Chapter XIV

197 12 8
                                    


Mom: Iha, anak? Sigurado ka ba talagang okay ka?


Kim: Yes mom. I just want to ask kung bakit po ako nandito sa kwarto ko?


Mom: Nawalan ka ng malay pagdating mo ng bahay kagabi.


Kim: P-po?


Mom: Nag field trip kayo diba anak? Then pagpasok na pagpasok mo sa bahay nag collapse ka. Mabuti na lang at nandito na ako sa bahay kaya naalagaan kita. Si Manang Tes kasi, kanina lang dumating.


Kim: Ibig sabihin, walang halimaw? Walang kukuha sakin? Walang aksidenteng ngyayari?


Mom: Ano bang nangyayari sayong bata ka. (Natatawa)


Kim: Eh kasi...


Mom: Nananaginip kana naman ng kung anu ano Kimmy ah. Yung gamot mo, naiinom mo ba?



Napailing nalang si Kim. Right.

May medicine siyang iniinom dahil sa sleeping disorder niya.



May kinuha ang mommy niya galing sa bag nito at binigay kay Kim kasama ang basong may laman na tubig.



Mom: Inumin mo na muna yan para makapag pahinga ka pa ng maayos.



Kinuha naman ito ni Kim at ininom.



Kim: Mom, wag mo na akong iiwan ulit ah?



Ngumiti lang ito sa kanya bilang tugon.

Umayos na nang pagkakahiga si Kim tapos ay pumasok si Manang Tes sa kanyang kwarto.



Nararamdaman ni Kim na inaantok na siya pero pilit niya pa din pinakinggan ang pag uusap ng dalawa.



"Ikaw na muna ang bahala kay Kim, Manang ah. Baka bukas na ako makauwi. Tambak ang gawain sa office."



"N-nooo..." Sasagot pa sana si Kim para pigilan ang mommy niya na umalis kaso ay nilamon na siya ng kadiliman.



"Something is not right." Sabi ng isip ni Kim.

















...


Nagising si Kim sa isang madilim at napakabahong silid. Nasusuka siya sa amoy. Pinakiramdaman niya ang paligid maging ang sarili niya.



Wala siyang maaninag na liwanag.

Napakadilim.

Napakabaho.

Sinubukan niyang maglakad pero natisod siya.

Tumayo siya upang kapain ang ilaw.

Agad niya itong pinindot ng mahawakan niya ang switch pero laking gulat niya sa nakita.









"N-nooooo!" Napasigaw si Kim sa nakita tapos ay napaupo ito at humagulhol.



Mga buto ng tao.



Isa, dalwa, tatlo...Anim lahat. Nagkalat.



At ang mas ikinagulat niya pa ay nandito din ang mommy at manang tes niya.





"M-mom-mmy!" Sniff. Hindi na ni Kim napigilan ang sariling umiyak.





"M-manang T-tes..." Pati ang manang niya wakwak ang dibdib.





Matapos umiyak ay tumayo si Kim at sumigaw.





"SINO KAAA??!!! MAGPAKITA KA SAKING DEMONYO KA!" Pero walang sumagot.




"ANONG KAILANGAN MO?!! BAKIT--BAKIT MO GINAGAWA SAKIN ITOOO!! MAGPAKITA K---" Naputol ang sinasabi ni Kim nang biglang may narinig siyang mga yabag ng paa.



Papalapit ito sakanya pero hindi niya makita ang mukha.



Natatakot siya. Pero nilakasan niya ang loob.




"SINO KA!? BAKIT...BAKIT MO PINATAY ANG MGA MAHAL KO SA BUHAY!" Wala pa din itong tugon.




Nagsitayuan ang mga balahibo niya nang makita niya na ang buong itsura nito.




Mahabang buhok na patusok tusok. Malalaking matang kulay pula na labas ang ugat.



Ang bibig nitong parang sa buwaya, madaming ngipin. Mga kamay na mahahaba ang kuko. At, buntot na kagaya nang sa butiki.




Natakot si Kim kaya bigla siyang napaatras.




"Hahahaha! Tinawag mo ako tapos ngayong nandito na ako sa harap mo ay matatakot ka?" Sabi ng halimaw na mala demonyo ang halakhak.





Natatakot man ay nilakasan pa din ni Kim ang loob niyang sumagot.




"B-bakit m-mo i-ito g-ginagawa s-sakin??!" Tanong ni Kim.




"Dahil magiging sagabal sila sa pagmamahalan natin!" Tapos ay humalakhak na naman ito.




"HALIMAW KA! SINONG B-BALIW ANG MAGMAMAHAL SAYO?! WAL-!"




"Eh kung patayin ko din kaya si Ethan mo? HAHAHA!" Sa narinig ay tila nanlamig si Kim.




"Ano? Hindi mo kaya? Gusto mong papuntahin ko siya dito? Hahaha!" Panghahamon ng halimaw.




*dial Ethan*




Halimaw: (Ginaya ang boses ni Kim) Ethan, punta ka dito sa bahay, may sasabihin ako sayo.




Gustuhin man sumigaw ni Kim ay tila nawalan siya ng boses.




Ethan: Sige Kim, papunta na ako.




Kim: "WAAAG ETHAAA--"

*toooot*




Monster Stalker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon