Chapter 2

308 7 4
                                    

Hi, magigng racist muna ako ngayon ha.. Sa mga fans ni Devon please don't get mad at me dahil fan rin niya ako. I'm her no. 1 fan. I hope you enjoy.

James’ POV

"Hey, you, spoiled brat", tawag niya kay Devon. 

"I will wait for the day that you will win", sabi niya dito mas lumapit pa siya lalo dito. "But I think that day won't come", sabi niya sabay talikod

Hindi naman siya ang type na papatol sa tatrums ni Devon pero hindi na niya mapigilan kanina ang inis sa malaking bunganga nito.

Inis na inis talaga siya dito simula noong grade 1 pa sila. Ok naman ito kung walang tantrums. Palakaibigan at masayahin. Masyado nga lang itong spoiled brat nagtatantrums kung hindi nakukuha o nasusunod ang gusto nito. Ang sarap ipasok sa loob ng isang space ship at papuntahin sa outer space at hindi na pabalikin sa Earth kahit kalian. Naalala pa niya noong grade 1 sila...

Flashback

“Ma’am, I want to play the role of Snow White in our play”, sigaw ng batang si Devon.

“Sorry Devon, but we have chosen Trisha to play that role already, she suits the role”, paliwanag ng teacher niyang si Ms. Mariel. “But don’t worry you will still get the most important role in the play”, patuloy ng guro.

“Ano po iyon Ma’am?”, tanong niya habang pinupunasan ang luha sa mga mata.

“Ahmm, you will be playing the role of the witch who gave the apple to Snow White”, sagot ng kanyang guro

“What? This face? Magiging Witch?”, sigaw niya at mas lalo pang umiyak.

HAHAHHAHAHAHAH....tawanan ng kanyang mga kaklase na tahimik lang na nakikinig kanina.

“SHUT UP!”, sigaw ni Devon

“Ok lang iyan Devs, bagay naman kay Trisha na maging Snow White eh, maputi kasi siya tapos ikaw hindi ka naman maputi di ba?”, painosenteng sabad ni Sam habang ngumunguya ng kanyang snacks. Recess na kasi ng mga oras na iyon kaya sila lang mga boys sa loob at si Devon.

HAHHAHAHHAHA...tawanan ulit.

“Oo nga, Devs, anong gusto mong version ng Snow White natin ha? Black version?”, natatawang sabi ni Armand.

Nagtawanan ulit lahat.

“Ok guys, tama na iyan huwag ninyo nang asarin si Devon”, sabi ng guro sabay lapit kay Devon para patahanin.

“Basta Ma’am, I want to play as Snow White”, sabi nito sabay tayo. “I’m going to tell my Mom that I want to be the Snow White”, sabay march palabas ng classroom.

Naiiling na lang ang kanilang guro.

At dahil kaibigan ng kanyang Mommy ang may-ari ng school ng aming kaya hayon at siya ang naging Snow White. Nakakatawang Snow White. Dahil hindi kasing puti ng Snow ang balat.

“Spoiled brat talaga”, sabi ko sa sarili ko habang umiiling. Hababg isinasayaw si Devon ako kasi ang gumanap bilang Prince Charming nito. Nakakainis! Hindi kasi ako makatanggi kay Ma’am Mariel.

Kaya simula noong inis na ako sa kanya.

End of Flashback

“Hoy, anong problema mo ha. Bakit ang tahimik mo”, nagtatakang tanong ni Nadine sa kanya.

“Wala” – ako

Nandito kami ngayon sa Canteen at kumakain ng lunch namin. Kami parati ni Nadine ang magkasama kasama ang ibang mga boys maliban kay Sam. Parati kasing sunod ng sunod kay Devon iyon. At dahil rin sa spoiled brat na iyon kung bakit kami naging close ni Nadine.

Transferee pa lang si Nadine noong grade 4 kami nang nasubukan niya ang pagiging spoiled brat ni Devon.

“Excuse me, I think you’re sitting on the wrong place”, maarteng sabi ni Devon sa bagong estudyanteng si Nadine. Kasama niya sina Trisha, Beauty at Bea. Magkakaibigan talaga pare-parehong brat.

“Ha? Wala namang bag dito kanina ah, kaya naisipan kong dito na lamang umupo”, sagot ni Nadine habang nakayuko.

“Well, for your information sa akin na talaga ang place na ito kaya umalis ka dyan kung hindi isusumbong kita kay Ma’am” – Devon at nakapamaywang pa.

“Hoy, spoiled brat, kabago-bago noong tao ganyan ka na agad”, sabad ko dahil naaawa ako sa new classmate ko. Spoiled brat na talaga ang tawag ko kay Devon mula grade 1 kami pero hindi naman siya nagagalit sa akin kaya nadala ko na talaga ang tawag na iyon.

“Ah, dito ka na lang sa tabi ko may bakante pa naman eh”, patuloy ko sabay turo sa vacant chair na katabi ko. “At ayaw ko ring makatabi ang spoiled brat na iyan”

Irap lang ang sagot ni Devon sa akin. Bahala siya.

Nagpapasalamat naman ako ng kaunti sa pagiging spoiled ni Devon dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ko magiging close si Nadine.

Ang ganda kaya niya. Maputi, mabait, hindi nga lang ganoon katalino sa klase pero ok lang iyon kaysa naman sa kasamaan ng ugali ng spoiled brat na iyon.

“Hoy, tulala ka na naman”, pagputol uli sa akin ni Nadine. “Nakikinig ka ba sa akin ha, James?”

“Ah, oo naman”, pagsisinungaling niya. “Ano ngang sabi mo?”

“Ang sabi ko, ang gwapo mo”

Nag-blush naman ako doon. Ako gwapo? Hindi naman masyado. Pero ang saya ko crush ko kasi si Nadine eh.

“Naniwala ka naman?” – Nadine at tumatawa pa

“Ha?” – ako

“Ito talaga hindi nakikinig. Ang sabi ko akyat na tayo. Tapos na ang Lunch Break”, nauna itong tumayo.

Nakasunod lang ako sa kanya.

“Akala ko nagagwapuhan siya sa akin”, bulong ko

“Anong binubulong-bulong mo diyan?

“Wala”

“Sige na nga gwapo ka na. Promise”, sabay raise ng right hand niya.

Natawa na lang ako. Ang cute niya talaga pero hindi pa pwedeng sabihin bata pa kasi kami grade 5 pa lang. Later na lang. When the right time comes.

“Tara na nga”, sabi ko sabay akbay sa kanya.

My Love is a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon