Chapter 29

159 9 1
                                    

DEVON’S POV

Sa mga sumunod na mga linggo ay naging busy kami ni James sa mga bagong task namin bilang director at ako bilang assistant director ng Play namin. Yes, napapapayag rin niya akong maging assistant niya. Brat din kasi siya. Kung ano ang gusto niya kukunin din talaga niya.

Kaya ayon parati na kaming magkasama mula sa pagpili ng mga costumes na kakailanganin naming isuot sa mga shooting namin, pag-arrange ng mga kantang gagamitin namin, paggawa ng schedule para sa mga shooting namin hanggang sa location na gagamitin namin. Nagpatulong rin ito sa pagpili ng mga characters sa storty namin. Kaya in just two weeks ay kompleto na lahat nga mga dapat ihanda para sa Play namin.

Plantsado na ang lahat. Ang pag-realize nalang ng lahat ang kulang.  And aside from our school work ay magkasama rin kami during practices sa choir namin. 7 times a week kaming nagkikita. At sa gabi naman magkausap kami sa phone para pag-usapan ang pa ang tungkol sa play or ang tungkol sa mga songs ng choir namin. Sobrang close na namin di ba? Pero hindi rin, bipolar rin kasi si James eh. Napaka-moody. Ngayon mabait ito pagkatapos galit na naman, ewan ko sa lalaking iyon. Parang everyday ay meron ito. Mas malala pa sa isang babae.

“Mabuti na lang at malapit ng bumalik si Kuya Enrique sa choir namin”, nakangiting naisip ko. Hindi naman sa ayaw kong makita si James pero kasi tuwing nakikita ko siya hindi ako makapag focus dahil sa ingay ng dibdib ko. Parang parating gustong lumabas ng puso ko sa tuwing nakikita at napapalapit si James sa akin. Kaya para pagtakpan ang kaba at kilig ko ay nagkukunwari akong naiinis sa tuwing iniinis ako nito.

Biglang nag ring ang phone ko. Si Kuya Enrique ang tumatawag. Bigla akong na-excite dahil ngayong week na ito niya pinangakong babaalik pagkatapos nitong umuwi ng Cebu.

“Hello”, bati ng lalaki sa kabilang linya.

“Hi, Kuya! How are you?”, masigla kong bati dito.

“I’m good, Devon”, masigla rin nitong sagot.

“So when are you coming back?”, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Miss ko na rin kasi ang pagiging OC ni Kuya Enrique eh.

“That’s the reason why I called up”, bigla itong sumeryoso.

“Bakit? Is there any problem?”, nag-aalala kong tanong dito.

“Wala naman. Everything is fine”, natatawang sabi nito. “Kasi, this starting semester gusto nila Mommy na dito muna ako mag-stay so hindi na muna ako makakabalik diyan sa Manila”, bilang lumungkot ang boses nito. Alam kong malungkot din ito dahil napamahal na rin ito sa amin at tiyak na kung malalaman ito ng mga ka-member ko ay tiyak na malulungkot din ang mga ito. “Devon, are you still there?”, tawag sa akin ni Kuya.

“Ah, yes kuya, I’m still here”, pinasigla ko ang boses ko para hindi naman ito mahirapan sa naging desisyon niya.

“Just tell the others about the news okay”, sabi nito. “I can’t say goodbye to them anymore”

“Yes, kuya”, tanging nasagot ko nalang.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Hindi ko rin alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya na hindi ako maiiyak. Kuya Enrique was there for me when I needed someone to talk to sa mga problema ko noon. He became my older brother and I can’t imagine life in church without his brotherly approach to all of us. Iyong mga advices in life na ibinibigay niya sa aming lahat. Siya kasi ang pinakamatanda sa grupo namin kaya naging sandigan na namin siya.

“Don’t cry, Devon”, untag nito sa akin.

“No I’m not”, sabi ko habang pinapahid ang luha sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

My Love is a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon