CHAPTER 25_THREE WORDS_

29 0 0
                                    

-----

Chapter 25: THREE WORDS

Nagulat sila nung nakita nila ako kasama tong mokong na toh. Ganun rin ang sinabi nila mienna. Nakailang iling na ako na hindi pa nga kami! At hindi ko naman sya GUSTO. Sobrang naiinis na ko sa mga reaction nila. Pati ang mga magulang naman ni angeli ay gulat rin. At naniniwala naman sila na nagsisinungaling ako.

Lord! Kuhanin niyo na talaga ako!

Hindi ko nalang sila pinansin. Pinigilan ko nalang sarili ko na wag sumigaw sa harapan ng pamilya ni angeli. Matapos ng ilang minuto. Nagpaalam na ako na kelangan ko na rin makita ang mga magulang ko.

"Ok! Iintayin kita dito shaira!" Sigaw ni mienna. Napailing ako sa sinabi niya.

Nag text nalang ako kay pauleen. Ayoko naman kasi nila marinig ng mga pamilya ni angeli ang reaction ko sa lalaking yan. Alam kong over reacting na ako. Pero ayoko lang talaga na isigaw niya sa lahat na crush niya ako. Lalo ako na--SHIT!!!

09*********

Pau! Totoo yung sinasabi ko kanina at ok nga yun eh. Dahil ayoko muna makita ang malanding lalaki na yan! Tsk. Mag tetext nalang ako kung tapos na rin ako. Ok? Intayin niyo ko ah? Sa circle park. Pag nagtext na ako. Bye lab.

Sinend ko na ito at naglakad papunta sa bahay ko. Alangan mag byahe pa ko? Eh traffic nga. Dahil sa fiesta na toh.

Pagkakita ko ng bahay namin ay nakabukas ang gate nito at may tent rin sa labas katulad lang kay angeli.

"Shaira! Nak!" Hinanap ko ang boses ni mi. Nung nakita ko na sya, tumakbo ako papunta roon at yinakap sya.

"Laki mo na ah?! Miss ka na ng kapatid mo." Wait? Kapatid? Ha? Gulat na takang akong napatingin sa kanya.

"Joke! Eto naman eh!" Sabay humalakhak. Ngiti abot tainga na sana ako kung totoo lang ang sinasabi ni mi. Tsk.

Pumasok na kami sa loob at mga ilang nagsisigawan at mga ginugulo ang buhok ko. Lalo naman ang mga pinsan ko. Sobrang namiss ko sila. Parang ilang years hindi kami nagkita kita ah?! Hahaha!!!

"Musta na?! Shai!"

"Hey boi! Musta na!?"

"Ate shairaaaa!!! Namiss kita!"

"Shaira! Jeje kong pinsan! Musta na you ih?"

Mga ganyan ang mga sinasabi nila. Lalo na ang pinsan kong si Albert. Ang nagsabi na 'jeje' ako. Napatawa nalang ako sa mga sinasabi nila. Pero ang mata ko ay hanap ng hanap parin si di.

"Nasan po si di?" Tanong ko kay mi.

"Nasa taas sya. May kausap lang sa phone." Nag nodd nalang ako.

"Ano? Kain ka na?" Umiling ako at humawak sa tyan ko. Symbolize as i am full. Napao-o nalang si mi.

Mga ilan na nakikipagkwentuhan sakin. Yung iba niyayaya ako na mag laro ng 'uno cards'. Pumayag naman ako. Si albert ay ang lalaking pinakaclose kong pinsan. Tapos the rest ay close ko rin pero slight. Noong bata pa kasi kami. Kay albert ko lagi sinasabi ang mga secrets ko. Ganun na rin sya sakin.

Ilang hours ang lumipas at kanina pa kami nag tatawanan ng mga pinsan ko. Tuwang tuwa rin si di nung nakita ako kanina.

Nakaramdam ako ng vibrate sa cellphone ko.

09*********

PauLABLAB: Shaira! Nasan ka na? Tapos ka na ba? Mukhang miss na miss mo sila ah? Malapit lapit na rin tayo kelangan bumalik sa school mag gagabi na rin kasi. So, dont be late ah?! Ingatsss bye!

