"Ganito kasi yun... Unang bakasyon mo pa lang dito sa bahay, nagkagusto agad siya sayo. Lagi ka niyang nakikitang nakikipaglaro sakin. Nung umuwi ka na sa inyo, tsaka niya sinabi sakin na may gusto siya sayo. Gusto niyang umamin sayo, kaya lang wala ka na dito. Ang tagal niyang naghintay sayo, kaya lang, nung sumunod na bakasyon mo dito, nasa Korea naman sila. Hindi na niya natuloy ang pag-amin niya sayo." Kwento sakin ni Fufu.
"Bakit hindi mo sinabi sakin noon pa??!"
"Kasi gusto niyang siya mismo ang magsabi sayo."
"Oh, ano nang plano niya ngayon?"
"Ako dapat ang magtanong sayo niyan. Ano ang plano mo ngayong umamin na siya sayo??" Eto na si lolo Fufu. Nag aala'45 years old nanaman ang utak neto. Pero okay nga eh. May matino akong makakausap ngayon.
Napabuntong hininga ako...
"Hindi ko alam Fufu..." Yumuko ako.
"Aminin mong nagugustuhan mo na rin siya."
"Nakakainis ka Fufu! Para kang hindi si Fufu! Para kang si Faustine! Bakit ganyan ka magsalita?! Para kang matanda! >,<'"
"Ayoko kasing masaktan ang kaibigan ko. Kaya nga hindi ko siya kinukuya, kasi mas matured pa ako mag-isip sakanya. Ako ang nagbibigay ng advice sakanya, ako ang nagpapayo sakanya. Ngayon, ako naman ang magpapayo sayo..."
Kinuha niya ang kamay ko, at inilagay sa dibdib ko.
"Alam kong nagdadalawang isip ka sa nararamdaman mo, dahil Koreano si Kim. Kalahi niya ang nanakit sa damdamin ng mama mo, pati sa damdamin mo. Pero lagi mong tatandaan, hindi lahat ng tao pare-pareho..."
Tagos sa dibdib ko ang mga words of wisdom ng pamangkin ko. Akalain mo, pamangkin ko pa mismo ang magbibigay ng payo sa tita niya. Amazing!
Walang halong biro, tumagos sa isip at puso ko ang mga narinig ko. Di ko na kinaya, niyakap ko si Fufu, at umiyak...
"Hindi ko alam kung ikaw pa ba ang pamangkin ko, pero tama ka. Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari samin ni mama. Hindi ko alam ang gagawin ko Fufu. Huhuhu!"
"Sulitin mo na lang ang bakasyon mo dito ate Rurut!" Humiwalay siya sa pagkakayakap.
Nakita kong nakangiti sakin si Fufu.
"Tama ka Fufu! Kelangan kong sulitin ang bakasyon ko dito kasama si Kim!.... At mas lalo nang susulitin ko ang bakasyon ko kasama kayo nila tita!" ^_^
"Yehey! Magpapakasaya ka dito ate Rurut! Tsaka, andito naman ako lagi na gagabay at magpapayo sayo."
"Opo, lolo Faustine. Hahahaha!"
"Labas na nga ako! Ang init na nga sa ilalim ng kama mo, pati kwarto mo ang init ate!"
"Wala kasing aircon!"
"Arte mo ate!"
"Hahahaha!"
Ayun na nga. Sinunod ko ang sinabi sakin ni Fufu. Nagpakasaya ako kasama si Kim pati sila tita. Binigyan ko ng chance si Kim. Sinabi ko rin sakanyang gusto ko pa siyang makilala ng lubusan. Sinabi niya rin naman saking, kaya niyang maghintay, at mas okay nang makilala pa namin ng husto ang isa't-isa.
Kasama na rin namin si Mich kapag may outing ang pamilya kasama si Kim. Nakakaawa naman kung hindi siya isama. Hahaha! Biro lang! Ayos na kami ni Mich. Tanggap niya na rin ang estado namin ni Kim. Wala na naman daw siyang magagawa.
Minsan, kasama namin ang sumunod na kapatid ni Kim. Yung kasing-edad ni Fufu. Ang saya lang, kasi nasusulit ko na nga ang bakasyon ko.
At kung kelan naman sumasaya ako sa bakasyon ko, tsaka naman bumibilis ang panahon. Dalawang linggo na lang, magpapasukan na. Uuwi na ako samin...
At ang masaklap, hindi pa alam ni Kim na uuwi ako samin... Magagalit kaya siya sakin??
"Lutuan mo ako ng adobo, hon..." Sabi sakin ni Kim. Andito kami ngayon sa roof top nila. Nasa baba kasi yung parents niya. Nakakahiya nga eh. Hihi! Pero kilala na ako ng pamilya niya. At boto sila sakin. Wieee!~
"Manahimik ka nga! Wag nga kasing hon ang itawag mo sakin! Ang baduy! Tsaka hindi pa kita sinasagot!"
"Anong gusto mo, baby? Honeybunch? Babe?"
"Ruthy na lang! O di kaya, Rurut na lang."
"Baby Rurut na lang..." Nilagay niya yung ulo niya sa balikat ko.
"Oy oy oy! Chansing ka nanaman."
"Ay sorry!" Inalis niya yung ulo niya, tas inakbayan niya naman ako.
"Ano ba!" Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko.
"Hehehe! Naglalambing lang naman ako eh."
"Ayoko kasing naaamoy ko yung mabango mong kilikili! Na-iinsecure ako! Para kasing naka-perfume yung kilikili mo!" Nag-pout ako.
"Hahaha! Ikaw talaga!" Hinawakan niya yung kabilang balikat ko, tsaka nilagay niya ulit yung ulo niya.
"Haaaaay... Magpapasukan na pala." Sabi ni Kim habang nakatingin sa malayo.
Naalala ko tuloy na hindi pa pala alam ni Kim na uuwi na ako next week. Pano ko ba sasabihin 'to sakanya??
"Ahm, Kim??" -Ako
"Yes honey?"
Sinapok ko siya.
"Hehehe, joke lang naman. Ano yun?"
Huminga ako ng malalim.
"Uuwi na ako samin next week." Yumuko ako.
"Oh, ba't parang malungkot ka? Ayaw mo nun, uuwi ka na sa inyo?"
Napalingon ako agad sakanya.
"Hindi ka galit???"
"Syempre hindi. Bakit naman ako magagalit??"
"Kasi hindi ko sinabi sayong uuwi na ako samin."
"Kahit hindi mo naman sabihin saking uuwi ka, alam ko na yun. Nagbabakasyon ka lang dito sa tita mo. So ang ibig sabihin, uuwi at uuwi ka rin."
"Oo nga noh? Ba't di ko naisip yun? Hehehe."
"Ikaw talaga honey! Hatid kita sa inyo pag uuwi ka na. Ipakilala mo na ako kay mama." ^___^
Sinapok ko ulit siya.
"Seryoso ako Ruthy..." Yung tono niya biglang nag-iba.
"Ipapakilala kita kay mama pag sinagot na kita, okay?"
"Okay!" ^_____^
Kim tagala oo... Kung di ka lang gwapo. :p :D
BINABASA MO ANG
Koreano <3
Teen FictionHindi kami pareho ng lahi. Koreano siya, Pilipino ako. Puti ang kulay niya, kayumanggi lang ako. Minahal ko siya, mamahalin niya rin ba ako?? Imposible, pero pwedeng mangyari. <3