Chapter 5

231 8 2
                                    

James’ POV

At dahil friends na daw kami ng spoiled brat eh mas naging madali sa akin ang pagpapractice para sa inter-school competition sa Basketball at ang pagrereview sa Quiz Bee.

At nalaman kong ok din naman siya. Sweet ito, mabait paminsan-minsan kapag walang tantrums. Hanggang sa matapos ang one month of review.

Araw na ng Quiz Bee. At dahil brat ang kasama ko hayun at late ito. Dumating ito nang tawagin ang pangalan ng school namin. Parang sinadya talagang magdramatic entrance nito. Pakaway-kaway pa habang pumupunta ng stage.

“Sorry, I’m late”, sabi nito sabay smile nang tumabi sa akin.

“Sana hindi ka na lang dumating. Mananalo ako kahit wala ka”, sabi sabay smile. Syempre joke lang iyon. At sanay na siya roon.

“If I know kinabahan ka kanina na hindi ako darating dahil hindi mo man aminin kailangan mo rin ako no.”

“Hahahahahah,,,”,

Natapos rin ang quiz bee at naka-first place kami. Magaling rin naman sa Math si Devon. Mas magaling pa nga ito kaysa kay Sam eh. Mas marami ang naitulong nito kaysa kay Sam noon. Focused talaga ito sa pagsolve ng mga problems. Halos magkapareho lang ang percentage ng effort ang naibigay namin para makuha ang first place. Ito ang magandang katangian niya na kung ano ang gusto niya kinukuha niya pero minsan nga lang nagiging sobra kaya nagiging brat na siya.

“Wow!, Congrats baby”, sabi ng mommy ni Devon sabay halik sa anak. “Congrats din hijo ang galing-galing mo kanina”, sabay tingin sa akin

“Thank you po tita” – ako

“At dahil diyan, ililibre ko kayong dalawa pati na rin si Ms. Bianca”, pahayag nito

“Huwag nalang po tita, ok lang ako” – ako

“No, I insist”, sabi nito. Para itong si Devon.

At wala na akong nagawa at pumunta kami sa isang pizza parlor at kumain. Nakita kong close na close si Devon sa mommy niya. Naiinggit tuloy ako dahil busy ang Mommy at Daddy ko parati sa mga negosyo nila. Nakalimutan na siguro nilang may anak sila. Pero ang parents ni Devon parating present sa mga activities ng school naming. Kung may bagay na talo ako kay Devon eh ito iyong pagmamahal ng parents niya sa kanya.

“Oh, hijo, don’t be shy ha, kain lang ng kain para tumaba ka ang payat-payat mo na oh”, sabi nito sabay tap ng shoulders ko.

“Oo nga, James, ang payat mo na oh”, hirit naman ni Devon sabay tawa.

“Sige po tita, thanks po” – ako. Tiningnan ko na lang si Devon.

At kahit na natapos na ang aming review ay naging magkaibigan pa rin kami ni Devon hindi nga lang ganoon ka close. Minsan sabay na kaming maglunch kasama syempre si Nadine. Noong birthday niya pumunta rin ako at first time kong pumunta sa party niya kahit every year may invitation letter kaming lahat kasi nga hindi pa kami friends noon ngayon lang kaya umattend ako.

Naging maayos naman ang natitirang araw at buwan ng aming grade 5. Unti-unti kong nakilala si Devon. Hindi ko na nakita ang Devon na may tantrums, ang Devon na palaging may inaapi at ang Devon na palaging nakasigaw sa mga taong nakapaligid sa kanya.  Sana nga lang na kapag grade 6 na kami ay hindi na bumalik ang kanyang dating ugali.

My Love is a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon