CHAPTER 45_TAGUAN_

12 1 0
                                    

-----

Leigh's pov

Bakit parang kilala ko toh?

"Ah? Bata! Uwi ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na ng mama mo" sabi ni mienna.

"Huh? Eh ang mama ko ay si leigh"

Napalaki naman ang mata ko. "Ano sabi mo?" Diin kong sabi.

Hindi na ko natutuwa sa mga nangyayari.

"Pede ba kita yakapin? Tagal na kita hindi nakikita"

Ako? Matagal? Tapos yayakapin? Nang ganyan itsura niya?

Nakatingin lang ako ng seryoso sa bata. Nang mapagtanto nila na hindi na ko natutuwa ay nagsalita si shaira.

"Ah eh... bata! Ano ba nangyari sayo? At bakit ganyan istura mo?"

"Sinasabi ko po sa inyo na ako si viena. Wag niyo kong tawagin bata!" Sabay umupo siya sa sahig at umiyak.

Ba't ka pa kasi nagsalita. Pwede naman tumayo na lang tayo at umalis dito.

"H-hala! Ano gagawin ko???" Pagaalala ni shaira.

"Patahanin mo" sabi ko.

Tumingin naman siya sa'kin na takang-taka at pawis na pawis.

Ilang segundo ata lumipas, eh nakatitig lang siya sa'kin.

Napansin naman kami ni mienna kaya siya na ang nagtanong kay viena.

"Ah? Ba-- Viena! Tahan na po. Ano ba nangyari sa iyo? At bakit ganyan ikaw?"

Tumingin naman ang bata sa kanya. Bigla siyang tumahan.

Ang creepy. Parang walang nangyari ah.

"May hinabol lang po kasi akong hayop para may makain kaming pamilya" mahinahon niyang sabi.

Teka? Bampira ba toh?

"A-ahh. So, h-hindi ka nag-iisa?" Halatang kabado na si mienna sa bata.

"Hindi" sabay tumawa ng mahinhin.

Shaira's pov

"Nagbibiro ka ba?" Sinubukan kong malakas na magtanong sa bata.

"Opo. Nasa kweba lang ang pamilya ko"

Naramdaman ko naman ang kamay ni mienna na humawak sa kamay ko. Mahigpit ang kanyang paghahawak. Tagaktak na ang kanyang pawis at bigla ko naman naalala ang eksena kagabi.

"Eh ano ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ni leigh.

"Gaya nang sabi ko kanina ay nakikipag tagu-taguan lang ako. Sige! Ako bibilang at kayo ang magtatago! One to one-hundred lang ah. Game? One..." nakatalikod na siya sa'min.

Napatingin naman kami sa isa't-isa at dali-dali kami nagtakbuhan.

Sa sobrang takot ay magkakasama kami by pairs. Syempre ang kasama ko ay si mienna.

"Dito!" Turo ko sa malaking puno.

Puro malalaking puno lang naman ang nandito. Wala man lang kami makitang lawa. O walang mga puno.

"Siguro malayo-layo naman ang tinakbuhan natin diba?"

"Siguro pero lalakad pa tayo hanggang sa makita natin ang lawa" sabi ko habang nakatingin sa direction na tinakbuhan namin.

Hindi na umimik si mienna. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil nakatitig lang siya sa sahig habang naglalakad papalayo.

Ilang oras ang lumipas at wala pa rin kaming nadadatnan na lawa.

"Gubat pa ba toh? Parang nasa sinaunang panahon tayo ah"

"Ewan. Paulit-ulit na ang naririnig kong mga ibon at insecto"

"Teka lasahan ko nga ung sahig baka sakali nasa ibang mundo na tayo"

Hindi ko lam kung matatawa ba ako sa kanya. Kanina lang takot na takot siya at mukhang may iniisip. Ngayon parang walang nangyari.

"Ge nga! Try mo dali!" Sabay hinawakan ang kanyang ulo at itinutok sa ibaba.

Lumayo siya kagad sa'kin. "Naman eh!" Parang five years old na nagtatantrums. Imbis na tumawa. Napatigil ako sa nakita ko.

Sa wakas

Biglang tumakbo sa likod ko si mienna nang makita niya ang reaction ko.

"Akala ko yung bata. Robot lang pala"

Sabi na nga ba eh

"Akala niyo lang po yun. Pero i found you!"

Andito na naman siya

"Aahh!!!" Di ko alam kung anong nangyayari sa likod ko dahil nakatitig lang ako sa robot.

"P-pero... anla-layo na nang nilakad namin ah" Ramdam ko ang kaba ni mienna sa likod.

Mukhang may hindi magandang mangyayari

"Ikaw po ang last ko nakita kaya ikaw ang taya!" Masayang sabi ng bata.

Di pa rin gumagalaw ang robot. Pero alerto pa rin ako.

"A-ako? Ay hindi! Si ate shaira mo pa oh... andito" Napairap na lang ako.

Ako pa talaga ah?

"Pangatlo ko po nakita si tita tapos po ikaw ang huli. Bilang ka na ah? Magtatago na ko!!" Napalingon naman ako sa kanila. Tumakbo na ang bata papalayo. Tumingin naman si mienna sa'kin na nagaalala look.

Sa paglingon ko ay hindi ko inaasahan ang susunod na pangyayari.

Yung robot nga pala...

Bigla na lang nagdilim ang paligid at tuluyan ako bumagsak.

Leigh's pov

"Dito" sabay pumasok sa loob ng kweba.

Ayan, nasa kweba ulit kami. Matapos nang mabilisang takbo ay eto, uhaw na uhaw.

"Paano na?" Tanong ko nang makita kong nakatulala si pauleen.

"Tawagan natin sila at eto nga pala..." sabay may inabot na maliit na phone.

"Ano toh? Nokia?" Takang kong tanong.

Humarap si pauleen sa'kin. "Lahat kami may ganyan kaya get used to it na lang" sabay irap.

Aba! Iniirapan ako netoh ah!

Tinawagan na namin sila shaira pero ring lang ng ring. I'm starting a little bit worried.

Mienna's pov

Halaaa ano na gagawin koo??

Nanginginig na ko sa takot at kaba dito. Nakikipaglaro ang batang mukhang annabelle tapos si shaira bigla na lang napahiga sa sahig at ang robot at nakatingin pa sa'kin.

Ayoko na po...

Kinuha ko ang phone ko nang magring ito. "Hello?"

"Hoy mienna! Kanina pa ko tumatawag kay shaira ba't di niya sinasagot??"

"P-pwede bang wag ka ganyan magsalita. Mahihimatay ako sa takot netoh eh. Puntahan niyo kami dito!!! Asap! Malapit lapit na lawa ata kami. DI KO ALAM! HANAPIN NIYO KAMI!" Sabay binaba ko na.

Ano na gagawin ko???

-----

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GREEN VAR UNIVERSITY (ON-GOING) Where stories live. Discover now