-----
"SHAIRA!" Rinig kong sigaw ni pauleen sa di kalayuan. Mabilis sila nakapunta dito kagad. Mukhang di pa sila nakakalayo-layo. Kumaway ako sa kanila habang pinipigilan kong tumulo ang luha ko.
"A-anong nangyari?" Takang tanong ni mienna. Nang nakita niya ang nakapatong sa braso ko ay niyakap niya kagad si leigh. "Nasaan si kara?" Alalang tanong ni pauleen.
"H-hindi ko alam"
"Halika, buhatin niyo si leigh. May nakita akong maliit na Kweba dito sa right lane. Tago siya dahil nasa likod siya ng waterfalls. Tara"
Tinulungan namin si leigh tumayo at dahil wala siyang malay ay nakaakbay siya samin dalawa ni miena. Tahimik na naglalakad kaming apat habang si pauleen ay palinga-linga sa paligid. Ganon rin ako habang tinitignan ko naman si leigh.
"Andito na tayo. Pagkatapos natin tumawid sa tulay. Andon na ang waterfalls"
"May nararamdaman akong hindi magandang pangyayari" Takot na sabi ni mienna.
Dahan-dahan kami naglakad. Nakahawak na si pauleen sa kanyang weapon kit baka sakaling may biglang umatake sa'min.
"Wooh!" Nakahinga na kami ng maluwag nang nakalagpas na din kami sa tulay. May weapon kit rin kami. Lahat kaming players at survival kit. Hindi ko lang mahawakan ang akin dahil hawak hawak ko na si leigh at ambigat niya.
"Andito na tayo" ani ni pauleen.
Sobrang lawak ng lawa at anlaki ng waterfalls. Pwedeng pwede ka mag photo shooting dito o mag film. Parang nasa anime world ka dahil sa ganda netoh or ibang mundo. Sa sobrang kamangha ko. Nakalimutan ko na kung saan kami papunta.
"Shaira, mienna! Dito" Turo ni pauleen sa likod ng waterfalls. Andito na pala kami. Ni-hindi ko man lang tinignan ang aking daanan. Pagpasok namin ay sobrang lakas ng ingay na nagmumula sa waterfalls. Kumuha si pauleen ng tubig at dahan-dahan inilamos kay leigh upang magkamalay na siya.
Dahan-dahan naman iminulat ni leigh ang kanyang dalawang mata. "Na-nasaan ako?" Tumingin siya sa kanyang paligid at nagulat na lang kami na bigla siyang umupong maayos.
"Nasaan si kara?" Alalang-alalang tanong ni leigh.
Walang sumagot sa amin.
"That boy" Bulong ni leigh.
"Ano sabi mo leigh?" Seryosong tanong ni pauleen. Sasagutin na niya sana si pauleen pero nagsalita na kagad ako.
"Sino ang tinutukoy mo leigh?" Hinawakan ko siya sa dalawang balikat at seryosong nakatingin sa kanyang mata.
"H-ha? W-wala!" Sabay kamot sa ulo.
"Leigh narinig ko yon. Sabihin mo sa'kin kung sino siya!" Mahinhin kong sabi.
"Pasensya na Shaira! Kung hindi lang kita nakilala. Wala sana ako sa ganitong kalagayan. Pag sinabi ko naman sayo kung sino. Mapapahamak ako Shaira! Ma-mapapahamak a-ako" Sabay humagulgol na si leigh.
"S-sorry" Tanging kong nasabi.
Ilang oras na ako nagiisip kung bakit nagkaganito ang buhay ko at nadamay pa sila. Sino ba siya para damayin ang mga kaibigan ko?
Nabasag ang katahimikan nang magsalita si mienna. "Ano na gagawin natin?"
Naisip ko ang sinabi ng instructor kanina. Dagdag points ang makukuha naming kakaibang bagay. At dagdag points rin kung makikipaglaban kami sa mga electronic robot dito.
"Paano kung... maghanap tayo ng bagay o makipaglaban sa mga robot dito? Dagdag points raw yon sa grupo natin" Paliwanag ko.
Sabay-sabay naman kami tumingin kay leigh. Napatingin naman kagad si leigh samin.
"P-pwede bang dito muna ako?"
Tumingin ako kay mienna. "Fine, sasamahan ko muna si leigh hanggang sa maayos na siya. Goodluck you guys"
Tumango kami pareho ni pauleen. Tinali ko na nang maayos ang aking buhok habang si pauleen ay nireready ang kanyang weapon kit. Napag-usapan namin na ako ang maghahanap ng bagay at siya ang makikipaglaban. Pero kahit siya lang ang makikipaglaban, nakahanda pa rin ako. Baka sakali may biglang bumato sa'kin na di ko inaasahan.
Bukod pa sa paghahanap ng bagay ay sinisigaw ko ang pangalan ni kara. Kung andito si leigh, baka sakali andito rin si kara. At hahanapin ko siya ng mabilis bago mahuli pa ang lahat.
Malalaking puno ang nadadaanan ko. May mga naririnig akong tunog ng insecto at mukhang pagabi na rin. Buti na lang dala-dala ko ang flashlight. Mahirap na, baka hindi ako makabalik sa lugar namin.
Nakakita ako kagad sa di kalayuan na parang may kumikinang-nang. Tumakbo ako paparoon. Pagkuha ko ay isa itong singsing na kulay silver. Wala itong design, talagang plain silver ring. Totoo kaya ito? Kung totoo ito, napaka laking halaga nitoh!
Nilagay ko na ito sa aking maliit na pocket. Mukhang di naman ito malalaglag.
"Shaira..."
S-sino yon? May tumatawag sa'kin pero bulong lang.
"Shaira. T-tulungan mo k-ko" Napaka hina pero naririnig ko pa rin.
Tinutok ko palibot ang aking flashlight. Wala naman tao, pero saan nanggagaling yon?
Mienna's pov
Tahimik lang kami, ang nagsisilbing liwanag lang ay ang aking flashlight. Kanina pa nakaakap si leigh sa kanyang dalawang tuhod. Ano kaya gumugulo sa isip netoh?
"Mienna, tu-tulong..." Napatabi kagad ako kay leigh nang marinig ko yon.
"Le-leigh! Na-narinig mo yon?"
"Ang alin?" Napatingin ako kagad kay leigh.
"H-hindi mo narinig?" taka kong sabi.
"Mi-mienna...pa-parang a-awa mo na. A-ako toh. S-si..."
Hindi! Hindi toh totoo!
-----

YOU ARE READING
GREEN VAR UNIVERSITY (ON-GOING)
Roman pour AdolescentsGreen Var University ay isang simpleng iskwela. Private school ito. Maaaring maiwasan natin ang masamang mangyayari. Pero mananatili pa rin ito kung hindi natin aayusin. Simpleng buhay lang ang meron. At yun ay si Shaira. Ang mataray at mabait na ba...