Chapter XI

222 11 14
                                    

"Ha.Ha.Ha." Tawa ni Kim. Parang nababaliw na siya sa mga nangyayari matapos makita ang balita.




"Hahaha! Patay na pala si Mom eh kausap ko pa lang kanina. Hahaha!" Nakaharap pa din si Kim sa nakabukas na tv. Tulala. Tumatawa na umiiyak. Hindi makagalaw. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.


At kung bakit ito nangyayari sa kanya?


Bakit may balitang naaksidente ang mommy niya samantalang kasama niya pa lang ito, nakausap at nayakap?









Bumalik sa katinuan si Kim. Hindi siya pwedeng magpadaig sa takot na nararamdaman niya.




Lumabas si Kim ng kanyang kwarto at bumaba.


Hinanap niya agad ang kanyang ina. Gusto niyang masiguro na mali ang balita.


Na mali ang tungkol sa aksidente.




"Mom?" Tawag niya pero walang sumagot.




"MOM!?" This time nilakasan niya na ang pagtawag pero wala siyang narinig ni anuman na tunog mula sa ina.




Pumunta siya sa kwarto ng mom niya pero walang tao.


Sa sala wala. Hangga't narating niya ang kusina nila.


Kinabahan siya sa nakita.




Isang babaeng nakatayo.


Nakatalikod ito sakanya kaya hindi niya nakikita ang mukha.


Mahaba ang mga buhok nito.




Palapit ng palapit si Kim sa babae, pero palakas ng palakas naman ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa kakaibang takot na nararamdaman.


Sa kanyang paglapit, tila may binubulong ito.




"Umalis kana sa bahay na ito. Papatayin ka niya. Kukunin ka niya!" Paulit ulit ang sinasabi ng babae.




"Umalis kana sa bahay na ito. Papatayin ka niya. Kukunin ka niya!"




Nagsitayuan na din ang mga balahibo ni Kim lalo na nang humarap ito sakanya.




Siya yung babaeng nakita niya sa cr ng kwarto niya. Yung babaeng nirape ng halimaw. At yung halimaw na nakatingin kay Kim matapos ipakita sakanya lahat ng pangyayari dito sa loob ng bahay. Naalala na ni Kim lahat.





FLASHBACK

Isang masayahing pamilya ang lumipat sa isang maganda at malaking bahay. Ito ay ang mag asawang Schnittka. May apat silang anak.

Si Edz, 20
Si Rel Kurt, 18
Si Stephanie Faith, 17
Si Shine Raine, 5

"Wow! Ang ganda naman ng bahay natin ma. Dun ang kwarto ko sa 3rd floor ha?" Sabi ni Stephanie, ang pangatlong anak.

Masaya silang nanirahan dito hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan.

Naaksidente sa kotse ang mag asawa, pero hindi nakita ang bangkay. Si Edz at Rel Kurt naman ay nagkaron ng hindi maipaliwanag na sakit dahilan upang sila ay mamatay pero hindi rin matagpuan kung nasan ang bangkay ng mga ito. Maging ang bunsong anak na si Shine Rain ay nalunod naman sa kanilang pool. Ang natira ay si Stephanie Faith. Isang mahinhin na dalagita. Marami ang nagkakagusto dito kaya maging ang halimaw ay napaibig niya. Halimaw na nakatira pala sa bahay nila.

Akala ni Stephanie ay isang normal lamang na tao ito at handang iahon siya sa kadiliman ngunit ito pa pala ang magdadala sakanya sa karimlan. Noong una ay may gusto din dito si Stephanie ngunit nang malaman niya ang tunay na pagkatao ng lalaki ay umiwas na siya dito.

Nagalit ang halimaw kaya't pinagsamantalahan nito ang kawawang si Stephanie at pinatay sa mismong kwarto nito. Walang ibang nakakaalam ng totoong nangyari. At kung nasaan ang kanilang mga bangkay.

End of Flashback




"Umalis ka na sa bahay na ito habang may oras pa!"




Nagulat si Kim sa biglang pagsalita ni Stephanie Faith, ang babaeng pinagsamantalahan at pinatay. May sinasabi ito.


Mahina lang ang boses nito, pero sapat na para marinig niya ang lahat ng sinasabi nito.




"Tumakbo ka na!"




"Tumakas ka na!"




"Papatayin ka niya!"




"Kukunin ka niya!"




Dahil sa mga narinig, kusa nang gumalaw ang mga paa ni Kim papunta sa pintuan ng bahay.




Lalabas na siya nang lumingon pa muna siya sa babae.




"Mariel Rivera." sabi nito




Hindi siya sigurado sa narinig dahil bigla nalang itong nawala.





Monster Stalker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon