CHAPTER 41_NOT AGAIN_

10 1 1
                                    

-----

Chapter 41: NOT AGAIN

Madaming manonood kanina at madaming tao gustong malaman ang nangyari. Madami rin nagtatanong kung kasalanan ko daw ito dahil ako ang unang-una nawala sa school na toh at mayroon din nagsasabi na related ba toh or same person ba ang kumuha sa mga kaibigan ko.

Grabe din naman kasi ang nangyari. Ako natagpuan lang sa hallway nang walang malay. Sila sa dulo-sulok pa ng canteen na duguan pa. Hindi ko na lang sila pinansin. Kundi ang nakuhang atensyon ko ay ang pagsigaw ni Gerald sa mga tao.

"Tumahimik kayo! At huwag kayong parang butiki diyan na nagchichismosa o chismoso! Isa pang rinig kong ingay! Alam niyo na kung anong gagawin ko sa inyo! Hindi ito biro kaya wag kayong magbulungan diyan!" Galit na galit sabi ni Gerald.

Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya dahil lang diyan pero siguro ayaw niya talaga nang may ganyan sa paligid habang kami ay sobrang malungkot at nagaalala. Bigla naman ako napaisip kung bakit ba talaga siya sumigaw nang ganun. Buhat-buhat niya si Mienna habang yung isa na lalaki, na hindi ko kilala, ay buhat si Pauleen. Ako naman ay nasa likod lang nilang dalawa.

Bakit naman malalim ang pagiisip ko diyan sa sigaw na yan? Bakit parang naghahanap ako ng sagot sa sigaw na yan? Parang may kulang sa ibig niyang sabihin sa sigaw na yan eh, na hindi ko mahanap-hanap kung anong ibig sabihin o bakit niya yun ginawa.

Napabalik reality na ko nang dumating si Gerald galing sa principal's office. Nasa clinic kami ngayon habang ang dalawa ay nakaturok pa rin ang dextrose. At mahimbing natutulog.

Umupo muna siya sa bakanteng upuan saka tumingin sa'kin at nagsalita. "Nakausap ko na ang principal. Sabi niya ay babantayan niya ng maigi ang eskuwela. Bali mahigpit na security tayo ngayon. Kung sakali may mangyari ulit nang ganito. Isa lang ibig sabihin nun" sabay tumingin sa sahig.

Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Malakas ang kalaban na'tin. Marami din siyang tauhan na nandidito lang sa eskuwelahan kaya mahirap magtiwala ngayon kung sakali mangyari ulit ito"

Napabuntong-hininga naman ako.

"Hangga't maaari. Gawin na'tin lahat ng kaya na'tin at malaman kung sino talaga siya at saan ang teritoryo niya. Mag ingat rin tayo lagi. Sa library ay wala akong makitang sagot sa katanungan niya. Malabo din naman dahil mukhang memorya ang kelangan dito. Pero wala, wala talaga ako maalala o marecognize man lang ang boses niya. Parang inamesia ako sa nangyari yun. Ang kelangan lang na'tin gawin ngayon ay magingat at susubukan kong ialala yun, kung ano man yun, para lang makuha na niya ang gusto niya at hindi na toh mangyari pa. Kahit malabo mangyari toh dahil kung tama talaga ang hinala ko na nagka amesia ako. Parang lang matandaan ay--"

"Kelangan na'tin pumunta sa teritoryo niya kung sakali maalala mo" sabi ni Gerald. Now he gets me.

Napatingin ako sa kanan ko nang may gumalaw na kamay. Gising na ata si Mienna.

"Hey... it's okay now. We got you" mahinhin na sabi ko. Ngumiti naman sa Mienna at tumingin sa kanan niya.

Tulog pa rin si Pauleen. Tumingin si Mienna sa'kin. "A-anong nangyari?" Paos na sabi niya.

Napatingin naman ako kay Gerald sabay balik kay Mienna.

"Wa-wala ka ba maalala?" Kuno't-noong kong tanong.

Umiling siya. Napatingin ako kay Gerald sabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Paano na toh? Kung hindi niya maalala ay hindi niya din maikwekwento kung anong nangyari.

***

5:00 na nang hapon at mahimbing na natutulog pa rin si Pauleen. Kanina pang tanghali ito nangyari. Nakakain na nang meryenda si Mienna. Halos kulang pa ang isang plato sa kanya.

5:16 na nang nagising na si Pauleen. Kanina pa umalis si Gerald kaya kaming apat na lang natira dito, kasama na si nurse. Ja doon. Siya lang talaga ang maaasahan namin kahit siya lang naman talaga nagaalaga sa clinic na toh.

Paglapit ko kay Pauleen bigla siya nagsalita. "Sha-shaira?" Paos na sabi niya din.

"Hey... it's okay now. So... do you want some food or something?" Mahinhin na sabi ko. Tumango naman siya at binigay ko na sa kanya ang isang tray na may pagkain na nakahanda at tubig. Pagkatapos niya kumain ay tinanong ko na siya kung okay lang sa kanya ikwento ang nangyari kung sakali may naaalala niya.

"Nasa cr kami ni Mienna habang ikaw ay nasa dorm lang. Cr iyon sa canteen, natapunan kasi kami ng coke. Palabas na sana kami, eh may bumangga sa amin. Habang pinupunas namin ang coke sa damit. Puti pa naman suot ko din. May lumabas na tao galing sa cubicle, babae din siya, syempre. Naka make-up siya at bongga ang suot niya. At-first, pangiti-ngiti siya at mukhang friendly naman. Lumapit siya samin at bigla lang siyang may nilabas na panyo at inano sa bibig namin. Dalawang kamay, syempre ang gamit niya. Hanggang sa pag gising na lang namin ay nasa isang lumang kwarto kami na walang bintana kundi pinto lang. Nasa higaan rin kami habang nakatali" Huminga muna siya ng malalim.

"May isang boses na mukhang boses lalaki. Tinatanong niya kung paano daw kita nakilala at kung kilala ko ba ang mga pamilya mo. Ang sabi ko lang ay yung sinabi mo na namatay na sila. Ayaw niya maniwala at madami pa siya tinanong. Kada sagot namin na, hindi nga namin alam eh, pinaparusahan niya kami. Gamit ang pamalo na yung pangtali sa kabayo. Hindi niya din kami pinapakain. Kundi tubig lang. Tatlong araw kami nandoon. Akala ko mamamatay na kami pero binigyan pa kami ng isa pang pagasa"

Wala naman ako masabi kundi ngumiting may pagka lungkot ang muka. Kasalanan ko toh eh. Ako ang kelangan niya. Hindi na niya kelangan pa idamay ang mga kaibigan ko.

Napatingin kaagad ako sa pintong bigla lang bumukas. Isang babaeng hingal na hingal at halatang pawis na pawis dahil sa kaba.

"N-nakita ninyo ba sila Leigh at Kara? Diba magkakilala kayo?"

-----

GREEN VAR UNIVERSITY (ON-GOING) Where stories live. Discover now