ang gusto ko eh. Kaya lang koreano. Naalala ko tuloy yung walang hiya kong papa. Tsk!
Ang ganda niyang ngumiti. Hindi naman ata siyang masamang tao eh. Mabait naman siya. Kaya lang ang daldal. Hindi nauubusan ng tanong. Medyo makulit pa. Hindi ako naboboring sakanya. Ang saya ng ganito. :)
"Ano, wala ka nang matanong noh?" Tanong ko sakanya. Bigla kasi siyang tumigil.
"Haha. Wala na eh. Pero makakaisip din ako maya-maya. Ikaw, may itatanong ka ba?"
"Ano ba fullname mo?" -ako
"Kim Bam."
"Kim Bam? Hindi Kim Bum? Yung cute na sikat. Yung isa sa cast ng boys over flowers."
"Hahaha. Syempre hindi. B-a-m yung akin, sakanya naman B-u-m." Inispell niya talaga.
"Ah. Koreano ka di ba?"
"Hindi ba halata? Umiitim na ata ako kaya hindi na halata."
"Maitim ka pa sa lagay na yan??! Nako, hindi pa nga ako kumalahati sa puti mo eh."
"Hahahaha."
"Tingnan mo oh, ang itim ko." Tas idinikit ko sakanya yung braso ko.
Bigla siyang tumingin sakin.
"I like you..." Sabi niya.
O__________O
BINABASA MO ANG
Koreano <3
Teen FictionHindi kami pareho ng lahi. Koreano siya, Pilipino ako. Puti ang kulay niya, kayumanggi lang ako. Minahal ko siya, mamahalin niya rin ba ako?? Imposible, pero pwedeng mangyari. <3