DEVON’S POV
“Devon, sigurado ka bang darating si James ngayon para sa practice natin?”, tanong sa akin ni Yeng, ang kasama ko sa choir.
First time namin ngayon na magpractice para sa aming mga kanta sa choir na kasama si James. At heto late na siya ng 15 minutes. Hindi pa naman talaga gaanong matagal kaming naghihintay pero kasi ang grupo namin ay sanay lagi na on-time dapat ang mga practices at iyon ang sabi sa amin ni Kuya Enrique. OC nga iyon di ba ? Pero heto ngayon ang magaling na James na iyon late na, dapat 6:00pm ay start na dapat para makauwi agad ng mga 8:00pm at dahil wala pa si James ay ewan ko na lang.
“I’m sure darating iyon, he promised me”, sabi ko na nag-aalala rin. “I reminded him kanina sa school”,sabay kuha ng phone ko baka sakaling nag-text siya sa akin. Pero wala talaga eh.
Yes, I have James’ number. We exchanged numbers kanina para lang dito sa practice na ito. Pero wala ni isa mang text galing sa kanya. I texted him for the nth time already pero ni isang reply ay wala. Nakakainis bakit pa siya nag cellphone kung hindi naman siya magrereply.
“Bakit wala pa siya hanggang ngayon? Late na siya ha”, tanong ulit ni Yeng. Hindi rin ito mapakali kasi OC rin ito katulad ni Kuya Enrique.
“I don’t know”, mahina kong sagot. "Nakakainis ka James. Hindi ka ba talaga tutupad sa usapan?", inis kong bulong sa isip ko.
“Pakitawagan naman, Devon, please”, singit ng isa kong kagrupo.
“Ok, sige”, sabay hanap sa contacts ko ng name ni James.
Pero bago ko pa napindot ang call button ay may nagbukas ng pintuan ang center kung saan kami magpapractice. Napalingon kaming lahat sa pintuan.
“Good evening, everybody!”, bati ng taong kadarating pa lamang. He waved his hand in the air. Naka-smile pa ito sa amin na animo hindi late.
Naglakad ito palapit sa amin. Nakasuot ito ng jeans, blue t-shirt, blue rubber shoes at naka blue cap pa ito. Ang gwapo nito. At parang ang bango nitong tingnan. Bakit mas lalo ito guma-gwapo sa bawat araw na nakikita ko siya. Bigla na namang bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa pagkakakita ko sa kanya. At ang inis ko kanina ay bakit bigla nalang nawala nang makita ko siya.
“You’re staring at me again”, bulong niya sa akin sabay beso pa. Nag-init na naman ang mukha ko. Bakit ba ako naapektuhan ng ganito? At hindi pa ako nagkamali dahil ang bango talaga nito.
“You...you’re late”, bulol-bulol kong sabi. Tinalikuran ko pa.
“Sorry guys, bumili pa ako ng dinner natin”, sagot nito at lumapit na sa piano. “Nakasunod na sa akin ni Manong iyon”, umupo na ito.
“Hindi ka na sana nag-abala James”, sagot ni Yeng na nakangiti na. Kung kanina parang hindi maipenta ang mukha nito ngayon ay relief na ito. Nakarinig lang ng pagkain ay nagliwanang na ang mukha.
“Ok lang”, sagot nito na nakangiti. “So shall we star?”, tanong nito na tiningnan ako. Umiwas tuloy ako ng tingin.
“Ok”, maikli kong sagot.
At pumwesto na kami para magpractice. Nag-vocalization muna kami. And in fairness magaling talaga si James. OC din pala ito. Gusto nito na perfect ang pagkakanta namin at kung feel niya na hindipa okay iyon ay sinasabi niya sa amin at tinuturuan para mas maging maganda ang kanta namin.
Tinuruan rin niya kami ng mga bagong kanta. Aba at naghanga pa talaga ito. Hindi na ako mapapahiya sa mga kasamahan ko dito. At mukha namang nag-enjoy ang mga kagrupo ko sa bago naming pianist.
The practice went well. Kahit na medyo late kami ng kaunti ay natapos pa rin kami at exactly 8pm
At nang matapos kami ay sabay-sabay naming kinain ang dinalang pagkain ni James.
BINABASA MO ANG
My Love is a Star
FanfictionSa tingin ninyo ay tungkol sa alien ang story na ito? Hindi ha. Ito ay story ni Devon Mae Seron at ng kanyang ultimate crush mula noong grade 5 pa lang sila na si James Reid. "Star" ito sa sa karamihan dahil sa katalinuhan nito, magaling ito sa laha...