Chapter 11

216 7 1
                                    

Devon woke up the next day feeling tired, namamaga pa rin ang kanyang mga mata dahil sa kaiiyak kagabi. Kung kahapon hiningi niyang panaginip lang ang lahat at pagkagising niya ay balik ulit sa dati ang lahat. Pero ngayon narealize niya na everything that happened yesterday was true. 

Hindi rin niya nakausap ang mommy niya pagdating niya sa bahay dahil wala ito at gabi na nang umuwi ito at kinabukasan na lang sila mag-uusap dahil pagod na ito. At kaninang pagkagising niya ay natutulog pa ito. First time itong nangyari sa mommy niya na hindi siya ginising nito at hindi rin ito ang naghanda ng pagkain niya. Hindi rin ito sumbaya sa kanyang kumain kaya hindi na rin niya nasabing pumunta sa school nila. Now she felt that she's really alone. Bahala na mamaya. She’s going to solve it by herself.

Kaya ko ito, ako kaya si Devon Seron. Kaya ko ito!”, sigaw niya sa isip sabay suntok sa hangin.

Bumaba na siya ng kotse. She was welcomed by the cold wind. Parang ang lungkot-lungkot ng paligid. Parang nakikisabay sa nararamdaman niya ngayon. Alam niyang kaunting problema lamang ang mapagbintangang kumuha ng isang bagay para sa katulad niyang bata. Pero nakasasalay sa bagay na iyon ang nagsisimulang pagkakaibigan nila ni James. Paano kung sabihin talaga na siya ang kumuha kahit hindi naman talaga siya. Ano na ang mangyayari? Ano ang epekto nito sa pagiging isa sa mga kandidato niya bilang  Class Valedictorian? At worse paano ang pagkakaibigan nila ni James? Papansinin pa kaya siya nito. Titingnan pa kaya siya nito.

“Hindi ko talaga alam”, sagot naman ng isip niya.

 Kaunti pa lang ang mga estudyante na dumarating. Pumasok na siya sa gate. Bago pa siya nakapasok ay nakita niyang dumating ang kotse ni James. Dahan-dahan siyang naglakad. Praying that James would greet her. She knows it was pathetic pero gusto nya talagang maging kaibigan ang kaklase eh.

Pero nilagpasan lang siya nito at nagmamadali itong naglakad.

“Ah, James”, tawag niya dito nang hindi siya nito pinanasin. “Good morning!”, kinanakabahan niyang bati.

Tumigil ito sa paglalakad pero hindi man lang siya nito nilingon. Nagmadali siyang lapitan ito para makita ang mukha nito. Walang expressions ang gwapong mukha nito. Kahit bata pa lang ito ang gwapo na nito.

“Ano bang iniisip mo diyan, Devon, ang laki pa nga problema mo eh, ang pagiging gwapo pa talaga nito ang inuuna mo”, saway ng isipan niya.

“Good morning, James!”, bati niya ulit dito with matching super wide na smile.

He just looked at her with that famous James expressionless face. Wala talaga siyang mabasa dito kung galit ba ito o hindi.

“Ano ba ang aga-aga nakasimangot ka na diyan”, sabi na lang niya na pinasigla ang boses kahit na natatakot na siya. “Smile naman diyan. You’re face is so epic, it’s as if ikaw ang pinagbintangan nilang kumuha ng stationaries ni Nadine ha”, pilit niyang tawa.

“And how come that you can still smile like after everything that is happening right now?”, tanong nito na seryoso pa rin ang mukha.

“It’s because I don’t have nothing to worry about. I didn’t steal it as what she is saying. My conscience is clean”, walang kagatul-gatol niyang sagot dito.

“And how will you explain that thing inside you bag?”

“I don’t know how it went there”

“I don’t know Devon”, sabi nito sabay lakad.

Naiwan si Devon na tulala. Parang gusto niyang umiyak. Parang gusto niyang tamaan ng kidlat. Ayaw maniwala sa kanya ni James. At ang mommy niya wala ngayon sa tabi niya para sabihin everything will be okay.

