-----
Pauleen's povKanina pa ko nag lalakad pero ni isa wala pang lumalabas o sumusulpot na electronic robot. Ang tanging naririnig ko lang na ingay ang mga insecto na nagmumula sa mga puno. Hawak-hawak ko naman ang aking flashlight habang palinga-linga sa paligid.
Wala ba talaga lalabas dyan?
Napaupo na lang ako sa sahig at kinuha ang bottled water ko sa survival kit. Sobrang uhaw na ko at ang init kahit gabi na.
Kelangan ko na rin bumalik sa kweba.
Ibinalik ko na ang bottled water ko sa survival kit at tumayo na. Buti na lang may compass na ksama sa kit ko. Since ang waterfalls ay pa north. Napag laruan ko kasi kanina nung nasa kweba kami bago pa mangyari ng lahat nang toh.
Lumakad na ko papunta sa north na itinuturo ng compass ko.
"Pauleen..."
Napatingin-tingin ako kagad sa paligid ko kung sino ang tumatawag sa'kin. Mukhang muni-muni ko lang yon.
"Pauleen... a-andito lang a-ako. S-sa..."
Muni-muni ko lang ba yon o totoo ang naririnig ko? Wala naman tao pero...
"KYYAAHHHH!!!" Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating ko ang tulay.
Hindi! Hindi totoo yung nakita ko. Hindi siya gawa sa electronic robot. Pagtutok ko pa lang ng flashlight. May matang nakatingin sa'kin at kulay brown ang kanyang balat.
O baka isa lang yon na player na kalaban namin.
Shaira's pov
Nakabalik na ko sa kweba pagkatapos ko marinig ang boses na yon.
Tahimik lang si leigh pero si mienna kanina pa siya nag sasabi na hindi totoo. Ano na naman pumasok sa isip nitoh?
"Mienna? Ayos ka lang ba talaga?"
Dahan-dahan naman siya tumingin sa'kin. "H-huh? Oo! Ayos na ayos lang ako! G-giniginaw lang! Hehe" sabay tumingin-tingin sa paligid niya.
"W-wala bang k-kumot o j-jacket dyan?"
Huminga ako ng malalim tsaka nagsalita. Mukhang may gumugulo na naman sa isip ni mienna. "Mienna. Please tell me what's bothering you" hinawakan ko na ang kanyang dalawang kamay.
"May n-narinig kasi akong b-boses. May tumat-tawag sa'kin"
Lumaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya. "A-ano sinabi?"
"Basta nanghihingi siya ng tulong. Akala ko nga may tao pero kami lang talaga dalawa ni leigh ang nandito"
"Kanina pa ko nacreecreepyhan dito kay mienna eh" Pagrereklamo ni leigh.
Napatingin naman ako sa kanya. "Ayos ka na ba?" Mahinhin kong sabi.
Tinaasan naman niya ako ng kilay. Kahit kelan talaga masungit toh sa'kin. "Hindi ba nagtanong ka na niyan kanina?"
"Tsk" Ano na naman ba nakain netoh?
Ilang oras na lumipas. Wala pa rin si pauleen. Baka naligaw siya. Pero siya ang nagturo ng kwebang ito. Mukhang kelangan ko na siya hanapin dahil mag a-alas nuwebe na nang gabi.
"Dito lang kayo, hahanapin ko lang si pauleen"
Pipigilan na sana ako ni mienna pero agad na lumabas ako. Sobrang dilim, ni-isa wala man lang poste.
Parang naman may poste dito sa gubat na toh
Nilabas ko ang flashlight ko at dahan-dahan lang naglakad sa gubat. Isisigaw ko sana ang pangalan niya pero naalala ko nga pala na hindi lang kami ang tao dito.

YOU ARE READING
GREEN VAR UNIVERSITY (ON-GOING)
Novela JuvenilGreen Var University ay isang simpleng iskwela. Private school ito. Maaaring maiwasan natin ang masamang mangyayari. Pero mananatili pa rin ito kung hindi natin aayusin. Simpleng buhay lang ang meron. At yun ay si Shaira. Ang mataray at mabait na ba...