Wait. Anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko. Malapit lapit na nga mag 6pm. Hanggang 6pm nga pla kami sa labas na toh. Nagpaalam na ako sa mga pinsan ko at ang mga reaction nila ay mga nagmamakaawa na mag stay ako rito o wag na ako pumasok pa. Natawa nalang ako sa mga reaction nila at nagpaliwanag ng maayos kung bakit ko kelangan umalis na. Tinulungan naman ako ni albert magpaliwanag rin.

Nagpaalam na rin ako kay mi at di. Hanggang sa umalis na ako. Habang ako ay naglalakad. Paulit ulit sa utak ko ang pangyayari kanina. Sana hindi nalang ako nag dorm pa. Tsk. Oh shit! Nakalimutan ko i-text si pauleen.

09*********

Pauleen! Papunta na ko! Circle park ah? See you! Mwuah!

Habang ako ay naglalakad. Malamig na hangin ang nararamdaman ko. Sobrang lakas nga eh. Mag babagyo ata? Pero sana hindi. Wala pa naman akong dalang payong at jacket. Ilang minuto ako naglalakad, nakarating na rin ako sa circle park.

"Pau!" Sumigaw ako para alam nila na nandito na ako. Tumakbo ako papunta doon.

"Shaira! Oh, tara na ba? Yung ngiti mo abot hanggang tainga! Parang nagpakasal na kayo ni kenneth eh." Napatingin ako kay pauleen na nakataas ang isang kilay ko. Nakita ko naman si kenneth ngumingiti at nag blublush??? What the heck? Bakit ba lagi nalang ay inaasar ako na kami na kenneth pag nandyaan si kenneth? Sarap putulin ang leeg eh.

Tahimik lang ako naglalakad at sila naman ay ang iingay. Tumigil kami saglit dahil gusto raw mag picture ni mienna. Oh gad! Istura ko! Parang ako umakyat ng bundok eh! Ang haggard ko! Shit!

Nung nasa dorm na kami. Nagbabye ka kami sa isat isa. Salamat po lord! Wala na rin ang kenneth na yun. Si angeli ay nasa mga barkada niya. Hindi ko alam kung nasa school na sya. Ramdam ko ang pagod sa buong katawanan ko. Nawalan na rin ako kumain ng dinner. Napagisip ko na punta muna ako sa library. Di bali, 24 hours naman yun. Nagpaalam ako kela mienna tsaka lumabas. Dala ko uli ang notebook ko at pen ko. Hindi ko na maintindihan sarili ko kung trip ko lang ba dalhin or talagang may kelangan akong gawin sa n.b ko?

Nung nasa harap na ko ng transparent door. Tinulak ko ito tsaka nag greet kay sir. Hance. Umupo ako sa dati kong pwesto pero mukhang mali ang akala ko. May istudante parin pla dito.
Gerald.

Ano kaya binabasa niya? Damn. Kelangan ko mag focus sa dapat kong gawin. Sa totoo nga lang eh hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Habang ako ay nagiisip kung anong pwede kong gawin sa notebook na toh. Naramdaman kong nakatayo si gerald sa gilid ko. Napalingon ako sa kanya.

"What?"

Bigla bigla lang sya umupo sa tapat ko. "Hi." Tanging yan lang ang sinabi niya.

"Ano ginagawa mo?" Napailing ako sa tanong niya.

"Gusto mo kuhanan nalang kita ng libro?" Napailing nalang ulit ako. Patayo plang sya ng naisip ko na nakakahiya naman sa isang gerald na seryoso at naabala ko pa sya.

"No. Ako nalang." Umupo ulit sya at kumuha na ko ng libro. Ang kinuha ko ay fantasy of the world. Pagkabalik ko ay wala na si gerald. Nasaan na yun? Di bali. Hindi ko naman sya kelangan.

Umupo ako at gulat na napatingin ako sa notebook ko. Nakasulat ito ng malaking letra.

I LOVE YOU

-----

Hey! Nakalahati niyo na ah?! Omygad! WAHAHA!!! Sana suspended. Joke! HAHA! Umuulan kasi rito eh. Anyway. Malapit lapit ko na rin maipublished ang next story ko. So, see you on my next story. Sorry kung may typos again. Feeling ko lang meron ih. Hehe

--*Zairalene*

GREEN VAR UNIVERSITY (ON-GOING) Where stories live. Discover now