4am
"Sino si Mariel Devera?" Bulong ni Kim.
Nasa gate na si Kim ng bahay pero di niya pa din alam kung saan siya pupunta ng ganitong oras.
Nangangalay na naman ang balikat niya.
Aware na siya kung bakit. Pero hindi niya alam kung kelan titigil ang pagkapit sakanya ng halimaw.
*dial Ethan* *toooooot*
"Bakit hindi mo sinasagot Ethan!" Hindi niya alam kung magagalit siya o ano dahil wala si Ethan sa twing kelangan niya ito.
Takbo dito.
Takbo doon.
Ang haba at ang layo na ng tinatakbuhan ni Kim pero parang paulit ulit lang ang dinadaanan niya.
Wala pa din siyang nakikitang mga tao.
"Dapat pag gantong oras marami na ang nagsisi-jogging pero bakit ni isa wala akong makita?" Tanong niya sa sarili niya.
Lakad pa din nang ng lakad si Kim hanggang sa nakakita siya ng Pulis station.
Nagtaka man ay dali dali siyang pumasok dito at humingi ng tulong.
Pulis station
Kim: M-mamang P-pu...lis.
Pulis: Oh Iha? Bakit ka tumatakbo? Anong nangyari sayo?
Kim: May g-gusto kumu...ha sakin!
Pulis: Sino?
Kim: H-halimaw at alam kong malapit na siya sakin!
Nagtinginan ang mga pulis sa sinabi niya.
Pulis: Iha, okay ka lang ba? Mukhang masama ata ang tama mo.
Kim: Just help me please. Natatakot na talaga ako.
Pulis: Magpahinga kana muna.
Kim: No! May monster talaga. Kukunin niya ako. Ayokong sumama sakanya! Please help me.
Hindi sa kanya naniwala ang mga pulis bagkus ay pinagtawanan lamang siya ng mga ito.
Parang gustong magwala ni Kim dahil pinagmumukha siyang baliw ng mga ito. Pero may isang lumapit sakanya.
Pulis: Halika muna Iha. Alam kong malayo ang tinakbo mo, inumin mo muna itong kape para mainitan yang sikmura mo.
Kim: S-salamat.
Agad din naman itong ininum ni Kim dahil sa pagod.
Lingid sa kanyang kaalaman ay walang Pulis Station sa loob ng subdivision nila.
Narinig niya pang naghalakhakan ang mga pulis pero huli na nang mapagtanto niya.
Pilit man imulat ay hindi na niya kaya ang bigat. Unti unti nang pumikit ang mga mata ni Kim.
FLASHBACK
Isang masayahing pamilya ang lumipat sa isang maganda at malaking bahay. May apat itong anak.
"Wow! Ang ganda naman ng bahay natin ma. Dun ang kwarto ko sa 3rd floor ha?" Sabi ni Angel, ang nag iisang babaeng anak.
Masaya silang nanirahan dito hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan.
Naaksidente sa kotse ang mag asawa, pero hindi nakita ang bangkay.
Yung tatlong anak naman ay nagkaron ng hindi maipaliwanag na sakit dahilan upang sila ay mamatay pero hindi rin matagpuan kung nasan ang bangkay ng mga ito.
Ang natira ay si Angel. Isang mahinhin na dalagita. Marami ang nagkakagusto dito kaya maging ang halimaw ay napaibig niya.
Halimaw na nakatira pala sa bahay nila.
Noong una ay may gusto din dito si Angel ngunit nang malaman niya ang tunay na pagkatao ng lalaki ay umiwas na siya dito.
Nagalit ang halimaw kaya't pinagsamantalahan nito ang kawawang si Angel at pinatay sa mismong kwarto nito.
Walang ibang nakakaalam ng totoong nangyari. At kung nasaan ang kanilang mga bangkay...
End of Flashback
BINABASA MO ANG
Monster Stalker (COMPLETED)
Mystery / ThrillerNais lamang ni Kim at ng kaniyang ina na makapag simula ulit matapos silang iwan ng kaniyang ama dahilan upang lumipat sila ng tirahan. Sa pag lipat nila ng bahay ay magugulo ang dating tahimik nilang buhay. Ngunit sino o ano ang milagrong nababalo...