I’m really alone right now”, naiiyak niyang sabi. Nagpatuloy na lang siyang maglakad papuntang classroom niya.

Kung sa labas ay wala pang gaanong mga mag-aaral kabaligtaran naman sa loob ng classroom niya. Mga early birds talaga ng mga classmates niya. Siya, si nadine at ang kanyang mga kaibigan lang ang hindi mga early birds.

Pagpasok na pagpasok niya ay nakatingin lahat ng mga mata sa kanya. Para siyang matututunaw anytime. Pero ayaw niyang ipakita sa mga ito na mahina siya.

“What are you staring at?”, pagtataray niyang sabi.

Yumuko na lang ang kanyang mga classmates. Kilala kasi siya ng mga ito na mataray at spoiled brat. Nagpunta siya sa kanyang upuan na katabi ni James. Natutulog lang ito.

I bet hindi talaga ito tulog”, sabi ng isip niya.

She just pretended na busy siya. Kinuha ang ipod and listened to music para hindi niya mapansin ang mga taong nakamasid at naghuhusga sa kanya.

She was in the outerspace nang may biglang humablot ng kanyang earphone. Gusto sana niya itong sigawan,

“What the...”, sabi niya sabay lingon sa taong kumuha ng earphone niya. Pero hindi siya nito pinatapos magsalita.

“Look who’s having a good time here at nakikinig ng music. Parang wala lang sa iyo ang nangyari at ginawa mo kahapon ha”, galit na sabi ni Nadine habang hawak-hawak ang earphone niya.

“Just like what I’ve said yesterday I didn’t get your things”, sabi niya sabay kuha ng earphone niya. “At wala akong dapat ika-worry coz I know truth will prevail”, sabay upo niya at bumalik sa pakikinig ng music.

Nakita niyang tumayo si James at inilalayan si Nadine sa upuan nito. Hindi na rin ito bumalik sa kanyang inuupuan at sa halip ang seatmate ni Nadine na si Ivan ang tumabi sa kanya.

“Tayo muna ang seatmate kung okay lang sa iyo”, sabi nito na parang nahihiya.

“It’s okay”, tanging sagot na lang niya.

Naging tahimik na ulit ang paligid. Wala pa rin ang mga kaibigan niya.

Nasaan na kaya ang tatlong iyon”, tanong niya sa isip. Hindi naman nag text ang mga ito.

Hindi nagtagal ay dumating na din si Bea. Nag smile lang ito sa kanya at umupo na din.

Krrrrrrrrrrrrriiiiiiinnnnnnnnnggggggggggg!!!!!!!!..tanda nag bababa na sila para sa Flag Ceremony.

Pagbalik nila sa classroom ay nandoon na rin si Miss Angel. Ginawa nila ang usual routine bago magsimula ang klase. Prayer and attendance. Wala pa rin sina Trisha at Beauty. Si Bea naman pinansin nga siya nito kanina pero halata niyang pilit lamang.

“Seriously, ano ba ang nangyayari ngayong araw na ito? Bakit ang mga taong akala niyang makakapitan niya ay parang nawawala”, nag-aalalang sabi niya.

“Good morning once again everyone. Today I will leave something for you to do because Ms. Nadine and Ms. Devon here will settle something in my office. So I hope everyone will behave. Ivan, you are the Class President so take charge of all your classmates”, seryosong sabi ng guro nila.

At kahit ayaw niyang kabahan ay kinakabahan na siya ngayon dahil ngayon lang niya iyong nakitang seryosong-seryoso.

“Girls, follow me”, sabi ni Miss Angel habang tumitingin sa kanilang dalawa.

“Yes, Ma’am”, sabay nilang sabi.

“I know everything will be back to normal after this”, sabi ni Devon sabay buntong-hininga at bago siya lumabas ng classroom ay tiningnan niya si James pero umiwas ito.

Bahala na”

My Love is a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon