Nagising si Kim na nasa hospital siya pero wala siyang maalala kung bakit.
Pilit na inalala ni Kim ang nangyari pero bigo siya. Wala talaga siyang matandaan.
Lumipas ang ilang linggo.
7pm, Kim's Room
Maaga nakatulog si Kim dahil sa iniinom niyang pain reliever.
Nitong mga nakaraang linggo kasi lagi nalang nangangalay ang kanang bahagi ng balikat niya. Hindi niya alam kung bakit.
2am
*KRIIIIIIIIIIIIK*
Nagising si Kim dahil sa pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto. Hindi siya nagpahalata na nagising siya dahil gusto niya malaman kung sino ang pumasok ng ganitong oras sa silid niya.
"Alam kong gising ka. Heto, gatas oh. Inumin mo para makatulog ka ulit."
Si Manang Tes lang pala.
Humarap sa kanya si Kim pero sana pala hindi niya na lang ginawa.
Kinabahan si Kim sa itsura ni Manang. Yung sa kanang mata nakatingin sa taas, tapos yung kaliwang mata ni Manang nakatingin kay Kim. Napansin niya din na parang hindi makontrol ni Manang ang kaliwang kamay niya, galaw ng galaw.
Magtatanong sana si Kim kung okay lang ba si Manang kaso hindi niya alam kung bakit nagsitayuan ang balahibo niya. Kaya tumango na lang siya bilang tugon pagkatapos ay umalis na din si Manang Tes.
Maaga nagising si Kim kinabukasan dahil may field trip sila at required sa school nila ang sumama kaya no choice siya kahit na tinatamad.
Kim: Nangangalay pa din talaga braso ko.
Sabi ni Kim habang hinihilot hilot ito.
Pababa siya ng hagdan ng makasalubong niya si Manang Tes, ngumiti lang ito sa kaniya. Maya maya lang yung mommy niya naman na nag aayos ng sarili ang nakita niya dahil may trabaho pala ito.
Mom: Good morning My Princess. Enjoy sa field trip later, just behave is that clear?
Tumango lang si Kim.
Mom: By the way Iha, nag leave si Manang Tes nung isang linggo pa, kaya ikaw na muna bahala sa sarili mo, okay? I have to go.
Hahabulin pa sana ni Kim ang mommy niya pero umalis na ito.
Nag leave? Si Manang? Sino ang kasama ko ngayon? Tanong ni Kim sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Monster Stalker (COMPLETED)
Mystery / ThrillerNais lamang ni Kim at ng kaniyang ina na makapag simula ulit matapos silang iwan ng kaniyang ama dahilan upang lumipat sila ng tirahan. Sa pag lipat nila ng bahay ay magugulo ang dating tahimik nilang buhay. Ngunit sino o ano ang milagrong nababalo...