James’ POV
Nakakainis talaga ang spoiled brat na ito. Nang dahil sa kanya ito ako ngayon at nagrereview. Nagpaliwanag na ako kay Ma’am kanina kung ok lang ba na hindi na lang ako magreview dahil may basketball practice ako every afternoon. Pero nang dahil sa kanya ay hindi ako makakapagpractice ng isang buwan sa basketball may inter-school competition pa naman kaming sasalihan. Magpapaliwanang na lang ako kay coach kung bakit mali-late ako ng isang oras sa practice.
At syempre dahil brat nga itong kasama ko hindi magiging madali ang isang buwan ng practice namin katulad nalang ngayon hapong ito.
“James, paano ba sagutin ang problem na ito?” – tanong niya
“Magpaturo ka na lang kay Ma’am may ginagawa rin ako”, sagot ko na hindi man lang siya tinitingnan.
“Sige Devon, ano ba ang tanong mo?”, tanong ni Ma’am Bianca at lumapit dito.
“Ma’am, I want James to answer my question”, narinig kong sagot nito.
“Why, wala ka bang tinwala sa akin?”, sagot naman ni Ma’am
“Hindi naman Ma’am, ang akin lang dapat mag-build kami ng team work ni James dahil di ba Ma’am sa araw ng competition you will not be with us on stage at kami lang ni James ang magtutulungan sa pagsagot nito. So we need to work on that kasi hindi naman kami close. At hindi naman pwede na sa araw ng competition ay hindi kami magpapansinan di ba? Paano naman kami mananalo niyan?, dire-diretsong sagot nito na halos hindi na humihinga.
“Yes, Devon, you have a point there”, sang-ayon ng aming guro. “Ok, James, tulungan mo si Devon sa kanyang problem. Ang kailangan natin teamwork para manalo.
Hindi ko alam kung papaano napapasunod ng brat na ito ang aming guro. Wala na akong nagawa at tiningnan ko siya at tinanong ang number na gusto niyang ituro ko sa kanya. Natawa na lang ako.
“Are you serious na hindi mo alam ang number na ito?”, takang tanong ko sa kanya.
“Yes and why?”, sagot nito na hindi tinitingnan ang number.
“Eh, ang dali lang nito eh kahit nga si Nadine alam kung papaano sagutan ito eh.
Tiningnan naman nito ang problem. Napatutop ito sa bibig nito sabay smile. Alam pala nitong mapahiya. Paano ang dali talaga ng problem na tinutukoy niya.
Translate the expression into mathematical term: twelve times a number added to 61
“Brat talaga”, mahina kong sabi.
“Ano?”
“Nothing”, sagot ko sabay balik sa upuan ko
“Hoy, ano ba hindi naman itong number na ito eh, itong isa o”
“Hay naku spoiled brat don’t play around may practice pa ako. Dalian mo diyan.
Tumahimik na ito.
Hindi lang iyon ang kaartehang ginawa niya. Minsan sinabi niya kay Ma’am na sa garden kami magreview para makalanghap ng sariwang hangin. Pumayag naman si Ma’am at pagdating namin doon.
“Surprise!”, sigaw nito
“And what is this, brat?”, tanong ko sabay harap sa kanya. Paano naman kasi parang hindi review ang sadya namin sa garden kung hindi picnic. May blanket at maraming pagkain. Tapos kami lang dalawa dahil may meeting ang mga teachers.
“Nothing, I was just thinking na magkakapagreview tayo kung busog tayo di ba?, nag puppy eyes pa ito.
“Magreview kang mag-isa mo”, tumalikod na ako.
“Hey, samahan mo naman ako. Alam mo bang wala pa akong snacks dahil I prepared this for pur review tapos hindi mo man lang naappreciate”
“Eh, sino bang may sabi sa iyong mag-effort ka ng ganito para sa review natin ha”, hinarap ko ito. Nagulat na lang ako dahil may luha na ang mga mata nito.
“Eh gusto ko lang namang magbuild ng connection sa ating dalawa eh para manalo tayo. I’m just doing this for our school”
Sige na nakonsensiya na ako dahil nag-effort pa siya.
“Totoo ba iyan? Baka naman gusto mo lang na ka-date ako”
“Excuse me, Me? Devon Seron? Over my dead body”, sagot nito sabay roll ng eyes at sabay talikod sa akin.
“Ok, sige na, dito na tayo pero huwag mo akong piliting pakainin kung hindi aalis talaga ako”, sabi ko sabay upo sa blanket at nag-umpisa nang mag-answer ng reviewer.
“Sige na umalis ka na parang napipilitan ka lang naman eh”
Tiningnan ko siya with what-the-****-are you-saying look.
“Kasi nakasimangot ka, kaya sige na doon ka na sa room magreview at dito na lang ako”
“Alam mo ang arte mo talaga nakaupo na nga ako di ba?
“Pero pilit”
“Hay naku mauubusan ako ng dugo sa iyo” O, heto, I’m smiling already”, sabi ko sabay fake ng smile.
“Ok, I’m Devon Seron”, sabi niya sabay lahad ng kanyang kamay.
“And what are you doing?”, sagot ko habang tinitingnan ito.
“Kasi nga di ba we need to win and the only way for us to win is for us to have teamwork. Alam kong hindi mo ako gusto dahil nga spoiled brat ako pero dahil sa Quiz Bee pipilitin kong hind imaging brat para manalo hanggang matipos ang contest”, paliwanag nito
_______--------, ako
“So kahit ayaw mo dapat maging friends tayo kaya kalimutan mo numa ang inis mo sa akin”, patuloy nito nang hindi pa rin ako sumasagot.
“Ok again, I’m Devon Seron, can we be friends?, ulit nito
“Fine, James Reid”, sagot ko sabay abot ng kamay nito.
“Ok, sige, magsimula na tayo”, sabi nito sabay kain ng sandwhich. Hindi pa nakontento at kumuha pa ng pictures.
Naging maayos naman ang review naming simula noon. Less brat na siya kapag nagrereview kami.
BINABASA MO ANG
My Love is a Star
FanfictionSa tingin ninyo ay tungkol sa alien ang story na ito? Hindi ha. Ito ay story ni Devon Mae Seron at ng kanyang ultimate crush mula noong grade 5 pa lang sila na si James Reid. "Star" ito sa sa karamihan dahil sa katalinuhan nito, magaling ito sa laha...