Chapter 22

167 8 3
                                    

Devon’s POV

Sunday ngayon at maaga akong pumunta sa church namin para maghanda sa aming service dahil choir member ako. Nang makarating na ako sa simbahan ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Si Kuya Enrique ang tumatawag..

“Hello, Kuya!”, bati ko sa kanya na naka-smile pa. Akala mo na nakikita niya ako.

“Good morning, Devs!”, masiglang bati ni Kuya.

“Ang aga mong tumawag ah, nasa loob ka na ba? Late na ba ako?”, bigla akong napatingin sa oras dahil baka nga late na ako. Every Sunday bago ang Mass ay dapat nandito kami ng Simbahan 30 minutes before the Mass para makapag practice pa ulit. May pagka-OC (Obsessive Compulsive) kasi si Kuya Enrique pagdating sa pagkanta namain eh. Gusto niyang laging perfect.

“Ok, easy lang, relax hindi ka pa late”, natatawang sabi nito. “I just called to tell you na I can’t come today kasi may emergency and I need to go to Cebu now”, bigla itong sumeryoso?

“What?”, napataas bigla ang boses ko. May ilang taong napatingin sa akin. Kaya nag bow ako ng bahagya bilang panghingi ng paumanhin. “What happened?”, hininaan ko ang boses ko.

“It’s nothing, may kaunting problema lang sa bahay and I need to be there”

“Ah, pero teka paano ang choir ngayon? Sinong magpi-play ng piano ngayon kung wala ka?”, natataranta na ako kasi 50 minutes na lang at magsisimula na ang Mass sa oras namin.

Si Kuya Enrique kasi ang pianist ng choir namin. Siya na rin ang parang leader namin kasi siya ang nagtuturo sa amin ng mga kantang kakantahin sa Mass. Kaya kung wala siya ngayon paano na lang ang aming pagkanta mamaya? Matanda lang siya sa akin ng 4 years,  3rd year college student na ito at kumukuha ng Engineering course sa isa sa mga sikat na University dito sa Manila. Taga-Cebu talaga siya pero dahil may kaya ang pamilya nila kaya nakapag-aral siya dito sa Manila.

“Iyon nga ang itinawag ko ngayon eh, can you just ask someone from the other group to take my place”, nag-aalinlangan sabi nito. Kahit ito ay hindi sure kung may mahahanap nga sila.

‘”Who can I ask?”, napatingin na lang ako sa langit kasi wala naman akong kakilala masyado sa ibang group. Wala akong number sa mga members ng ibang group. “Papakiusapan ko nalang mamaya ang pianist ng choir na kumakanta ngayon. Sana naman pumayag siya”, pepeng dasal ko.

“Sorry, talaga, Devon ha, emergency lang kasi talaga at ngayon lang din ipinaalam sa akin”, naiintindihan ko naman si Kuya Enrique kasi alam ko na hindi siya basta-basat aalis kung hindi talaga importante. Love kasi niya ang pagsisilbi sa simbahan.

“Okay lang naman Kuya”, ayaw kong mag-aalala rin siya. Ang kailangan ko lang gawin ngayon makausap ang tumutugtog ngayon or kung hindi man pumayag ay maghahanap pa rin ako ng iba na tutugtog.

“Sige, I have to go. Good luck!”, masigla na ulit ang boses nito. “And one more thing”

“Ano iyon kuya?”, ready na ako sa kahit anong bad news na sasabihin nya kasi para sa akin wala ng ibang magiging mas bad pa sa news niya ngayon.

“Galingan ninyo mamaya ha, alam nyo naman si Father ayaw nya ng may nagkakamali”, paalala nito. Strict talaga si Father Vince sa lahat ng mga kanta namin. Gusto niya na ang pipiliin naming kanta ay iyong mga kanta na makakasabay ang mga tao. Ayaw na ayaw niya na ang mga choir lang ang kumakanta sa Mass. Gusto niya ang lahat ay kumakanta.

“Okay lang kuya sanay na ako sa mga taong OC tulad mo”, tumawa na rin ako para mawala ang kaba ko dahil mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.

“Ok lang iyan, kaya mo iyan, Devon, ikaw pa!”, alam kong pinapakalma lang niya ako. “Ok, sige, bye na. Tinatawag na ako ni ate eh”

“Sige, kuya, take care!”, pilit ko ring pinasigla ang boses ko.

My Love is a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon