Chapter 25

149 11 5
                                    

Author's Note

Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa mga readers na walang sawang nag-aabang ng updates ng story na ito kahit kaunti lang kayo ay ok lang kasi nakakataba pa rin ng puso na malaman na may nag-aapreciate ng gawa ko. Sana patuloy ninyong abangan ang story na ito at kung gusto ninyong mag comment ay ok na ok lang sa akin. Mas gusto kong malaman ang inyong views and opinions...Salamat.

DEVON’S POV

Kinabukasan ay nagising akong may ngiti sa labi ko kahit na nga late na ako nakatulog kagabi dahil sa mga nangyari kahapon. Mga 1 AM na siguro iyon. Pero ang gaan-gaan parin ng feeling ko dahil alam kong may bago na naman akong kaibigan. Siguro sa school hindi nya ako papansisin pero atleast kahit Sundays lang ay magiging magkaibigan kami ni James. Ilang beses ko bang pinangarap noong bata pa ako na mapansin niya ako at maging malapit na magkaibigan. Kaya nga ako naging spoiled brat noon eh, kahit hindi naman ako talaga brat pero dahil doon ako napapansin ni James noon kaya pinanindigan ko na alng. Kaya noong Grade 6 kami ay sobrang saya ko dahil sa wakas naging magkaibigan na rin kami pero hindi naman nagtagal iyon dahil nga sa nangyari sa amin ni Nadine na pinagbintangan ako na kumuha ng mga stationeries niya kahit hindi naman talaga ako at hanggang ngaypn ay hindi ko pa rin alam kung sino ang gumawa noon. At dahil close sina James at Nadine kaya hindi na muli ako pinansin pa ni James mula noon.  

Pero ngayon na may pagkakataon na akong maging malapit sa kanya ay magkahalo ang emotions ko. Excited ako, dahil nga mabibigyan muli ako ng pagkakataon na matupad ang pangarap ko na maging close kami and at the same time kinakabahan, dahil natatakot akong muling maiwan, na muling masaktan kung may mangyari na namang hindi maganda sa hinaharap.

Pero ngayon hindi ko muna papansinin ang mga takot ko. I have decided to embrace and feel the moment. Kung anuman ang ibigay sa akin ng buhay ngayon ay susulitin ko na lang. Bahala na bukas.

“Hay, ang sarap ng feeling”, sabi ko sabay inat. Ang sarap ng pakiramdam ko ngayon para akong nakalutang sa ulap.

Sino ba naman ang hindi magkakagood vibes kong si James ang magiging kaibigan mo diba? Sikat sa school , matalino at maraming gustong maging kaibigan siya kahit na nga snob sa ibang mga babae kung minsan.

 Kahapon after niya akong ihatid sa amin ay inimbitahan ko siyang pumasok muna sa loob ng bahay para mag juice. Ang akala ko hindi niya ako pauunlakan pero nagulat ako dahil pinaunlakan niya ako.

Ayon pagkatapos naming uminom ng juice ay naglaro muna kami ng Scrabble at natalo ko siya. Naglaro kami sa may garden namin.  Ang saya lang.

“Ang daya mo naman”, sabi nito nang matalo ko na siya.

“Anong madaya, wala kaya akong ginawa”, pagtatanggol ko sa sarili ko.

“May home advantage ka kasi”, nakatawa nitong sabi.

“Ano ito baskterball at may home advantage ako?”, natatawa na rin ako dahil sa pinagsasabi niya.

“Ganoon talaga iyon”, sabi nito na sinisilid ang mga tiles sa loob ng container.

“Ang sabihin mo, you’re such a loser!”, sabi ko sabay form ng letter L gamit ang mga daliri ko at inilagay ito sa noo ko.

“Ako loser?”, sabi nito sabay turo pa sa sarili nito. “Alam mo pinagbigyan lang kita dahil nga nandito tayo sa bahay mo. Pero sa susunod papakainin kita ng alikabok”, pa-evil laugh pa nito. Pero hindi naman ito nakakatakot dahil nga gwapo ito.

“Sige, hihintayin ko ang time na iyon. But I bet that time won’t come”, tumawa rin ako sa sinabi ko. Bigla ko tuloy naalala noong sinabi ko sa kanya na tatalunin ko siya pero  sinabihan niya akong hihintayin niya ang araw na iyon pero alam niyang hindi iyon mangyayari. Nakakatawa lang.

My Love is a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon