Alas dos ng madaling araw nang nakaramdam si Kim na naiihi kaya bumangon siya para mag cr.
Pabalik na sana siya sa kama niya nang biglang nakarinig ng kalabog sa may mesa niya.
Hinanap niya kung saan nanggaling ang tunog kaso wala siyang makita. Napatingin siya sa laptop niya dahil bigla itong nag on. May nag Friend Request sa kaniya. Kinonfirm niya naman agad ito at matutulog na kaso maya maya lang ay nag chat ito sa kaniya.
Boy: Hi miss. Salamat sa accept.
Kim: Okay lang.
Boy: Bat gising ka pa?
Kim: Nagising lang, matutulog din ulit ako.
Boy: Ang ganda mo naman sa suot mong yan.
Kim: Ha? Pano mo nasabi? Eh hindi mo naman ako nakikita.
Boy: Nakikita kita.
Kim: Talaga lang ha.
Boy: Oo. Puting bistida na may disenyong mickey mouse ang suot mo diba? Haha.
Kim: Asan ka ba? (Kahit matatakutin siya ay hindi niya ipinahalata ito sa kachat niya.)
Boy: Sabihin na lang natin na nandito ako sa kwarto mo.
This time, lalo siyang natakot.
Kim: Lumabas ka nga! Magpakita ka!
Boy: Hindi ka matatakot sakin?
Kim: Bakit naman ako matatakot sayo?
Pero ang totoo, kanina pa siya takot na takot.
Boy: Sige lalapit ako.
Tingin ng tingin sa paligid si Kim.
Kim: Asan ka na?
Nakaramdam si Kim ng napakalamig na kamay na dumapo sa balikat niya.
Boy: Andito na ako....
Sa likod mo.
BINABASA MO ANG
Monster Stalker (COMPLETED)
Mystery / ThrillerNais lamang ni Kim at ng kaniyang ina na makapag simula ulit matapos silang iwan ng kaniyang ama dahilan upang lumipat sila ng tirahan. Sa pag lipat nila ng bahay ay magugulo ang dating tahimik nilang buhay. Ngunit sino o ano ang milagrong nababalo...