Chapter 13

198 8 2
                                    

Tapos na ang imbestigasyon na ginawa sa Guidance office kanina. Hindi alam ni Devon kung paano siya nakalabas ng office na iyon. Hindi na muna siya tumuloy sa kanyang classroom kasi ayaw niyang makita siya ng mga kaklaseng umiiyak. Dinala siya ng kanyang mga paa sa rooftop ng kanilang paaralan.

“God, why is this happening to me? Was I really that mean before for you to punish me like this?”, sabi niya habang patuloy pa rin ang daloy ng mga luha sa kanyang mga mata.

Bumuntong-hininga siya. Trying to breathe kasi parang naninikip na ang dibdib niya dahil sa sama ng loob.

“Paano na ang promise ko kina Daddy at Mommy na magiging Class Valedictorian ako. I’m sure na mababa na ang grades ko sa Character ko.”, nakatingin siya sa langit habang sinasabi iyon. "At paano ko sasabihin sa Mommy ko na suspended ako? For sure kung malalaman niya tiyak na magwawal iyon"

Mga isang oras rin siyang umiyak sa rooftop. Mabuti na lang at walang mga mag-aaral ng dumadaan dito kaya malaya siyang ipalabas ang nararamdaman.

Nang maging ok na siya ay nagpasya siyang bumalik sa classroom nila. Inayos niya ang sarili dahil ayaw niyang kaawaan ng mga classmates niya.

“As if naman maaawa ang mga iyon sa akin”, naiiling niyang sabi.

Bago niya buksan ang pinto ng classroom ay bumuntong-hiniga muna siya. When she opened the door all eyes are on her.

“What happened, Devon?”, tanong ng babaeng classmate niya.

“Eh, ano pa kung hindi inamin na really  niya na she stole my stationeries”, singit ni Nadine na tumayo pa. Nagbulungan ang mga kaklase niya.

“Ano nang manyayari sa iyo, Devon?”, tanong naman ni Ivan na nakaupo pa rin sa upuan ni James.

Tininingnan lang ni Devon ang kaklase.

“She is suspended for a week”, Nakapamaywang na sabi ni Nadine. “Mabuti nga sa kanya”

“Bakit mo ba kasi kinuha ang mga iyon”, pang-uusisa ng isang kaklase. Alam niyang hindi dahil concern ang mga ito sa kanya kung bakit sila nagtatanong.

“Eh, spoiled brat nga di ba?”, singit ng isang kaibigan ni Nadine.

“Magbago ka na kasi para hindi ka na masuspend ulit”, pangangaral naman ni Armand.

Nasasaktan si Devon sa mga narinig. Pero tinimpi lang niya iyon para hindi makapagsalita ng masama.

“Anong magagawa mo only child kasi kaya lahat gustong kunin”, singit naman ng isa pang kaklase.

“Sige itago nyo na ang mga gadgets ninyo dahil baka ang mga iyan naman ang kunin niya”, pagsasalita ulit ni Nadine.

Nagsimula namang ilagay ng bag ng mga kaklase siya ang kanilang mga gadgets. Nakatingin lang si James sa mga ito. HIndi ito gumalaw. 

“Excuse me but I won’t get your cheap gadgets”, nawalan na rin siya ng pasensiya. "At kung kinuha ko man ang stationeries mo Nadine dapat ka pa ngang magpasalamat dahil pinag-aksayahan kong kunin ang cheap mong things. So you better shut up”, hindi na niya napigilang sabi.

“Ang yabang mo ah, akala mo kung sino ka”, umiiyak na sabi ni Nadine.

“Ang OA mo talaga, Nadine, you started it kaya ibinibigay ko lang kung ano ang deserve mo”, nanginginig niyang sabi.

"Mas okay na ang maging OA kaysa maging magnanakaw", nakataas noong sabi ni Nadine

"Oo nga naman Devon", sabi naman ni Armand.

My Love is a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon